Thursday, September 17, 2009

ANG PARACETAMOL SA BUHAY NG MGA BADING

IN MY LIFE
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own inmylife4




Hanep ang expectation ko sa pelikulang ito as in super high! Siyempre maraming pagbabalik ang nangyari sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema. Una ang pagbabalik pelikula ni Ate Vi! Pangalawa ang pagbabalik tambalan uli ni Direk Lamasan at Ate Vi. Pangatlo, ang pagbabalik ng Box Office King John Lloyd after You Changed My Life heto naman siya sa movie na merong “Life”. Higit sa lahat ang pagbabalik ng Star Cinema sa mga SM Cinemas! Nagkaayos na ba talaga? Sa sobrang hype eh gumising pa ako ng maaga para mapanood ang afternoon screening nito sa SM Megamall (night shift work ko). Wow... as in wow... hanep dude natanso ako. Hindi naman pala kailangan sa first day ko dapat panoorin ito. Kahit last day pa eh wala naman akong ma-mi-miss sa In My Life. Itigil na ang hype please medyo disappointed lang ako nang konti.


BUOD NG PELIKULA: Ito ay kuwento ni Shirley na isang librarian na napaglipasan na ng panahon. Pinaringgan siya ng kanyang babaeng anak na lahat eh nakapag-moved on na sa abroad at siya na lang daw ang hindi. So nag-decide siya na mag- I LOVE NEW YORK muna ang beauty niya kasama ng kanyang bading na anak na si Mark. Ngunit sa kanyang pag-stay sa New York doon niya makikilala si Noel ang #1 endorser ng Biogesic na boyfriend pala ni mark. Ano kaya mararamdaman ni Shirley pag nakikita niya ang dalawa? Paiinumin rin niya kaya ng gatas not just one but two glasses a day? Ano rin kaya ang magiging reaction ni Noel pag nalaman niya na doon pala maninirahan si Shirley kasama nila ni Mark? Pakakainin niya rin kaya ng Pizza si Shirley? Paano na sex life nila ni Mark kung may atribida?

inmylife5

This is a very safe gay movie. Safe na safe at kahit bata eh pwede mapanood. Kahit nga straight eh pwede rin manood. Yun nga lang sa sobrang safe eh medyo naduwag sila kung ano ang dapat ipakita sa totoong relasyon ng mga bading. Take note: kung na-excite kayo sa mga press releases nila na sobra daw ang torrid kissing scene nina JL at Luis. I'm sorry to disappoint you pare kasi smack lang ang nangyari na parang nandiri pa nga sila! Wala pang one second yun! Eh matapos nila ma-missed ang isa't isa eh nag-smack lang? Hindi ganun ang ginagawa ng mga mag-nobyo sa totoong buhay. Masyadong mataas ang hype ng gay film na ito pero hindi naman masyado naipakita ang sweetness ng dalawang bading. Busy ang pelikula sa mga ka-ek-ekan ni Shirley yung papel ni Ate Vi. Sinadya ba talaga ng mga writers na gawing annoying ang character ni Ate Vi? Nagpapatawa minsan si Shirley pero hammy ang dating. May isang eksena sa bandang huli kung saan sinampal siya ni Noel (John Lloyd), eh labis akong natuwa doon kasi ni minsan hindi ako naawa sa character ni Vilma. Sabi ko sige Noel imudmod mo pa mukha niya. For me, Stella is an annoying character from start to end. May pagka-racist rin kasi doon sa character ni Pamela.Bakit ganun ang hitsura ni Pamela? Napakasama ng mga writers na gawing ganun si Pamela? Gusto talaga nilang patawanin ang mga tao pag nakikita si Pamela pero sa totoo lang walang natawa!
inmylife2


Kung napanood mo ang trailer, naku eh nandoon na pala lahat ng magagandang eksena. So ano na lang ba ang mapapanood? Well, mapapanood mo pa naman ang mga pa-tour-tour nila sa New York. Hind pa ba tayo nagsasawa sa New York? Kamakailan lang may ginawa na ang GMA-7 na Teleserye na I Love New York at saka lahat ng sulok ng New York eh naipakita na sa CSI: New York. Pero relaxed naman ang mga kuha nila sa city. Hindi magulo ang mga extra. Hindi lang ako nagandahan sa cinematography masyado. Mapapanood mo pa rin naman ang mga artista ng ABS-CBN na dinaanan lang ng camera. Ang pinakaayaw ko talaga sa mga pelikula ng Star Cinema minsan eh mag-singit ng mga lantarang ads. As usual ang #1 Paracetamol ni John Lloyd nakasama na naman sa script. Halos lahat ng mga pelikula niya iniinom ito ng mga sumasakit ang ulo. Gosh! Pero hindi nagpahuli si Ate Vi. Not One Glass but Two Glasses a day!!!! At saka yung vitamins pa niya!!! Pero bakit hindi sinali ang kay Luis na tea drink at yung gamot para sa sakit ng tiyan? Triple threat sana! Salamat naman at hindi paulit ulit ang pagkanta ni Sarah Geronimo sa background ng themesong. Ganun kasi minsan ang style ng Star Cinema.



inmylife1


Aaminin ko magaling na artista talaga si Ate Vi. Aba ang Star for All Seasons eh nagbalik? May dancing portion pa siya huh? Nasaan ang mga VIP dancers para ihagis sa ere si Ate Vi? Pagdating sa drama eh napaluha naman niya ako. Pero sa komedya? Wala siya sa timing minsan. Hindi talaga nakakatawa. Hindi ko na-getz ang mga punchlines niya. Mas nakakatawa siya sa Bata Bata Paano Ka Ginawa.Kahit paulit ulit siya pagtatanong niya ng Getz Mo? Di ko pa rin na-getz ang mga hirit niya. Pero sa drama di pa rin kumukupas si Gob! Sorry sa mga Vilmanians pero kailangan kong sabihin ito: Nilampaso siya ni John Lloyd pagdating sa acting! Hands down kay Mr. Cruz!!! Hanep yung sigawan nila ni Ate Vi. Pati yung mga tumutulong luha niya nakakadala talaga! Hindi na kailangang ilabas pa ang sipon para maipakita na tunay ang pagluha. Carry na carry ni John Lloyd ang mabibigat na mga eksena! Kumusta naman ang gay acting ng dalawa? Well, hindi talaga mukhang bading si John Lloyd. Eh kahit naglalampungan pa sila ni Luis eh lalake pa rin siya tingnan. Masyadong discreet na gay si JL. Si Luis Manzano parang natural lang ang pagkabading. Ang galing niya maging bakla. Nakakatuwa siya minsan. Kailangan pa rin niya ng extra workshop pagdating sa drama. Paturo muna siya kay Ate Vi o kaya kay Angel Locsin. LOL. Sa lahat ng mga supporting cast na dinaanan lang ng camera eh sa Vice Ganda lang ang nakaagaw ng eksena.



inmylife3

Kung totoo man talaga yung press release na may mga kissing scenes sila Luis at John Lloyd at yun lang habol mo dito eh baka magalit ka lang!Isang smack na nakakabitin lang ang masasaksihan. Kung nag-eexpect ka ng halikan na parang Brokeback Mountain eh panoorin mo na lang yung DayBreak kasi maganda rin ang pagkagawa ng pelikulang yun. In My Life is a dramedy. Magulo at nakakabingi ang simula pero papaiyakin ka rin naman sa bandang gitna. Ihanda mo na lang panyo mo kasi paiiyakin ka talaga. In My Life is still watchable. Hindi nga lang nila napantayan ang pagiging unforgettable ng Anak at Bata Bata Paano ka Ginawa. I can smell a Grandslam for Mr. John Lloyd Cruz sa mga awards!!! Bro pa-pizza ka naman!!!!


free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: