Monday, May 11, 2009

ANG BUHAY NGA NAMAN

free glitter text and family website at FamilyLobby.com ded2

Isa sa mga phobia ko eh ang sumilip sa kabaong kapag may lamay. Bata pa ako noon nang minsa'y dumalaw kami ng burol. Namatay kasi ang ate ng classmate namin at kami'y nakiramay. Pero kinagabigan at sa mga sumunod na mga gabi ay hindi na ako pinatatahimik ng bangkay na nasilip ko sa kabaong. Palagi na lang laman ng mga panaginip ang mukha na nakita ko sa kabaong at mula noon at hanggang ngayon never na talaga akong sumisilip o magbabad man lang kapag may burol kahit relatives eh takot pa rin ako. Ngayon heto at palabas ng ang “Ded Na Si Lolo”, hindi ko akalain na parang fiesta pala ang ibang burol sa Pilipinas. Andami palang mga pamahiin at mga nakakatawang paniniwala kapag may patay. Lubos akong natutuwa at napanood ko ang pelikulang ito. Honest at talagang mapapangiti ka sa tuwa kahit takot ka sa patay.

Nang mamatay ang padre de pamilya ng isang malaking pamilya sa Tondo, halos lahat ng kanyang mga anak ay biglang nagka-reunion para sa gaganaping burol. Kanya-kanyang eksena kung sino ang tatanghaling “best actress” pagdating sa himatay scenes. Dahil namatay ang ama, iba't ibang gulo ang naiungkat sa bangayan ng mga magkakapatid. Likas na sa mga Pinoy ang mapamahiin, kaya magkaka-riot uli pag may sumuway. Ngunit sa pagdalaw ng isang bisita, isang malaking “secret” ang mabubunyang na maaaring ikabuhay pa ng patay.

ded1-crop

Kung magulo ang pamilyang pinapanood ko dito eh medyo magulo rin ang pelikula. Kasi di ko alam kung tatawa ba ako o luluha sa isang eksena. Antindi ng banat kapag gusto nila magpatawa kasi matatawa ka talaga. Kung gusto nila magpaluha eh talagang iiyak ka naman.Simula pa lang sa mga hysterical ni Manilyn eh nakakaloka na eh sunod sunod kaya silang magkakapatid. Nakakasawa panoorin ang himatay scenes pero nakakatawa pa rin tingnan. Di ko alam kung homophobic ang movie na ito kasi parang medyo iba ang trato sa mga bading. Andaming kabaklaan dito at nakakatuwa naman panoorin. Ansaya pag bading si Roderick Paulate.

ded3

Hindi gaano kagandahan ang kuha ng mga eksena kasi parang TV show lang. Tiyak makaka-relate ang mga karamihan sa atin pag napanood nyo ito. Pinoy na Pinoy ang script. Totoong too. OK naman mag-direk si Soxie Topacio lalo na sa mga artista niya. The best yung eksena kung paano ipapasok ang kabaong sa bahay. Intense masyado yun kasi sigawan mga tao sa sinehan. Lalo na yung last part ni Tolits. OMG kinilabutan ako at of course napaiyak uli. Pag nanonood ako sa Megamall ng isang Pinoy comedy film lalo na pag gawa ni Wenn Deramas at Star Cinema, as in bad trip talaga ako palagi kasi minsan OA ang crowd. Kahit hindi kasi nakakatawa eh naghahalakhakan sila pero natuwa ako sa sarili ko while watching “Ded Na Si Lolo” kasi nakikisabay ako sa hiyawan. Unbelievable! Sa opening credits pa lang na-excite na ako kasi nabasa ko na si Noel Cabangon pala composer ng music. Although, medyo nakulangan ako kasi medyo hindi siya mellifluous pero antindi naman ng kantang kinanta pa niya mismo dito. I love his new song “Ang Buhay Nga Naman”. Pinaiyak na naman ako ni Noel. Guys check nyo album niya yung “Himig Nating Pag-ibig” kasi wala akong maitatapon na track doon. Kung hindi ka familiar kay Noel eh siya ang kumanta at sumulat ng “Kanlungan”.

ded4

Di mo akalain na ang mga dekalibreng mga artista ay nagsama-sama dito. Lahat sila magagaling! Pagdating sa drama eh panlaban naman talaga si Gina Alajar at si Elizabeth Oropesa pero timing din naman mga comedy punches nila. Si Manilyn naman medyo hammy ang actng sa ibang scenes kasi most of her scenes kasi eh nagngangawa siya pero watchable pa rin ang dating Star of the New Decade. Siyempre, ang pambansang bading sa pinilikang tabing na si Roderick ang nagpadagdag ng riot. Pero pinaiyak talaga ako ni BJ Tolits Forbes. Sa lahat ng mga artista sa Pilipinas, si Tolits lang yung nakausap ko at nakatabi nang matagal. Nakasabay ko kasi siya noong pinanood ko ang premiere night ng Spiderwick Chronicles sa IMAX. Habang naghihintay kami na papasukin sa loob di ko akalain na ang batang tumabi sa akin sa sofa eh si BJ na pala. I hope lumaking cute at guapo ang batang ito para tuloy tuloy pa rin ang career niya. As usual pa cute pa rin si Ranier Castillo. Smile at cute ever. Bilisan nyo lang mata nyo kasi medyo may nude scene siya. Ha ha ha!

ded7

Pagkatapos ng pelikula, eh talagang pumalakpak agad ako. Aba laking gulat ko kasi nagsipalakpakan na rin ang lahat . It means they loved the movie too. Akala ko talaga lalangawin itong indie film na ito kaso laking gulat ko eh medyo puno naman ang Megamall Cinema 9. I hope ma-extend ito kasi maganda talaga ang movie na ito. Congrats APT Entertainment sa isang magandang pelikula tungkol sa pamilya. Agree ako sa nakuhang “RATED A” nito. Sana ilabas din ang DVD kasi perfect panoorin sa bahay. Although takot pa rin talaga ako tumingin sa patay.

ded5 free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: