Monday, August 3, 2009

PALANGGA KO ANG ASWANG !

ImageChef.com - Custom comment codes for MySpace, Hi5, Friendster and more

yanggaw



Sinadya ko talaga na gawin ko sa “vernacular patois” ang title ng review ko kasi nakakabilib talaga ang talent ng mga Bisaya. Gusto ko lang maiba this time kasi kakaiba talaga itong “Yanggaw” sa lahat ng mga horror films na napanood ko. This is the first time na makapanood ako ng indie film sa ganitong genre. Yanggaw is now one of the best local films I've ever seen in my entire life. Nandito na lahat ang mga elemento ng isang Pinoy film na hinahanap ko. From storytelling, direction, acting and to all technical aspects na kahit small budgeted eh lampaso naman ng small picture na ito yung mga high-budgeted pictures ng mga studio films. This is the real horror. Move over Sadako! Ikaw na lang ang palaging ginagaya ng lahat! Nandito na ang bagong halimaw sa “Yanggaw” !


yanggaw1

BUOD NG PELIKULA: May isang pamilya sa isang napakalayong lugar na medyo hiwalay ang tahanan sa kanilang mga kapitbahay. Si Junior at Inday Villacin ang haligi at ilaw sa bahay. Isang araw, ang kanilang dalagang anak na si Amor na nagtatrabaho sa siyudad ay umuwing maysakit. Hindi maipaliwanag noong una ng albularyo ang misteryo at ang sabi'y may lason sa katawan at kaluluwa nito. Isang umaga natagpuan ni Junior ang isang kinatay na kambing sa damuhan at ilang dipa sa kinaroroonan nito ay ang lutaytay na katawan ni Amor na putikan ang paa at may dugo sa buong katawan. Lumipas pa ang ilang araw tuluyan nang naging aswang si Amor. Dito na magkakagulo ang pamilya ni Junior. Ano ang gagawin nila kay Amor?

yanggaw3

Matagal ko nang naririnig ang strong-word-of mouth ng “Yanggaw” nang humakot ito ng awards sa 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival. Highly recommended talaga nila ito kaso saan ko naman papanoorin ito? Good thing mabait ang Robinsons Galleria kasi may Limited run sila! As in super limited kasi sa loob ng isang araw eh twice lang ang screening nito. “Yanggaw” is in Ilonggo pero don't worry may subtitles naman. From start hanggang matapos ang pelikula eh never akong na-bored. Ang ganda ng screenplay ni Richard Somes of course siya rin ang director nito. Ito yung kuwento na tatagos sa puso mo. Nandito ang tatak ng pusong Pinoy kapag may problema ang isang pamilya. Ano nga ba gagawin nyo kung aswang ang anak nyo? Kaya mo bang tiisin ang paghihirap niya habang nakagapos habang uhaw na uhaw sa dugo't laman ng tao? Ito yung mga eksena na talagang masakit panoorin. Naisalarawan ni Somes na makatotohanan ang bawat eksena. Higit sa lahat hands down talaga sa drama ng story. Hindi ko maiwasan na umiyak doon sa last scene with Junior at Amor. Basta masakit at nakakaiyak. Hindi ko kaya.

yanggaw4

Ang pagkakaiba ng Yanggaw sa ibang Pinoy horror films natin eh “Original ito”. Walang visual effects na ginasta dito kundi bumuo lang si Somes ng eerie atmosphere at super effective ito. Nandoon yung kaba mo kapag takipsilim na. Makakapanindig balahibo yung mga pagaspas ng dahon, yung mabilisang takbo ng aswang at yung growl ng aswang (parang iyak ng baboy pero nakakatakot). Walang mga corny na gumagapang na patay tulad sa mga Asian films na pinauso ni Sadako. Hindi ko sinabi na magsisigaw at magtitili ka sa takot dito. Pero iba ang horror dito. Ito yung horror na unforgettable at paglabas mo ng sinehan eh matatakot ka na sa lahat ng mga tao. Naku ang mga mahilig sa one night stand diyan delikado pala laway ng aswang! Ehem!!!! Ang galing ng paglapat ng music ni Von de Guzman kasi pang-Oscar ang quality. Gusto ko yung intermittent na mga beautiful frames rin dito. Parang mga expensive paintings ang mga nakikita ko. The best!

yanggaw2

Sabi ko na nga ba hind magpapatalo si Ronnie Lazaro pagdating sa acting! You are the man Ronnie! Isang madagundong na palakpak para sa iyo sa pagganap mo bilang Junior! Nandito rin si Joel Torre at bawat eksena nila ni Ronnie ay pamatay. For the first time, humanga ako sa acting ni Tetchie Agbayani. Bagay sa kanya ang role na Inday. Siyempre yung gumanap na aswang na si Aleera Montalla ay dapat bigyan ng special award. Pinaiyak niya ako. Halos lahat ng mga artista rito kahit extra lang eh magaling! Lalo na si Erik Matti!

yanggaw6

Kung ganito lang sana ang mga pelikulang napapanood ko sa mga sinehan natin eh kahit araw-arawin ko ay OK lang sa akin. Mahal na ticket prices ng mga sinehan ngayon at dapat sulit di ba ang ating binabayad? Super sulit ang “Yanggaw” don't worry. Marami na tayong mga horror films na gumagaya lang sa uso. Totoo effective sa gulat factor ang mga yun eh ang tanong may “puso” ba? Nasabi ko na yata lahat at isa lang hiling ko :Watch mo ito habang showing pa kasi hindi ka magsisisi. For me, Yanggaw is “The Best Pinoy Horror Film So Far”. Highly Recommended!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: