Saturday, December 27, 2008

COVER GIRLS

free glitter text and family website at FamilyLobby.com one-night-only

Ano ba ang mangayayri pag pinagsama ang limang cover girls ng FHM pati na rin MAXIM! Siyempre, aasahan natin sexy movie di ba? Maraming nagsasabi na pantapat daw ito sa Desperadas. Pero hindi naman sila desperate masyado. Ito ang pampitong entry na pinanood ko. Well, enjoy naman kahit panandalian lang. Parang quickie lang.

01-movie-onenightonly

Si Jasmine ay isang hammer girl (tunog na martilyo alam nyo na) na lilipad sana papuntang Macau kasama ang isang mayamang Intsik ngunit ang bf niyang congressman ay nangungulit na makipagkita sa kanya. Si Angela ay isang conservative na dalaga na pilit na dalhin sa langit ni Diegona isang sikat na artista. Si Pons na hunk na busy sa isang advertisng agency ay torn between two sexy girls. Si Nestor na isang make-up artist ay nababaliw na sa kanyang papa na turing lang pala sa kanya ay tatay. Si George na isang lesbiana na magpapakamatay dahil hiniwalayan ni Elvie.Sa isang gabi, lahat sila ay magtatagpo ang landas sa isang motel. Magkakagulo ba?

08-movie-onenightonly

Habang pinapanood ko ito naalala ko ang jOLOGS ng Star Cinema. Eto lang medyo kasi adult-themed. Sabi ko nga quickie ang laughtrip. Nakakatawa naman in fairness pero not too much. Medyo nakita na kasi sa trailer ang mga nga funny moments. Bale kung anong lang yung minor details ang makikita natin uli. Siyempre, mga kaseksihan ng mga chickas din. Isama mo na si Jon Avila at Paolo Contis na matatapang. Ang mga maganda sa One Night Only ay dark comedy ito. Hindi siya ka-cheapan na mababaw. Dark comedy talaga. Alam ko talaga na hind ako hahalakhak at tama na yung naaliw ako. Nabigayan ng justice ang premise. Cool siya kasi magaling ang direction ni Jose Javier Reyes talaga. Isama mo na ang nifty editing ng movie.

Performances? Si Chokoleit ang nakakagulat. May ibubuga pala ang bading na ito. Paolo Contis and Allesandra de Rossi parehong award-winning actors. Excellent talaga!!! Memorable sila sa kama! Basta laugh trip. First time ko yatang humanga kay Joross natural lang sa kanya. Yung apat pang sexy girls na sina Jennylyn, Diana, Valerie and Katrina. Equal lang. Naguguluhan lang ako sa acting ni Katrina. Ano ba yun? Nairita ako sa mga crying scenes niya. Fine naghubad naman siya pwede na. Si Jon nagpa-cute lang naman siya. Pero OK pareho lang sila ni Katrina. Si Manilyn hmmm.. great pero ambivalent ako.

octoartsono

One Night Only is better than Desperadas and much cooler than Ang Tanging Ina N’yong Lahat kaso nga lang for matured audience only. R-13 naman ito so hindi naman siya disgusting sa mga teens. Kung homophobic ka? Stay away from this film. Kung manang ka lalo ka na mag-rosaryo ka na lang. I like this film kaso panandalian nga lang.

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

CATER TO YOU

free glitter text and family website at FamilyLobby.com i.php

Last year inisnab ko talaga ang Katas ng Saudi ni Jose Javier Reyes kahit Rated A pa ito at humakot pa ng awards. Blame Jinggoy. I don’t like him at all. I just don’t wanna see him on the big screen. Pero I heard strong-word-of-mouth about Magkaibigan. I saw the trailer at medyo promising siya. OK I’ll try this one na nga! The experience? Well, it was really quiet inside and the movie has something. It’s simple but deep.

Matagal nang magkaibigan sina Atoy at Ruben. Bata pa sila mag-bestfriends na sila. Nagkaroon na sila mga asawa, mag-bestfriends pa rin sila. Pati mga anak nila naging mga inaanak na rin. Pati mga misis nila super close na rin. Pero nang malaman ni Atoy na siya ay may cancer, dito masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.

me.php

Ang pelikulang ito ni JJR ay napakasimple lang. Walang kagimik-gimik, walang visual effects at walang bonggang production designs. Dito sa Magkaibigan, pinapakita lang ang katotohanan ng mga emosyon. Ano ba ang mararamdaman pag alam mong may taning na ang iyong minamahal? Saan ka ba lulugar kung ang best friend mo ay nagpapaalam na? Handa ka bang iwanan ang iyong mga mahal sa buhay? Bilib ako sa script ni Reyes na halaw sa buhay ni Rudy Fernandez. Hindi mo talaga maiiwasan na habang pinapanood mo ito eh si Rudy ang nasa isip mo.

m1.php

Dahil nga walang special effects o magarang production designs. Medyo natawa lang ako sa mga set nila. ¾ ng movie eh nagutom ako. Yeah. From start hanggang sa pinaka-climax lahat ng eksena eh kumakain sila? It’s either breakfast, lunch, snack, dinner, family gathering, walang ginawa ang mga artista kundi kumain nang kumain siyempre habang umaakting. Ang swerte naman ng caterer at kumita sila. He he he.

ime.php

First time ko yatang humanga sa mga kuha ni JJR. Dati kasi mga pelikula niya puro ads pero dito medyo nabawasan na. I love the scene of Reuben and Atoy’s son sa hospital. It’s silhouette na super stunning. Kinilibutan ako doon. Nakakaantig shot pa lang. Yung music nila pabalik-balik nga lang. Same piano piece all over again.

ge.php

Kung acting pag-uusapan si Boyet na bet ko for Best Actor. Nakakadala siya! Hands down. Kumusta naman si Jinggoy? Well, natiis ko siyang panoorin. OK naman siya. Nakakatawa naman kaso walang facial expressions na matino. For Best Supporting Actress sana manalo si Maricel Laxa. Natural sa kanya ito. OK na sana si Dawn Zulueta eh. Nakulangan ako. Marami siyang dramatic scenes sana man lang may nakita akong tears. Wala eh.

Recommended ko ang Magkaibigan. Sa lahat ng movies ng MMFF, ito ang highly applauded ko. Wag nyo isipin na si Jinggoy pinanood nyo if ever di mo siya like. Isipin mo na lang si Tom Hanks siya. Ganun ginawa ko at ayun success na natapos ko ang film.

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

Friday, December 26, 2008

MOTHER LILY'S CHRISTMAS GIFT

SHAKE RATTLE & ROLL X


wall2_1024 Bakit kaya ano tuwing Pasko nananakot si Mother Lily sa mga bata? Bakit pinagsasanib niya mga kapuso at mga kapamilya para makipagsigawan sa mga aswang, mga bangkay, mga multo at kung an-ano pang ka-ek-ekan na pwedeng tilian. Isa lang sagot diyan! Siyempre alam nyo na yan! Pansampung shake ko na ito, na rattle ba uli ako? Well I think I rolled with laughter yata?

As usual 3 episodes. Una ang Emergency ( hindi TV show ni Arnold Clavio), tungkol ito sa pag-atake ng mga aswang sa isang hospital.Pangalawa, ang Class Picture, tungkol sa pangmumulto ng isang di matahimik sa madre sa mga estudyante na nag-overnight sa kanilang university. Huli ang Nieves, isang comedy horror tungol sa isang engkanto slayer ng bayan.
srr_img2

image2.php

Isa-isahin natin, sa Emergency hindi ako natakot at wala rin akong narinig na sigaw ng bata sa loob ng sineha. Natakot lang ako kay Wendell kasi hindi na maganda ang body niya. Hindi na ba siya nag-wo-work -out? Siguro sawa na mga tao sa aswang kaya hindi na natakot sa emergency. Ito pang si Roxanne na kahoy umarte. Meron rin bang mga aswang na uhaw sa laman na hindi nang-a-atack sa mga hopeless victims??? Ha ha ha! Fav director ko rin si Mike Tuviera (TXT) kaso hindi siya mastadong impressive dito.

wall4_1024

Next, Class Picture. Eto talaga medyo nagulat ako at napasigaw. Pero once lang naman. Eh paano ka hindi magugulat eh walang ginawa ang mga young stars dito kundi magtitili. Sige tili!!!! Cute pala ni Kim Chiu ano? Si Gerald cute lang. Andaming artista di ko kilala ang iba. Pero kulang sa acting eh. Tanging si Jean Garcia lang ang mapupuri dito. Magaling si Topel Lee talaga sa paggawa ng horror film.

wall3_1280

Last, ay Nieves. Ha ha ha!!! Comedy trip ito. Sa totoo lang mas natawa pa ako dito kaysa sa Ang Tangin Ina Nyong Lahat. Doon pa lang sa love team ni Marian na hindi ko sasabihin ay halos nagpalakpakan ang mga tao sa sinehan! The best talaga. May twist pa silang nalalaman huh? Si Marian ang nagdala ng pelikula. Natural na natural ang performamce? Natural daw oh!!!! pero maganda ang cinematography at talagang enjoy ang mga hirit ni Nieves!!!! Parang naglalaro lang si Marian pero lovable siya as Nieves. I will watch this again kasi sa SM pag nakalimang pelikula ka na may free movie passes ka.

Recommended ko itong SSRX!!! Pero pwede mong tulugan ang Emergency kasi napaka-boring talaga. Class Picture mapapadilat ka! Pero paglabas ni Nieves riot na!!!! Ano naman kaya gimik nila next year??? Sana may Nieves na whole movie na!!!!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

SOARING HIGHER AT LEAST

free glitter text and family website at FamilyLobby.com dayoericcabahugchrisalaun2

Last June nasilayan natin si Urduja, isang bagong pag-asa sa Animation Industry ng ating bansa. Sa MMFF, meron namang Dayo. Sa totoo lang, mas maganda pa ito sa Urduja kaso konting taon na lang ang ating hihintayin at papunta na tayo sa gate ng Walt Disney Animations. Malay natin maligaw pa sa Pixar at Dreamworks. Lumilipad ang “Dayo” na may mataas na pangarap.

dayochrisalarconbubuylipn3

Isang batang ulila si Bubuy na nakatira sa lolo't lola niya. Isang araw inaalaska na naman siya ng mga bullies sa school na siyang dahilan kung bakit natangay ang kanyang lolo at lola ng mga engkanto sa ilalim ng lupa. Sa tulong ni Anna na isang manananggal at isang hip na tikbalang, sila ay papasok sa mundo ng Elementalia para sagipin ang kanyang lolo't lola,

Sa totoo lang kabado ako sa box office ng Dayo kahit nabigyan pa ito ng Rated A ng CEB. Mahilig na ang mga Pinoy sa CGI. Tradional animation naman eh luma na ito sa US. Di ba hindi kumita masyado ang Urduja, well, sana dayuin ito ng mga Pinoy. Ang masasabi ko sa animation ay big improvement! Magaling na mga Pinoy talaga! Kaya nang makipagsabayan.Ang sarap panoorin ang mga eksena sa Elementalia. Ang ganda ng mga kulay at buhay na buhay ang mga characters.

dayoericcabahugchrismarca1

Kaso nga lang, medyo kulang pa sa kuwento. Common ang story hindi nga lang familiar ang settings. Idagdag mo pa ang napakaraming commercial ads pero sige hayaan na makabawi man lang sila sa budget just in case hindi ito kikita masyado. Meron ilang elemento na ngayon lang natin nakita pero ang nakakatuwa eh ginawang modern ang mga engkanto. As in funny talaga.

dayoericcabahugchrismarei3

Sa voice casting naman, perfect si Nash Aguas as Bubuy. Si Katrina Legazpi naman ay charming pakinggan. I love her. Pero agae eksena talaga si Michael V!!! Walang kupas si Bitoy. Nandito si Pokwang, Gabe Mercado, Johnny Delgado na talaga namang magagaling rin. Pero ang pinaka-the-best sa Dayo ay ang musical score. As in panalo na ito! Original at talagang pinaghandaan. Idagdag mo pang ang madamdaming awit ni Lea Salonga na “Lipad”. Best Theme Song ito!
Makikipagpusta pa ako.

Wish ko lang talaga panoorin nyo ang Dayo. Sana naman magsawa na mga Pinoy sa mga comedy na paulit-ulit lang at mga pa-tweetums na romcoms. Dayo is an achievement na dapat ipagmalaki at higit sa lahat dapat panoorin.

Highly recommended!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

DERAMASSACRED!!!

ANG TANGING INA N'YONG LAHAT

3

Last 2003, halos buong bansa naging Tanging Ina natin si Ina. Aaminin ko gusto ko ang pelikulang yun. As in twice ko pa nga siya pinanood. Pero after watching all Wenn Deramas' films through the years and watching his super bestfriend DJ Durano in all his films. Medyo nawalan ako ng gana sa new movie ni Ai-Ai. Nandito na naman pala si DJ? Si Deramas pa rin director? Good thing may free ticket ako. Dahil kung binili ko ang ticket sa sinehan na sobrang mahal talaga. Eh susugod ako sa Star Cinema para humingi ng refund.

Sinabi ng pelikula na ang ilan sa mga anak ni Ina at nag-abroad na. Halos iba't ibang trabaho uli ay kanyang sinubukan. Pero nang makapasok sa MalacaƱang bilang chambermaid, naka-discover siya ng asassination plot kay Madam President. Sa kasamaang palad, natuloy ang pagpatay at sa di inaasahang pagkakataon, napilitan sa Ina na tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas via snap elections. As expected, panalo si Ina. Pero lalong gugulo ang buhay ng tanging ina nating lahat sa kanyang pagkakaluklok sa puwesto.

tangingina2trailer17

Heto na! Start pa lang ng movie eh gusto ko nang mag-walk out! Pinatugtog ba naman ang aking most annoying song of all times ang Di Ko Kayang Tanggapin ni April Boy Regino?Gosh! Ilang beses akong napapailing kasi di ko maintidihan bakit nagtatawanan ang ilang tao sa loon ng cinema 3 ng SM Megamall sa mga mababaw na jokes. Hello? Narinig na po natin ito??? Pati ba naman yung style ni Deramas na fast forward sped up scenes ay tinatawanan? Huh? At bakit pilit ang drama??? As in forced na forced na hindi tuloy nakakaiyak. Walang reason para umiyak sa nakakatawang sitwasyon na kung iisipin at kinda stupid.

tangingina2trailer30

Itong pelikula na ito ay may target audience. Unfortunately, hindi ako kasama sa kanila. Gusto ko na talagang mag-walk out kaso dapat ko lang tapusin para sa review ko. Puno ang Cinema 3 pero hindi lahat nagtatawanan. For Pete's sake, she is the president of the Philippines bakit ginagawang tanga ni Deramas ang mga audience. Siya pala nag-co-wrote din nito. Buti na lang konti lang eksena ni DJ rin.

The movie is still watchable dahil kay Ai-Ai at kay Eugene. Pareho pa rin mga banat nila! Sa mga supporting naman tanging si Carlo, Shaina at Jiro lang ang mapupuri ko. Si DJ? Ewan ko ba bakit hindi pa rin maalis-alis ni Deramas si DJ.

tangingina2trailer50

Actually ang title ng movie ay may ibig sabihin. Nakakatawa! Pwede ko ba isigaw sa kanila ang hidden message? Wag na lang. Pero kikita ang movie na ito. Kahit hindi ka manonood kikita pa rin. Hintayin nyo na lang uli ang next fight ni Pacman dahil pantapat na naman ito ng ABS-CBN sa GMA-7 pag may laban uli ang pambansang kamao.

RATING : 1.5 / 5*