Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Mangatyanan is rated PG-13 so pwede pala sa lahat! After watching the film na tungkol sa isang ritual na naglalaho na at di na masyadong pinapansin ng ating mga katutubo sa Isabela, eh parang ganun din ang nangyari sa isang movie tungkol sa Mangatyanan. Ito ay isang napakagandang pelikula pero hindi naman pinapansin ng mga tao at katulad ng katutubong ritual na ito na kahit nakagawian na ng mga ninuno at ito'y iginagalang pa eh unti-unti na namang naaanod sa alon ng dagat patungo sa kawalan.
BUOD NG PELIKULA: Kwento ito ni Laya na isang photographer. May sarili siyang mundo at walang pakialam sa kanyang tatay na kahit agaw-buhay pa sa ospital. Pinipilit siya ng kanyang ina kahit man lang sa mga huling sandali eh magkaayos sila ng tatay niya ngunit buo pa rin ang desisyon ni Laya na wag dalawin ang ama. Bakit nga nagkakaganito si Laya? Lahat ng mga tinatago ni Laya ay mailalabas nang maipadala siya sa Isabela kasama ng isang pang photographer upang mag-document ng isang katutubong ritual na ang tawag ay Mangatyanan (Madugong Paglalakbay). Ano nga ba ang meron sa Mangatyanan? May nangangagat ba sa tiyan at si Laya ay napalaya sa rehas ng kamunduhan?
Ito ay hindi para sa mga mahihilig sa mga Blockbusters na gawa ng Star Cinema. Kung mahihilig ka sa mga pa-tweetums at mga pelikulang may pamagat ng galing sa isang love song naku 5 minutes pa lang eh mag-wa-walkout ka na dito. Kung adventurous kang manood ng mga pelikulang matino at pinag-aralan ang lahat ng mga eksena kahit hindi kalakihan ang production budget dito mo makikita sa Mangatyanan ang lahat. Sa script pa lang na napakaganda ng pagkagawa eh mapapabilib ka talaga.
This is a family drama at ang issue ng pang-aabuso sa mga anak ay hindi dapat na itago sa banga. Napakatapang ng pelikulang ito pero don't worry artistic ang pagpapakita ng abuse.
Pero lalong napaganda dahil sa music niya na siya rin pala nag-composed. Lahat ng scores na pinatong sa mga eksena ay tugmang-tugma kung ano ang emosyon na pinapakita. Ang galing! Talented man siya!
Si Publio Briones naman bilang chief ng tribe ay mahusay din kahit di ako familiar sa kanya. Akala ko nga katutubo talaga siya. Na-weirdohan lang ako sa actress na gumanap bilang boss ni Laya. OA ba siya o natural na acting yun?
Pero mabuti na lang nakapag-concentrate ako sa Mangatyanan at malaya akong nakapanood na walang ritwal na naganap! LOL! May tanong din ako: Naniniwala ka ba na magaganda ang mga Indie Films? Ang sagot ko: Naniniwala ako na may mga matino pang gumagawa at hindi kailangan ang mga kahubaran para maibenta! Kaso gusto ng mga tao pa-tweetums ng mga Star Cinema at iba pa! Haay... kailan pa kaya tayo makakalaya?


No comments:
Post a Comment