Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Kung napanood mo ang Exodus: Tales From Enchanted Kingdom noong 2005 eh parang ganito lang naman ang format din ng Ang Panday.
CHUVA NG PELIKULA: Sabi sa hula kapag bumagsak na ang bulalakaw sa lupa at kung sinuman ang makakabuo ng sandata mula sa mahiwagang bato nito ay ang taong makakapatay kay Lizardo ang hari ng kadiliman na naghahasik ng lagim sa mundo. Si Flavio ang nakagawa ng sandata kasi siya lang naman ang marunong sa lugar na yun at sa harap niya kaya bumagsak ang kometa? No choice siya! So problem na lang niya ano kayang design ang maganda sa espada? Maliit lang espada ni Flavio pero pag nagagalit ito eh aba pagkahaba-haba!!!!
Sa simula pa lang alam na alam kaagad natin ang ending ng kwento. This is good vs evil so obviously dapat ang bida ang mananaig sa bandang huli.
Nang malaman ko na si Mac Alejandre pala ang director eh medyo kabado ako kasi last movie niya na One True Love eh kahabag-habag ang pagkagawa niya.
Ang role na Panday ni Bong eh hindi naman pambato sa Best Actor. Babatuhin ko ang mga judges pag nanalo si Senador kasi luto na yan.
Sa darating na awards night, I'm pretty sure na halos lahat ng mga technical awards eh hahakutin ng Ang Panday.
1 comment:
2009 MMFF WINNERS
BEST PICTURE : ANG PANDAY
BEST PICTURE 1ST RUNNER UP : I LOVE YOU GOOD BYE
BEST PICTURE 2ND RUNNER UP : ANG DARLING KONG ASWANG
BEST DIRECTOR: JOEL LAMANGAN ( MANO PO 6 )
BEST ACTRESS : SHARON CUNETA ( MANO PO 6 )
BEST ACTOR : BONG REVILLA ( ANG PANDAY )
BEST SUPPORTING ACTRESS : HEART EVANGELISTA ( MANO PO 6 )
BEST SUPPORTING ACTOR : PHILLIP SALVADOR ( ANG PANDAY )
BEST CHILD PERFORMER : BUBOY VILLAR ( ANG PANDAY )
BEST ORIGINAL STORY : I LOVE YOU GOODBYE
BEST MAKE-UP: SHAKE RATTLE & ROLL 11
BEST PRODUCTION DESIGN : ANG PANDAY
BEST SOUND RECORDING : ANG PANDAY
BEST VISUAL EFFECTS: ANG PANDAY
BEST ORIGINAL THEMESONG: ANG PANDAY
BEST MUSICAL SCORE: MANO PO 6
BEST EDITING: I LOVE YOU GOODBYE
BEST CINEMATOGRAPHY: I LOVE YOU GOODBYE
LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD: DOLPHY
Top Grossers:
NCR (SM North EDSA): Ang Panday
Luzon (SM Dasma): Ang Darling Kong Aswang
Visayas (SM Cebu): I Love You Goodbye
Mindanao (SM Davao): I Love You Goodbye
GENDER SENSITIVE FILM: MANO PO 6
GATPUNO VILLEGAS CULTURAL AWARD : MANO PO 6
Post a Comment