Wednesday, September 17, 2008

SASAKAY KA BA O MAGPAPAIWAN? EWAN?

I.T.A.L.Y. ( I Trust And Love You )

italy_poster

Noong nalaman ko na nag-shooting sila Jolens via cruise ng pelikulang tinawag na I.T.A.L.Y. sabi ko that time papanoorin ko talaga ito! Well, tinupad ko promise ko for Jolina. I am a fan of hers kasi crush ko talaga siya noon pa! Noong lumipat siya naging part-Kapuso na rin ako. I.T.A.L.Y is an ambitious film with full of love and ambition. Sasakay ka ba sa biyahe nila? Hmmm.... ako'y medyo naguguluhan kung isasama ko kayo sa kanilang paglalakbay.

Kuwento ito ni Destiny Pinlac. Nag-iisang babae sa apat na magkakapatid at siya ang panganay sa tatlong lalake. Ulila sa ina at ang ama'y paralisado sa paa. Siya ay nangarap na mangibang bansa tulad na nakakarami para maiahon sa kahirapan ang pamilya. Pero sa kanyang trabaho sa dagat bilang cabin girl ay may iba pa siyang hinahanap. Ang lalake sa panaginip niya! Mahahanap niya kaya ito sa Costa?

italy-1

Sa mga OFW films na napanood ko ay ito na yata ang medyo nakakatuwa sa lahat. Pero medyo disagree ako doon sa trailer nila na “ang pinakamasayang OFW movie ever!” kasi medyo madrama pala ito! 5 characters ang naglalaro sa movie na ito pero kay Destiny talaga ang kuwento. Hindi magulo ang kuwento at kayang sabayan habang naglalakbay ang barko. Although, meron iilang eksena na medyo recycled from Hollywood movies like Titanic pero at least nakakatuwa naman. Hindi siya totally all-out fun na riot na riot sa kakatawanan. Hindi rin siya super kilig to the bones. Hindi rin siya mega drama na tuloy tuloy daloy the luha. Iba ang approach ng ITALY. It's just a simple movie.

italy5

Nag-eexpect ako na mag-eenjoy ako masyado sa mga views ng ilang European cities kaso medyo bitin kasi ambilis ng mga eksena although maganda mga places hindi nga lang stunning ang cinematography. Sana bumawi man lang sila doon. Yeah, inviting ang ilang European cities pero nakita ko na halos lahat ito sa The Amazing Race. Sayang din at hindi nila inikot ang buong interior ng Costa Cruise Ship. Limited lang masyado ang mga scenes sa barko. Medyo may mga scenes na kulang din sa lighting. Pero Mark Reyes tried to make it look good kaso hindi lang masyado glossy ang dating. Magaganda ang pasok ng mga songs sa movie. Tatatak sa isip mo ang mga kanta naman.

italy3

Hindi ko lang maintindihan bakit sinabi ni Destiny sa father niya na ang hirap ng buhay niya sa barko. Pero walang eksena sa movie na nahihirapan siya sa kanyang job. In fact, I want to work in that ship too kasi makakapasyal ka pala pag nag port-of-call ang cruise ship. In fairness nakakaaliw ang paghahanap niya sa kanyang man-of-her-dreams. Isa sa mga highlights ng ITALY ang bedscene nila Jolens at Dennis. No no no... it's a GP scene don't worry the kids will laugh at it. Huwag munang lumabas during end credits kasi may pabaon pa rin sila.

italy2

Let's talk about the cast. Of course I still love and trust Jolina. Carry niya ang role at bagay na bagay sa kanya. Nakakatuwa pa rin at talagang out na talaga siya sa pa-tweetums. Ang galing niya doon sa telephone scene with Pen Medina. Bravo Jolens! Si Dennis Trillo naman ay super seryoso. Sa kanya ang drama ng pelikula. Moving ang mga pag-luha niya dito. Si Rufa Mae naman as usual ay pasaway sa mga dialogues niya na galing sa mga lyrics ng songs. Kahit ginagawa niya ito palagi sa halos lahat ng pelikula niya eh medyo nakakatuwa pa rin naman. Of course agaw eksena pa rin Eugene Domingo. Versatile comedian at funny ang timing! Dapat matuwa ang mga mga nag-aaway ng mga fans nina Mark Herras at Rhian Ramos kasi wala naman pala silang chemistry sa pelikula. Dekorasyon lang sila dito pero I like Rhian kasi carry niya ang pagiging sosyal at si Mark ay cutie pa rin.

italy4 cast_of_italy

I went out the cinema just fine. Nag-eexpect kasi ako talaga na lalabas ako ng sinehan na all smile dahil tawa ako ng tawa pero hindi pala. Hindi rin naman namumugto eyes ko sa kaiiyak. Hindi rin ito pelikula para manghakot ng awards pero congrats dahil Rated B sila. ITALY is not that grandiose but it's really amorous. The movie has a heart. I'm just ambivalent about my recommendation. If you're a huge Jolina, Dennis, Rufa Mae and Uge fanatics just support them.

RATING : 3 /5 *

No comments: