Wednesday, August 23, 2006
JUETENG & THE MAZE
Nauuso na talaga indie films ngayon at least kumikita at nananalo sa ibang bansa. Maganda ang publicity ng Kubrador kaya pinanood ko siya.
Deserving ba sa mga awards?
YES YES YES!!!
Cool ang screenplay kasi napaka-realistic. Ganun pala jueteng ano? Kaya lang di talaga pambata ito. Medyo bitin lang ang ending pero kung iisipin mo natapos naman siya. Kakaiba nga lang.
Ang direction naman ni Jeffrey Jeturian ay remarkable. Naaalala ko tuloy ang ilang scenes ni Spielberg sa Saving Private Ryan.I think sumakit talaga ulo ko doon. Then yong rooftop chasing scenes sa Crouching Tiger ni Ang Lee ay meron din dito pero astig! Tapos yong last task sa Harry Potter & Goblet of Fire na Maze ay meron din. Kaso nga lang sa squatters kinunan pero artistic ang arrive!
Best Actress talaga si Ms. Gina PareƱo. Bagay na kubrador. Gusto ko yong eksena niya na naliligaw sa squatter's maze. I love it. Ganda. Tapos yong lines niya about lucky Jueteng possible number result. So hilarious.
Ang pinakabest sa Kubrador ay ang crowd control. Ang galing ng mga extra na nadadaanan lang ng camera in fairness. Bilib ako.
Nagustuhan ko ang film na ito kasi eye opener.
Sana mapanood ito ng mga Pinoy.
After Pusang Gala, Maximo,Masahista at Ilusyon may maidadagdag na naman ako sa mga best indie films na napanood ko.
Kubrador is world-class.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment