BRIDGE TO TERABITHIA
Bakit misleading?
I will tell you later.
Ito ay isang adaptation mula sa isang children’s book na sinulat ni Katherine Paterson at na-published noong 1977. Pagkatapos ginawa rin itong TV-Movie last 1985 . Di ko pa nababasa ang book at di ko rin napanood ang tv-movie so di ko pwedeng i-compare ang 3.
Ang 2007 film adaptation ay sinulat din ni Katherine pero kasama na niya ang kanyang anak na si Donald Paterson na isang American writer at siya ring nag-produced ng film na ito.
Maganda ang pagkagawa ng film na ito sapagkat iba ang approach. May pinipili itong audience. Mga manonood na may malalim na imahinasyon. Maganda nga na panoorin ng mga bata para malaman nila ang kaibahan ng fantasy at reality.
Kwento ito ng 2 magkaibigan na sila Jesse at Leslie na gumawa ng isang fantasy kingdom na sila lang ang nakakakita pag binubuksan ng malawak ang kanilang isipan. Tinawag nila itong Terabithia.
Medyo mabagal ang takbo ng story pero ok lang sa akin kasi ang ganda pagmasdan nila Josh Hutcherson bilang Jesse at Anna
SohiaRobb bilang Leslie. Marami nang nagawang movies si Josh tulad ng Zathura & Little Manhattan. Kaya nakikita ko na magiging heartthrob actor din siya tulad nila Leo DiCaprio atbp. Si Anna naman una ko siyang nakilala sa Indie film na “Because of Winn Dixie at nakilala sa buong mundo bilang Violet bubble gum girl sa Charlie & the Chocolate Factory. This time hawig na niya ng konti si Keira Knightley w/o the British accent.
Misleading ang movie dahil sa trailer nito. Akala mo talaga kahanay ito ng Narnia o kaya Harry Potter.Ito lang ang pagkukulang ng movie di gaano naipakita ang kagandahan ng Terabithia. Di gaanong na-explore nila Jesse at Leslie ang kanilang mga pantasya.
Rewarding naman dahil maganda naman pagkagawa. I love the soundtrack too. Maraming aral lalo na when it comes to friendship and loyalty. The film will moved you. Higit sa lahat ang ganda talaga tingnan nila Josh at Anna.Mas nagustuhan ko pa sila
kaysa sa visual effects ng movie.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment