Last 2003, halos buong bansa naging Tanging Ina natin si Ina. Aaminin ko gusto ko ang pelikulang yun. As in twice ko pa nga siya pinanood. Pero after watching all Wenn Deramas' films through the years and watching his super bestfriend DJ Durano in all his films. Medyo nawalan ako ng gana sa new movie ni Ai-Ai. Nandito na naman pala si DJ? Si Deramas pa rin director? Good thing may free ticket ako. Dahil kung binili ko ang ticket sa sinehan na sobrang mahal talaga. Eh susugod ako sa Star Cinema para humingi ng refund.
Sinabi ng pelikula na ang ilan sa mga anak ni Ina at nag-abroad na. Halos iba't ibang trabaho uli ay kanyang sinubukan. Pero nang makapasok sa Malacañang bilang chambermaid, naka-discover siya ng asassination plot kay Madam President. Sa kasamaang palad, natuloy ang pagpatay at sa di inaasahang pagkakataon, napilitan sa Ina na tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas via snap elections. As expected, panalo si Ina. Pero lalong gugulo ang buhay ng tanging ina nating lahat sa kanyang pagkakaluklok sa puwesto.
Heto na! Start pa lang ng movie eh gusto ko nang mag-walk out! Pinatugtog ba naman ang aking most annoying song of all times ang Di Ko Kayang Tanggapin ni April Boy Regino?Gosh! Ilang beses akong napapailing kasi di ko maintidihan bakit nagtatawanan ang ilang tao sa loon ng cinema 3 ng SM Megamall sa mga mababaw na jokes. Hello?
Itong pelikula na ito ay may target audience.
The movie is still watchable dahil kay Ai-Ai at kay Eugene. Pareho pa rin mga banat nila! Sa mga supporting naman tanging si Carlo, Shaina at Jiro lang ang mapupuri ko. Si DJ? Ewan ko ba bakit hindi pa rin maalis-alis ni Deramas si DJ.
Actually ang title ng movie ay may ibig sabihin. Nakakatawa! Pwede ko ba isigaw sa kanila ang hidden message? Wag na lang. Pero kikita ang movie na ito. Kahit hindi ka manonood kikita pa rin. Hintayin nyo na lang uli ang next fight ni Pacman dahil pantapat na naman ito ng ABS-CBN sa GMA-7 pag may laban uli ang pambansang kamao.
RATING : 1.5 / 5*
No comments:
Post a Comment