Monday, May 18, 2009

DAVID ARCHUMADNESS ( FEVER IN MANILA)

Last May 12 nang dumating dito si David Archuleta, isa sana ako sa dapat na sasalubong sa kanya. Siyempre Archietect yata ako! Kaso hindi talaga puwede dahil may pasok pa ako kinagabihan. Eh 3PM daw ang lapag ng plane? Sabi ko kinabukasan na lang sa MOA kasi meron naman siyang Meet & Greet sa mga fans.


_taskmail_actionget_uid6013_mboxINB


Anong nangyari sa MOA??? Siyempre pandemonium!!! Panoorin nyo itong video kasi talagang nilindol ang MOA dahil sa sigawan ng mga fans. Ehen isa rin pala ako sa mga nagtitili. I LOVE YOU DAVIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD!! Hanep talaga ang batang ito!!! Sa wakas nakita ko na rin ang aking idolo!!!



3528471766_f02b8e2357 _taskmail_actionget_uid6009_mbox-1


Balak ko nga magtambay sa Edsa-Shangrila Hotel kasi pwede naman kaso diyahe eh. Yung mga ibang Archietects na lang super baliw na baliw ang nagbabad sa hotel. Swerte nila kasi nakita talaga nila at nayakap pa!


SISFMa


The next day Thursday yun eh super busy sa TV at Radio guestings si Archie. Una sa SIS tapos sa Eat BULAGA! Grabee kasi napuyat na naman ako. Dapat kasi tulog ko eh 9am eh anong oras na ako nakatulog bandang 12noon na after SIS. Tapos nagpagising pa ako sa Eat BULAGA kung saan kinanta niya ang #1 Song sa atin na Crush. Hanep talaga ang batang ito!!!!


Friday rest day namin na mga Archietects kasi kailangan may energy kami sa big night kinabukasan!!!


Eto na ang pinakahihintay ng lahat!!! Ang gabi ng May 16!!! Bronze ticket lang binili ko kasi wala kasi akong balak na tapusin ang show. May pasok kasi sa gabi. Ang plano ko lang ay panooring ang set ni Archie tapos alis na ako. Wala talaga akong balak na panoorin si Cook. Sorry di ko talaga siya feel. 4pm ako umalis ng bahay so expected na before 6 nasa MOA na ako. Marami ng tao sa labas ng venue around 5:45pm kahit 8 pm pa ang start. Pumasok na rin ako. Hanep andaming bouncers na bantay! Anlalaki ng mga katawan parang ako! Siyempre suot ko ang Archietects pin. Wala kasi akong nabiling T-shirt. So 2 hours akong paikot-ikot sa bronze area pero OK lang kasi marami naming free drinks na pinamimigay.


063ea36a


Past 8 pm, biglang may umusok sa stage!!! Start na!!!! OMG !!Alam ko si Archie ang opening act bilang respeto kay Cook na winner sa AI. Touch My Hand agad ang kinanta. Sigaw na ako nang sigaw habang kumakanta. Yung iba na hindi fans ni Archie parang wala lang. I did not care kung pinagtitinginan nila ako. Idol ko ang kumakanta sa stage. Nang malapit na matapos ang song eh doon ako napaluha. Parang hindi ako makapaniwala na ang Idol ko last year sa AI ay pinapanood ko na sa totoong concert. Sinundan niya ito ng Barriers na of course na sarap sabayan ang chorus. Hindi na makarelate ang iba sa bronze area. Doon sa pwesto ko eh ako lang ang nagsisigaw ng “Too many lies! Too many cries! Too many barriers!!!! Then kinanta na niya ang megahit na ALTNOY na halos ikabaliw ng mga girls sa harap ko.Siyempre birit din ako.




Next niya ang fav song niya sa album ang You Can. Medyo na relax ako nang sandali. Naubusan ako ng hininga sa ALTNOY. Fav niya ang song na ito.





Sinundan niya uli ng isa pang Hand song “My Hands”. Hanep kung bigay na bigay si Archie dito eh ako rin naman.Pero lalo akong nagwala sa next song niya na “Your Eyes Don’t Lie”. Sa sipol pa lang todo kembot na ako. At parang naramdaman ko na na ang mga tao sa likod at gilid ko eh sa akin na nakatingin. Deadma muna ako. I love the song kasi.


Then after YEDL, kinanta na niya ang love ballad na To Be With You. Gusto ko maiyak uli. Kaso nauuhaw na ako kaya bili muna ako ng mineral water na worth P30! Ang mahal huh??? Wow, sinundan niya agad ng alternative pop na “Don’t Let Go” Nagtatalon na naman ako!!! Tapos humirit pa ng “Waiting for Yesterday”. Lalo na akong nabaliw kasi fav ko ito!!! Bigay na bigay na ako! Tapos may kumukuha na sa akin ng mga pictures. May isa pa nga nag –video. OMG. Tuloy pa rin ako sa ginagawa ko.


After the song, todo palakpak sila sa akin. Nakakatuwa na nakakahiya. LOL! Lalong nabaliw ang crowd sa kanta niya na Stand By Me. Hinaluan ba naman ng Beautiful Girls. Todo baliw na naman ako sa kasasayaw. Woot woo!!!


151438f0


Tapos biglang nag-piano solo si Archie! Hanep A Thousand Miles kinanta. Siyempre nag-pa-piano din ako sa hangin. Relax na naman kasi Angels na ang kinanta niya. Ang galling mo Idol!!! Laking gulat ko nang sinabi niya na next song ay Zero Gravity!!! OMG!!!! Todo talon at indak na naman ako!!!!


Huling song niya siyempre ay Crush!!!! Nakarelate na halos lahat ditto sa Bronze Area. Kumakanta na rin sila. After he said: Salamat. Naiyak na naman ako. I’m gonna miss him. Sana balik uli siya!!!!



371e505a


I enjoyed the concert. After his set, lumayas na ako kasi may work pa ako eh. Hindi ko na napanood ang kay Cook.


RATING : 5 / 5*

No comments: