Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Wala naman talaga akong balak na panoorin itong indie film na Fidel kasi wala naman masyado itong ginawang ingay locally at internationally. Pero ang friend ko na indie lover eh nanood sa indie sine at biglang nag-text sa akin kasi napaluha daw siya sa istorya ni Fidel. Hmmm...na-curious ako bigla kung anong hiwaga sa buhay ni Fidel. Based doon sa nabasa kong press release eh tungkol daw ito sa bibitaying Pinoy sa Middle East. Tamang-tama kasi papaalis na rin ako papunta roon sa lupa ng mga Arabo, malamang may matutunan ako dito sa Fidel. Kaso parang nabitay ako sa pelikulang ito. Gusto kung umiyak dahil sayang ang binayad ko.
CHUVA NG PELIKULA: Napilitang mag-Dubai si Fidel para mapag-aral ang mga kapatid niya. Kaso nakakulong na siya roon dahil pinatay niya ang kanyang among Arabo. Ano ang dahilan? Secret daw muna. Ayaw niyang sabihin eh. Ayaw niya talaga! Antigas ng ulo mo ayaw nga niyang aminin ang nangyari eh! Ito namang si Vega na local TV reporter, eh curious bakit inaamin ni Fidel ang pagpatay eh yung ibang Pinoy eh ayaw nga umamin ng mga kasalanan! Hmm...lilipad si Vega sa Dubai para tanungin si Fidel. Bakit Fidel? Aaamin na kaya si Fidel???
Hindi po ito life story ni Ex-Pres. Fidel Ramos, tungkol lang po ito kay Fidel. Isa siyang mabait ng Pinoy na may malasakit sa pamilya niya. Imbes na maawa ako sa kanya eh nagmukha lang siyang katawa-tawa. Ang pagkakaalam ko may concern siya sa pamilya niya pero bakit ayaw niyang gumawa ng hakbang para mabawasan ang penalty niya. Alam niya bibitayin na siya dahil pinatay niya amo niyang Arabo pero nagmamatigas pa rin siya na i-sekreto ang nangyari sa kanya. Ayaw ko sana i-spoil pero ang nangyari pero kailangan ko talaga sabihin dito. Anyway, he was raped there at talagang di niya matanggap ito kaya pinatay niya agad ang amo niyang rapist. Masyadong nasaktan si Fidel (virgin pa siya I'm sure). Napangiti lang ako kasi wala man lang bang naririnig na chismis itong si Fidel tungkol sa mga malilibog na mga Arabo noong nasa Pinas pa siya. Bata pa ako naririnig ko na ito kaya nga takot ako mag-Saudi o magtrabaho sa Middle East. Well, siguro homophobic lang itong si Fidel kaya walang sexferyens sa third sex at na-shocked sa trip ng boss niyang Arabo. Siguro kung inisip lang ni Fidel ang family niya eh hindi sana siya makukulong. Pwede naman nilang pag-usapan ng boss niya na: be gentle sir. Di ko sinasabi na magpa-rape na lang tayo sa mga Arabo pero hindi naman hahantong talaga sa patayan ang mga ganitong kaso. I heard pa nga mas malaki pa kinikita ng mga Pinoy doon na game na game eh! Alam ng mga nakakaraming Pinoy ang kamunduhan doon sa disyerto at dahil katatapos ko lang ng PDOS eh nabanggit din ito na maaaring magugustuhan nga ng mga Arabo ang mga Pinoy men na walang bigote at balbas. Clean cut kasi si Fidel ever. Masyado lang nilang ginawang santo si Fidel dito na super bait daw at hindi marunong magalit. Wow, super bait naman talaga. May pinaglalabang dignidad ba? Hindi na yata uso yan ngayon.
Ang hindi ko maintindihan sa Fidel eh pabalik-balik ang mga sinasabi nila. Halos mahigit isang oras na pinupuri nila kung gaano kabait si Fidel pero inaamin naman talaga ni Fidel ang pagpatay. Hindi sila naniniwala na mamamatay tao si Fidel pero inaamin pa rin ni Fidel na pinatay niya ang baboy niyang amo. Yun nga lang ayaw aminin ni Fidel bakit niya pinatay!!!! Kaya gusto ko siyang sampalin kasi ayaw niyang tulungan ang sarili niya. Ni-raped na nga siya . Inabus Tapos na sana ang kaso kung cooperative siya. Ni-raped siya dapat ipinaglaban niya sa simula pa! Kung nahihiya siya puwede namang itago ang face o name niya di ba? Bakit ayaw niyang tularan si Sarah Balabagan na malakas ang loob? Lalake pa naman siya! Ayaw niyang lumaban para sa pamilya niya! Bakit nananahimik lang siya???? May isang eksena rin dito na naganap sa isang TV station kung saan nagwawala ang dating OFW na ni-rape rin. Hmmm... heavy and drama roon kaso napapailing ako. Bakt hindi man lang na-disarm ng guard ang mamang yun na may hawak na baril? Napakalaki kaya ng guard eh pwede naman niyang hampasin agad ang kamay ng mama para malaglag ang baril sabay yakap sa mama para hindi makawala. Kasi nasa likod lang naman siya at hindi siya nakikita nito. Hindi rin believable ang mga Dubai scenes na kinunan lang dito sa Pilipinas.
Si Mark Shandii Bacolod ang director nito at nakikita ko ang talent niya. Indie na indie talaga ang mga kuha niya. Pinag-aaralan kaso minsan mapapaisip ka bakit naman ganun ang kuha niya? Sa simula ng movie bago lumipad si Fidel papuntang Dubai, may kuha si Bacolod na parang merry-go-round sa mga characters. Medyo nahilo ako doon talaga. Ambilis ng ikot ng camera. Tapos sa bandang gitna, may pag-uusap ang mga taga-DFA sa dilim. Di ko alam bakit sa dilim pa sila nag-uusap na parang mga kidnappers na nagpa-plano. Stylish ang kuha niya sa eksenang yun na parang nasa alon ang camera na umiikot sa tatlong characters na nag-uusap. OK ang lighting at saka kakaiba siya talaga. Yun nga lang, bakit ganun ang style niya? Maganda siya pero huh???
Di ko kilala si Lance Raymundo na gumanap bilang Fidel. Hindi siya kaguwapuhan para reypin ng isang Arabo. Pero magaling syang actor. Maganda ang ipinakita niya doon sa rape scene. Hindi ko sinasabi na nag-ala-Coco Martin siya na all the way! Wala po! Pero pag simpleng usapan medyo boring siya talaga. Si hunk model Jon Hall pala ang rapist na Arabo. Huh??? Di naman siyang mukhang Arabo!!! Hindi nga siya hairy eh! At saka kung hawig ni Jon ang rapist ko eh naku kahit araw-arawin pa niya ako! Ha ha ha. Joke! Over-the-top masyado ang acting ni Andrea del Rosario rito bilang si Vega. Medyo marami-rami ang cast pero ang simpleng acting lang ni Sooky Serna lang mapupuri ko pati ang pwet ni Jon Hall rin pala na bukod tangi ang ganda. Ano kaya work out niya para mapaganda ang behind niya?
Buti na lang tinapos ang pelikula na may konting twist kunwari para daw surprise!!!! Bulaga!!!! Pero hindi pa rin sapat. May tendency kasi matutulugan mo ang Fidel dahil sa sobrang boring. Kung pabalik-balik lang ang script eh aantukin ka talaga. I'm sure hindi na ito magtatagal sa Indie Sine kasi wala naman masyadong nanood. PG-13 Indie Film pala ito! Eh naku hindi yan dudumugin ng mga kafatid ni Bebe. Serious ang tema ng pelikula at alam ko ang hangarin nila. They want to help our abused OFWs. Kaso hindi sa ganitong paraan na hindi naman convincing ang script. Anyway, tinapos ko pa rin ito hanggang sa end credits dahil sa malamig na boses ni Aiza Seguerra na siya ring kumanta na kantang Fidel. Napakagandang kanta kaso hindi kasingganda ng pelikula. Nagpapasalamat pa rin ako at napanood ko ito. At least alam ko na gagawin ko pagdating ko sa Middle East. If ever may Arabong magyaya sa akin na makipag-inuman, may nakahanda naman akong lube.
No comments:
Post a Comment