CURSE OF THE GOLDEN FLOWER
What?Seriously?
Honestly., nasayang ang dough ko after watching this flick. Curse of the Golden Flower?Baka “Curse of the Fart Flower!
Na-excite lang ako panoorin kasi ito daw yong official entry ng China sa Oscars. Since, nasundan ko mga entries nila like Crouching Tiger, Hidden Dragon, Hero at House of the Flying Daggers. It was directed too by Zhang Yimou (Hero & Flying Daggers). Oh my Great Wall of China! Anlayo nito. Kung perfect 10 ang Crouching, 8 ang Hero, 6 ang Daggers. This one 2 lang dahil sa costumes ka lang mamamangha !
Boring screenplay. Panget pa color ng subtitles kasi minsan di mo mababasa lahat dahil mabilis ang transition at pag super maliwanag ang set ng movie ayun hindi na clear ang white subtitles.So bad. May mga mali pa sa historical facts. Basta nakakairita paano nila binuo ang story.
Horrid production design. Pansinin mo ang mga chambers ng palace. Ugly colors dahil rainbow ang design. Masakit sa mata. Di siya attractive.
Eto pa, merong announcer sa palace ng arrival of the Prince, or the Empress or the Emperor. Nakakairita ang boses niya. Natatawa ako. All throughout the movie naririnig ko ang obnoxious voice niya dahil every hour nagsisigaw siya ng oras na ng kuneho, ahas at iba pa! I hate his voice. Duh…
Basta costumes lang maganda dahil ang battle scenes nila ay dragging. Gusto nilang gayahin ang LOTR o Braveheart pero di nga umabot ng ¼ sa pag-copy. Patawarin sana si Yimou dahil nakakaantok ang war scenes nila.
Mabuti na lang dahil nandoon si Gong Li na maganda at ang Taiwanese singer na si Jay Chou na nagpa-cute lang sa movie. Cute naman siya sabi ng friend ko.
Hintayin nyo na lang sa Arirang baka ipalabas nila ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment