Thursday, September 24, 2009

ISANG OBRA SA DILIM

kin KINATAY Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own kinatay


Last May kung saan ginanap ang Cannes Film Festival sa France, eh nagkaroon ng tension kasi sabi ni Lolo Roger Ebert ang pangeet daw ng Kinatay! Ito daw ang pinakawalang kwentang pelikula ever na naipalabas sa Cannes. Tapos sa awarding ceremony biglang nanalo si Brillante Mendoza as Best Director. Bongga di ba? Bilang Pinoy proud ako sa pagkapanalo ni Mendoza kasi fan ako sa mga gawa niya. Iba kasi talaga ang istilo niya. Di ko alam bakit sobrang tagal naman ng pagpapalabas nito sa atin eh medyo nawala na tuloy ang Kinatay Fever . Ang arte kasi ng MTRCB binigyan nila ng Rated X ito noong una! Hello??? Honest lang naman ang film sa pagpapakita kung ano ang tunay na nangyayari sa ating bansa. Eh mas masahol pa nga ang mga dating massacre flicks ni Caparas eh na may mga mahahabang titulo. I'm so glad na hindi naisip ni Mendoza na bigyan ng title ang movie na ito na tulad kay Caparas. What if ang title nito ay: THE VAN MASSACRE: THE UNTOLD STORY OF THE RAPED CHOP CHOP PROSTI. (ORA PRONOBIS) I BELIEVE IN GOD THE FATHER ALMIGHTY CREATOR OF HEAVEN & EARTH. I'm sure kakatayin nila ang title na yan!
BUOD NG PELIKULA: Ito ay tungkol sa isang batang criminology student na si Peping may kalive-in at may baby na. One day ikinasal sila sa huwes at napakasaya nila ng umagang yun kasama ng mga kaibigan at mga kamag-anak. Isang gabi pagkatapos makakuha ng mga delihensiya sa Luneta, naisipan siyang yayayain ng isang kakilala para sa isang gabing raket. Hindi niya alam na madugong raket pala ang kanyang nasamahan. Sa loob ng van kung saan kinidnap nila ang isang prostitute, maguguluhan si Peping kung saan siya lulugar sa isang karumal-dumal na sitwasyon na kanyang kinakaharap. Tatakbo ba siya o maghuhubad na lang at magtatanong ng: Pare, serbis???


kinatay1

Di ko masisisi si Lolo Roger kung bakit niya inokray ito! Ang alam ko kay Lolo eh mahilig siyang mag-review ng mga feel good movies. Unfortunately, Kinatay is not a feel-good movie at all. Walang story, walang drama development, walang suspense at walang katapusang kadiliman. Kung kaya mong manood ng ganyang style eh malamang magugustuhan mo ang Kinatay. Oo masyadong brutal ang ilang eksena dito kaya nga Kinatay. Katulad din ng Serbis lahat ng mga eksena dito ay may mga nakatagong kahulugan. Corrupt na talaga ang ating lipunan yan ang nababasa ko sa pelikulang ito. Pinapakita kung ano ang totoo. Nakatutuwa lang kasi sa simula ng movie eh masaya ang feeling at alive na alive ang mga eksena tapos pagkagat ng gabi eh walang katapusang lagim na pala. Basta lalabas ka ng sinehan na mabigat ang dibdib at medyo magugulo ang isip mo.

kinatay2

Kung malabo ang mata mo, advise ko wag ka nang manood nito. Merong napakahabang van scene dito na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA patungong North Expressway. As in napakahabang van scene na napakadilim at halos mga anino lang ang iyong maaaninag. Pero ang galing ni Mendoza sa pagkuha sa mga eksenang yun lalo na yung mga facial expressions ni Peping sa dilim na halatang kinakabahan siya at worried. Habang pinapanood ko ito ay para rin akong sinasaniban ng katauhan ni Peping . Pero warning ko lang sa mga babae kasi makatotohanan masyado ang pag-rape ng biktima dito at yung pagkatay ay nakakapanghina talaga. Baka ma-offend lang sila. Katulad din ng Serbis halos ingay lang ang maririnig mo dito tulad ng mga ingay ng mga sasakyan at ingay ng mga tao rin. May musical score na naisingit during the killing scene at talagang nakakapangilabot naman. Napansin ko lang na medyo may mali eh doon sa jeepney scene sa simula kung saan pinapakita nila na dinaanan nila yung isang suicidal man na gustong tumalon sa billboard along Boni-EDSA. Di ko alam paano napadpad ang jeep nila doon eh ang pagkakaalam ko papunta sila ng Mandaluyong City Hall eh hindi naman doon ang daanan.Walang jeep ng Mandaluyong na dumadaan ng EDSA. 10 Years na akong nag-wo-work sa siyudad na yan at alam ko ang mga daan.Kung wala kang idea about Mandaluyong eh hindi mo naman mapapansin ito. Tapos doon sa EDSA biyahe nila papuntang North expressway ang alam ko nasa MRT North Avenue na sila based sa signboard afterwards sabi ng isang character ang traffic talaga dito sa Cubao! Paano nangyaring nakabalik sila ng Cubao eh papunta na nga silang North Toll Gate!? Kung wala kang idea tungkol sa EDSA eh hindi mo rin naman mapapansin ito. By the way, may English subtitle pala ito kaya pwede rin manood ang mga foreigners. TAKE NOTE: APPROVED WITHOUT CUTS pala ito ng MTRCB! Hmmm... nagbago isip nila?

kinatay3

As usual ang peborit actor ni Mendoza at ang nag-iisang Indie King na si Coco Martin ay talagang namang the best pa rin!!!! Pelikula niya ito at kahit may mga supporting actors eh sa kanya pa rin matutuoon ang mga mata natin. Dalang-dala niya lahat ng facial expressions ni Peping. The best talaga si Coco! Kinilabutan ako doon sa last scene niya kung saan naguguluhan siya kung babalik ba siya doon sa taxing nagka-flat tire o sasakay na lang siya ng bus. At isa rin pala siya sa mga producers nito. May isang eksena pala dito kung saan umiihi sila sa isang talahiban ay bigla akong kinabahan kasi baka ipapakita na naman ni Coco ang alaga niya. Willing kasi si Coco na magbuyangyang tulad ng ginawa niya sa Serbis. Ha ha ha! Nagpakita ba siya ng kanyang ehem dito? Secret!

kinatay4

Itong Kinatay ay ginawa siguro para lang makakuha ng awards. Kasi award-winning naman talaga ito! Maganda ang pelikula ni Brillante Mendoza kaso hindi ko talaga siya highly recommended para sa lahat lalo na yung mga mahihilig sa mga commercial movies. Hindi ko pwedeng sabihin na: Naku panoorin mo na siya! Ngayon na! Sulit bayad mo!!! The Best Ito!!! Masisiyahan ka!!!! Kasi kapag sinabi ko yan eh baka kakatayin nyo ako! Merong target audience ang Kinatay at hindi kasama doon si Lolo Roger. Kung sa tingin mo kadugo mo si Lolo Roger, naku wag ka nang magsayang dito. Pero kung curious ka bakit nanalo si Mendoza eh kailangang mapanood mo ito! Basta isipin mo na lang na magkaiba ang Best Director at Best Picture. Remember si Mendoza lang ang nanalo at talagang deserving siya sa award na ito! Sa lahat ng mga indie film lovers ng bansa, kakatayin ko kayo pag pinalampas nyo ito!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

Saturday, September 19, 2009

MALAYANG PAGLALAKBAY

MANGATYANAN Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own mangatyanan-poster Pag nanonood ako ng indie film sa Indiesine ng Galleria, it's either R-13 or R-18 pero karamihan na talaga eh mga R-18 na at talagang napupuno ang small theater na yun. Pag sex-related kasi ang isang indie film eh kinakagat agad ng mga curious lang o kaya yung mga nag-c-cruise lang naman na mga alam mo na. Mangatyanan is rated PG-13 so pwede pala sa lahat! After watching the film na tungkol sa isang ritual na naglalaho na at di na masyadong pinapansin ng ating mga katutubo sa Isabela, eh parang ganun din ang nangyari sa isang movie tungkol sa Mangatyanan. Ito ay isang napakagandang pelikula pero hindi naman pinapansin ng mga tao at katulad ng katutubong ritual na ito na kahit nakagawian na ng mga ninuno at ito'y iginagalang pa eh unti-unti na namang naaanod sa alon ng dagat patungo sa kawalan. BUOD NG PELIKULA: Kwento ito ni Laya na isang photographer. May sarili siyang mundo at walang pakialam sa kanyang tatay na kahit agaw-buhay pa sa ospital. Pinipilit siya ng kanyang ina kahit man lang sa mga huling sandali eh magkaayos sila ng tatay niya ngunit buo pa rin ang desisyon ni Laya na wag dalawin ang ama. Bakit nga nagkakaganito si Laya? Lahat ng mga tinatago ni Laya ay mailalabas nang maipadala siya sa Isabela kasama ng isang pang photographer upang mag-document ng isang katutubong ritual na ang tawag ay Mangatyanan (Madugong Paglalakbay). Ano nga ba ang meron sa Mangatyanan? May nangangagat ba sa tiyan at si Laya ay napalaya sa rehas ng kamunduhan? mangatyanan Honestly, ito ay isang pelikula na ginawa para sa mga mahihilig lang sa Indie films at ito yung klase ng pelikula na pwedeng ipadala pag may Film Festival sa ibang bansa. Ito ay hindi para sa mga mahihilig sa mga Blockbusters na gawa ng Star Cinema. Kung mahihilig ka sa mga pa-tweetums at mga pelikulang may pamagat ng galing sa isang love song naku 5 minutes pa lang eh mag-wa-walkout ka na dito. Kung adventurous kang manood ng mga pelikulang matino at pinag-aralan ang lahat ng mga eksena kahit hindi kalakihan ang production budget dito mo makikita sa Mangatyanan ang lahat. Sa script pa lang na napakaganda ng pagkagawa eh mapapabilib ka talaga. Una, ang script ay isang puzzle mapipilitan kang mag-isip at maaring predictable kung susundan mo ang mga clues. Pangalawa, lahat ng mga tanong ay mabibigyan ng kasagutan at walang naiwan na kahit isang tanong sa isip mo kung ika'y masusing nagmamasid at nakikinig. Huli, may kirot sa puso ang issue na pinaikot sa story. This is a family drama at ang issue ng pang-aabuso sa mga anak ay hindi dapat na itago sa banga. Napakatapang ng pelikulang ito pero don't worry artistic ang pagpapakita ng abuse. mangatyanan1 Ang sabi pangalawa daw ito sa The Camera Trilogy ni Direk Jerrold Tarog. Sayang di ko napanood ang una niya na Confessional. Napagaling naman ni Jerrold sa pagkuha ng mga eksena. Nagustuhan ko yung mga dream sequences at yung mga hallucination scenes. Kinilabutan talaga ako sa mga kuha ng camera ni Jerrold. Ganda! Pero lalong napaganda dahil sa music niya na siya rin pala nag-composed. Lahat ng scores na pinatong sa mga eksena ay tugmang-tugma kung ano ang emosyon na pinapakita. Ang galing! Talented man siya! Siyempre ang cinematography nila na talaga namang nakakatunaw panoorin. Hands down sa lahat ng technical details ng Mangatyanan. mangatyanan3 Ang mga artista dito ay talagang hindi mga gaanong kilala kaya mapapatanong ka tuloy ng: teka parang nakita ko na siya somewhere? Parang siya yung sa commercial ng??? Except Irma Adlawan na suki na ng mga indie films at kahit sa mga teleserye ng mga higanteng TV Networks. As usual hindi pa rin disappointing si Adlawan. Si Che Ramos na gumanap bilang Laya ay nakakabilib! Pinaghandaan niya ito for sure! Big and small moments niya rito ay talagang litaw ang pagiging Best Actress ni Che. Yung cute guy na si Neil Ryan Sese ay interesting ang dating. Hindi gaano heavy ang role niya pero he looks good sa screen. Cute siya. Si Publio Briones naman bilang chief ng tribe ay mahusay din kahit di ako familiar sa kanya. Akala ko nga katutubo talaga siya. Na-weirdohan lang ako sa actress na gumanap bilang boss ni Laya. OA ba siya o natural na acting yun? mangatyanan4 May tanong dito sa pelikula: Naniniwala ka ba sa Diyos? Ang sagot ni Laya: Naniniwala ako sa Diyos. Tao lang ang demonyo. Totoo di ba? Laking tuwa ko na napanood ko ito. Mas naging excited na ako na panoorin ang last film ni Jerrol sa kanyang trilogy at sana may mahanap akong kopya ng Confessional. Mangatyanan is a beautiful masterpiece. Kaso nga lang people are really lost in space. Napakaluwag ng space ng Galleria Cinema that aftenoon! Pwede talagang maghubalan. Take note: Apat lang kami doon na nanood at yung isa alanganin pa kasi ang pagkakaalam ko sinusundan lang naman ako ng nilalang na yun nang makita niya ako sa lobby na nakasuot ng body fit t-shirt at jeans. Parang feeling ko kasi aabusuhin din niya ako tulad ng ginawa kay Laya sa pelikula. Pero mabuti na lang nakapag-concentrate ako sa Mangatyanan at malaya akong nakapanood na walang ritwal na naganap! LOL! May tanong din ako: Naniniwala ka ba na magaganda ang mga Indie Films? Ang sagot ko: Naniniwala ako na may mga matino pang gumagawa at hindi kailangan ang mga kahubaran para maibenta! Kaso gusto ng mga tao pa-tweetums ng mga Star Cinema at iba pa! Haay... kailan pa kaya tayo makakalaya? free glitter text and family website at FamilyLobby.com

Thursday, September 17, 2009

ANG PARACETAMOL SA BUHAY NG MGA BADING

IN MY LIFE
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own inmylife4




Hanep ang expectation ko sa pelikulang ito as in super high! Siyempre maraming pagbabalik ang nangyari sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema. Una ang pagbabalik pelikula ni Ate Vi! Pangalawa ang pagbabalik tambalan uli ni Direk Lamasan at Ate Vi. Pangatlo, ang pagbabalik ng Box Office King John Lloyd after You Changed My Life heto naman siya sa movie na merong “Life”. Higit sa lahat ang pagbabalik ng Star Cinema sa mga SM Cinemas! Nagkaayos na ba talaga? Sa sobrang hype eh gumising pa ako ng maaga para mapanood ang afternoon screening nito sa SM Megamall (night shift work ko). Wow... as in wow... hanep dude natanso ako. Hindi naman pala kailangan sa first day ko dapat panoorin ito. Kahit last day pa eh wala naman akong ma-mi-miss sa In My Life. Itigil na ang hype please medyo disappointed lang ako nang konti.


BUOD NG PELIKULA: Ito ay kuwento ni Shirley na isang librarian na napaglipasan na ng panahon. Pinaringgan siya ng kanyang babaeng anak na lahat eh nakapag-moved on na sa abroad at siya na lang daw ang hindi. So nag-decide siya na mag- I LOVE NEW YORK muna ang beauty niya kasama ng kanyang bading na anak na si Mark. Ngunit sa kanyang pag-stay sa New York doon niya makikilala si Noel ang #1 endorser ng Biogesic na boyfriend pala ni mark. Ano kaya mararamdaman ni Shirley pag nakikita niya ang dalawa? Paiinumin rin niya kaya ng gatas not just one but two glasses a day? Ano rin kaya ang magiging reaction ni Noel pag nalaman niya na doon pala maninirahan si Shirley kasama nila ni Mark? Pakakainin niya rin kaya ng Pizza si Shirley? Paano na sex life nila ni Mark kung may atribida?

inmylife5

This is a very safe gay movie. Safe na safe at kahit bata eh pwede mapanood. Kahit nga straight eh pwede rin manood. Yun nga lang sa sobrang safe eh medyo naduwag sila kung ano ang dapat ipakita sa totoong relasyon ng mga bading. Take note: kung na-excite kayo sa mga press releases nila na sobra daw ang torrid kissing scene nina JL at Luis. I'm sorry to disappoint you pare kasi smack lang ang nangyari na parang nandiri pa nga sila! Wala pang one second yun! Eh matapos nila ma-missed ang isa't isa eh nag-smack lang? Hindi ganun ang ginagawa ng mga mag-nobyo sa totoong buhay. Masyadong mataas ang hype ng gay film na ito pero hindi naman masyado naipakita ang sweetness ng dalawang bading. Busy ang pelikula sa mga ka-ek-ekan ni Shirley yung papel ni Ate Vi. Sinadya ba talaga ng mga writers na gawing annoying ang character ni Ate Vi? Nagpapatawa minsan si Shirley pero hammy ang dating. May isang eksena sa bandang huli kung saan sinampal siya ni Noel (John Lloyd), eh labis akong natuwa doon kasi ni minsan hindi ako naawa sa character ni Vilma. Sabi ko sige Noel imudmod mo pa mukha niya. For me, Stella is an annoying character from start to end. May pagka-racist rin kasi doon sa character ni Pamela.Bakit ganun ang hitsura ni Pamela? Napakasama ng mga writers na gawing ganun si Pamela? Gusto talaga nilang patawanin ang mga tao pag nakikita si Pamela pero sa totoo lang walang natawa!
inmylife2


Kung napanood mo ang trailer, naku eh nandoon na pala lahat ng magagandang eksena. So ano na lang ba ang mapapanood? Well, mapapanood mo pa naman ang mga pa-tour-tour nila sa New York. Hind pa ba tayo nagsasawa sa New York? Kamakailan lang may ginawa na ang GMA-7 na Teleserye na I Love New York at saka lahat ng sulok ng New York eh naipakita na sa CSI: New York. Pero relaxed naman ang mga kuha nila sa city. Hindi magulo ang mga extra. Hindi lang ako nagandahan sa cinematography masyado. Mapapanood mo pa rin naman ang mga artista ng ABS-CBN na dinaanan lang ng camera. Ang pinakaayaw ko talaga sa mga pelikula ng Star Cinema minsan eh mag-singit ng mga lantarang ads. As usual ang #1 Paracetamol ni John Lloyd nakasama na naman sa script. Halos lahat ng mga pelikula niya iniinom ito ng mga sumasakit ang ulo. Gosh! Pero hindi nagpahuli si Ate Vi. Not One Glass but Two Glasses a day!!!! At saka yung vitamins pa niya!!! Pero bakit hindi sinali ang kay Luis na tea drink at yung gamot para sa sakit ng tiyan? Triple threat sana! Salamat naman at hindi paulit ulit ang pagkanta ni Sarah Geronimo sa background ng themesong. Ganun kasi minsan ang style ng Star Cinema.



inmylife1


Aaminin ko magaling na artista talaga si Ate Vi. Aba ang Star for All Seasons eh nagbalik? May dancing portion pa siya huh? Nasaan ang mga VIP dancers para ihagis sa ere si Ate Vi? Pagdating sa drama eh napaluha naman niya ako. Pero sa komedya? Wala siya sa timing minsan. Hindi talaga nakakatawa. Hindi ko na-getz ang mga punchlines niya. Mas nakakatawa siya sa Bata Bata Paano Ka Ginawa.Kahit paulit ulit siya pagtatanong niya ng Getz Mo? Di ko pa rin na-getz ang mga hirit niya. Pero sa drama di pa rin kumukupas si Gob! Sorry sa mga Vilmanians pero kailangan kong sabihin ito: Nilampaso siya ni John Lloyd pagdating sa acting! Hands down kay Mr. Cruz!!! Hanep yung sigawan nila ni Ate Vi. Pati yung mga tumutulong luha niya nakakadala talaga! Hindi na kailangang ilabas pa ang sipon para maipakita na tunay ang pagluha. Carry na carry ni John Lloyd ang mabibigat na mga eksena! Kumusta naman ang gay acting ng dalawa? Well, hindi talaga mukhang bading si John Lloyd. Eh kahit naglalampungan pa sila ni Luis eh lalake pa rin siya tingnan. Masyadong discreet na gay si JL. Si Luis Manzano parang natural lang ang pagkabading. Ang galing niya maging bakla. Nakakatuwa siya minsan. Kailangan pa rin niya ng extra workshop pagdating sa drama. Paturo muna siya kay Ate Vi o kaya kay Angel Locsin. LOL. Sa lahat ng mga supporting cast na dinaanan lang ng camera eh sa Vice Ganda lang ang nakaagaw ng eksena.



inmylife3

Kung totoo man talaga yung press release na may mga kissing scenes sila Luis at John Lloyd at yun lang habol mo dito eh baka magalit ka lang!Isang smack na nakakabitin lang ang masasaksihan. Kung nag-eexpect ka ng halikan na parang Brokeback Mountain eh panoorin mo na lang yung DayBreak kasi maganda rin ang pagkagawa ng pelikulang yun. In My Life is a dramedy. Magulo at nakakabingi ang simula pero papaiyakin ka rin naman sa bandang gitna. Ihanda mo na lang panyo mo kasi paiiyakin ka talaga. In My Life is still watchable. Hindi nga lang nila napantayan ang pagiging unforgettable ng Anak at Bata Bata Paano ka Ginawa. I can smell a Grandslam for Mr. John Lloyd Cruz sa mga awards!!! Bro pa-pizza ka naman!!!!


free glitter text and family website at FamilyLobby.com