Thursday, May 18, 2006

AIN’T UNWIELDY, AIN’T PLODDING, AIN’T GRIM

THE DA VINCI CODE

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi ng mga Cannes Film Festival Critics ang Da Vinci Code raw ay unwieldy, plodding at grim. Well, taste nila yon. Pero I think nahanap ko ang katotohanan sa film na ito.

Bilib ako sa film adaptation ni Rod Howard kasi faithful pa rin siya sa true message ng book. Kung anong inaasahan ko nakita ko dito. Ang buong cast ensemble super galing. Medyo nanibago lang ako kay Tom Hanks as Robert Langdon kasi medyo nasapawan ang character niya sa kagalingan ng French actress na si Audrey Tautou. Bagay na bagay kay Audrey talaga. Perfect choice siya. Siyempre walang makakatalo kay Sir Ian McKellen bilang Leigh Teabing. He nailed it down. Ok din si Paul Betanny as the albino monk Silas.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Last May 16 when I heard na
R-18 rating ng MTRCB sabi ko unfair naman sa mga youth. Sana man lang R-13 para maipalabas sa mga SM Cinemas( loyal po kasi ako ng SM Megamall) at para rin maimulat sa mga kabataan ang ganitong klaseng pelikula.
Pero nang mapanood ko na siya on it’s 1st day. Agree ako kay Mrs. Laguardia, tama lang na for mature audiences lang ito. Sa tingin ko sa mga kabataan na mahilig sa popcorn movies pag pinanood ito ay talagang di mag-eenjoy. Ma-bo-bored lang sila. Iba ang approach ng book ni Dan Brown kasi parang nagbabasa ka lang din ng Harry Potter series pero sa film na ito iba ang mararamdaman mo. Kailangang bukas ang isip mo at alerto sa bawat eksenang nagaganap para mahanap mo ang katotohanan na gustong ipahiwatig ng pelikula kahit kathang isip lang ito.

Di nga lang masyadong kapansin-pansin ang musical scoring nito. Lumalabas sa tenga hindi tumatagos sa puso. Gusto ko rin ang editing, superb!

Congrats sa lahat ng cast kasi binigyan niyo ng justice ang mga role na ginampanan.


Sa mga tumutuligsa ng Da Vinci Code, panoorin niyo muna bago niyo husgahan dahil ni isang eksena di ko nakita na inalipusta si Jesus Christ, Simbahang Katoliko at ang Opus Dei.

Seek the truth. The grail is in your heart.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

1 comment:

Anonymous said...

Sie irren sich. levitra viagra preis [url=http//t7-isis.org]levitra online[/url]