TAMBOLISTA
Last week sabay nag-open sa mga sinehan ang For The First Time at itong indie film na Tambolista. Sa totoo lang, wala akong idea tungkol sa indie film na ito. Pero hindi ko kinagat ang pelikula ng Scar Cinema este Star pala at mas pinili ko pang suportahan ang Tambolista. Laking gulat ko na last year pa pala ito gumawa ng ingay sa ibang bansa na kasing ingay ng mga tambol pag may parada o kaya concert. Ano ba ang mangyayari pag ang director at bida ng Donsol ay magsasama uli pero kasama na ang sikat na “masahista ng DayBreak” at ang batang nagpaiyak sa buong mundo na si Magnifico? Well, ang resulta nito ay isang magandang pelikula na“Tambolista”. Ito ay isang obra maestra na maipagmamalaki talaga sa buong mundo.
Umikot ang kuwento ng Tambolista kina Jason, Billy at Pablo. Si Jason ay isang teenager na nakapag-ipon ng pera para makabili ng bagong set ng drums. Matagal na niyang inaasam ang pangarap na ito. Samantalang ang kuya niyang si Billy ay nakabuntis ngunit ayaw naman niyang panagutan. Maging masalimuot ang buhay nila sa pagpasok ng kanilang kaibigang si Pablo nang maging palaboy ito matapos mahuling nakipag-kangks sa landlady nito. Ano ba ang mga misteryo sa mga ungol ng tambol?
Una nabigla ako kasi black & white pala ang film na ito. Pero hindi naman nakaka-disappoint kasi maganda ang texture. Ang ganda tingnan ng mga skin nila Sid at Coco. Ang kikinis nila lalo na pag half naked sila. Masasanay ka rin naman kasi wala ka nang magagawa dahil ito talaga style ni Direk Adolf Alix Jr. Hanep talaga si Direk ang galing talaga ng mga idea. Anga ganda ng mga shots kasi maganda rin ang cinematography.
Bilib ako sa screenplay kasi totoong totoo mga sinasabi sa pelikula. Walang tinatago at natural na natural sa mga Pinoy. Ang lulutong ng mga mura pero bagay naman sa mga eksena. Sa mga hindi mahilig sa mga indie at hindi sanay sa ganitong style ng editing eh malamang maba-badtrip at lalayas kaagad. Kung napanood mo ang “21 Grams” nina Sean Penn at Naomi Watts, ang editing ng Tambolista ay parehong pareho sa pelikulang ito. Magulo ang story at editing kung hindi ka naka-concentrate. Ang style kasi nito ay parang jigsaw puzzle script. Yun bang ang last scene ang mauuna tapos ang simula ang susunod tapos ang bandang gitna na naman ang isisingit tapos yung 2nd to the last, then yung bandang gitna na man at ipapakita na naman yung sunod sa simula. Yun bang biglang putol ang isang eksena tapos yung kasunod eh bigla na lang susulpot na hindi mo malalaman. Ganun kagulo ang editing pero stylish ito para sa akin.
Sa acting naman eh talagang lampaso lahat! I mean ang galing ni Jiro Manio. Si Coco talaga eh game talaga sa hubaran pero hindi naman pahuhuli sa acting. Hanep talaga ang cutie na ito! Bagay na magkapatid sina Jiro at Coco. Kung nabitin ka sa Donsol dahil hindi nagpa-sexy si Sid Lucero, naku dito sa Tambolista halos kita na kaluluwa niya. May 2 pumping at blow job scenes si Sid na baka ikakabaliw ng mga maligno sa dilim. Pero walang frontal nudity dito. Swerete naman ng character actress na yun at naka-sex scene niya si Sid. Bongga ka day! Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya. Siya yata yung nanay sa Coke commercial na “Pasarapin ang Buhay” tungkol sa anak na hindi natanggap sa job. Swerte niya talaga! Ha ha ha! Nakakapangilabot din ang acting ni Anita Linda. Sana mabigyan siya ng award dito. Nandito rin sila Ricky Davao at Susan Africa na kahit konti lang ang mga eksena eh palaban din.
By the way, hanep ang music! Siyempre, tambol ang bumubuhay sa mga eksena na talaga namang kakabog sa mga dibdib natin. Bagay na bagay ! The best!
Ako ay nagagalak at naipalabas dito ito sa Gale. Ang ganda ng Tambolista kahit masyadong disturbing ang ending. Gusto ko ngang sakalin ang writer kasi ang galing niya! Hindi ko inaasahan na ganun ang ending!Bakit masakit masyado??? Akala ko talaga happy ending. Hu hu hu. Bakit niyo ako pinaiyak? Bakit nakakaiyak ang mga ungol ng tambol?
Rated 18 pala ito pero malamang hindi na ito extended kasi konti lang kasi nanood. Last Sunday, 3 lang kami sa Cinema 8. Inulit ko pa nga ito pero hindi pa rin lumampas sa 5 ang nanood. Anyway, sana mailabas ang DVD at huwag ang Dibidi.
The best ang Tambolista! Pero hindi ko siya “highly recommended”. Ito ay para lang sa mga indie lovers at sa mga loyal fans ng 3 actors na binanggit ko. Pero kung curious ka bakit award-winning ito at gusto mong marining ang mga ungol ng tambol? Tol, cool ito!!!
RATING : 4 / 5*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment