Monday, September 7, 2009

ANG DYOSA NG KOMEDYA

KIMMY DORA
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own kimdora

Sa wakas nabigyan na rin ng solo project si Eugene Domingo. Nasanay na kasi tayo na nakikita siya bilang sidekick o kaya yaya sa halos lahat ng mga pelikulang tumabo sa takilya. This time may launching movie na nga si Uge. Karapat-dapat ba talaga na bigyan siya ng solo movie? Dapat lang! Hinog na ang panahon para sa kanya at timing na timing ang Kimmy Dora niya. Antagal ko na rin na hindi nakakahalakhak pagdating sa mga Pinoy Comedy Films. Salamat kay Kimmy at Dora kasi meron pa palang pag-asa ang industriya pagdating sa komedya.

kimdora1

BUOD NG PELIKULA: Sina Kimmy at Dora ay kambal.Ubod ng yaman sila. Para silang gatas at kape pagdating sa personality. Ubod ng talino si Kimmy at medyo semi-retarted si Dora. Fashionista si Kimmy at Jologs naman si Dora. Isang araw na-stroke ang daddy nila dahil sa kanilang cat fight. Agad na minadali ng dad nila ang will para sa mga mana ng kambal. Sino kaya ang makakatanggap ng 80% at 20% share ng mana? Just TEXT NOODAKOKIMMYDORA and SEND IT 922009. Available to all Kapuso at Kapamilya Networks. Isama mo na rin ang Ka-shake!!!!

kimdora3

Ang tanging hangad ng pelikulang ito ay ang magpatawa. Tatawa ka ba talaga? Naku ihanda mo na tiyan mo at panga dahil sobrang nakakatawa. Simula pa lang hanggang sa end credits eh di ka na titigilan. Sasakit tiyan mo at ito ang nakakagulat kasi baka maluha ka sa konting drama. Ang maganda sa Kimmy Dora eh may kuwento siya. Kahit may loopholes nang konti eh OK pa rin naman. Maganda naman kasi pagka-direk ni Joyce Bernal! Basta nagawa niya lahat ng magagandang eksena na effective sa pagpapatawa. Hindi ko lang feel ang mga special effects na may pagka-The Matrix. Sana hindi na lang sinali yun kasi hindi pa masyado polished ang final result. At saka yung cat fight scene nina Kimmy at Dora na may mga SWAT sa paligid. Hello? Wala namang mga dalang baril ang kambal bakit kailangan tutukan pa sila ng mga dekalibreng machine guns. Pero kung iisipin mo lang ha at paganahin mo konti ang green mind mo eto ang naisip ko sa eksenang yun. Sina Kimmy at Dora ay may catfight pwede ring tawaging Pussy Fight. Pareho silang virgin kasi wala pa naman silang lovelife. Ano ba ang mga papel ng mga baril ng SWAT doon? Pag sinabing baril ng lalaki ano ba yun? Parang ang naisip ko ay napapaligiran ng mga nota sina Kimmy at Dora at dapat isuko na ang mga katawan nila. Gets nyo? Dirty na masyado mind ko ha ha ha. Kaya natawa ako sa eksenang yun. Kasi naman yung mga laser light na lumalabas sa mga baril eh nakatutok sa mga eyes at lips ng kambal kaya bigla akong napaisip. Ang naughty ng writer na si Chris Martinez!Siya rin pala ang author ng fav book ko na Last Order sa Penguin.

kimdora2

Marahil ang tanong ng mga nakakarami ay kaya na ba talaga ni Uge mag-solo? Naku kayang-kaya na niya!!! Ang hirap kaya ng pinaggagawa niya dito! Kung gusto niya mag-ala Meryl Streep ng The Devils Wears Prada eh talbog si Meryl! Tapos yung pag-a-act ni Dora as Kimmy eh naku halos magiba ang sinehan kung saan ako nanood sa dagundong ng mga tawa doon. Grabe ang talent ni Uge! The best!!! Magugustuhan mo sina Kimmy at Dora dahil sa impeccable acting ni Uge. Nandito pala si Dingdong at nakakatawa naman pala si Sergio! Siyempre kailangang maipakita ang Bench Body ni Dong! Hanep ang mga hatak powers nina Joyce at Papa Piolo!! Lahat ng mga ka-bonding nila sa showbiz ay nandito para umekstra!!! Pero mas memorable sa lahat ang kay Regine Velasquez. Naku halos mamatay ako sa tongue twister session nila ni Dora. Siyempre mawala ba naman si Papa Sam Milby? BFF yata ni Papa Piolo si Sam.
kimdora4

Pagkatapos kung mapanood ito eh biglang akong na-inspired na gumawa ng tula for Eugene Domingo. So this is for you Uge!
free glitter text and family website at FamilyLobby.com
Noon pa ma'y napapansin ko na
Ang talent ng isang Dyosa na may future sa komedya
Dati alalay lang sa pelikulang “Ang Tanging Ina”
Aba!
Ngayon siya'y bida na sa Kimmy Dora

Palaging kaakbay sa mga patawa ni Wenn Deramas
Always sidekick sa Reyna daw na si Ai-ai de las Alas
Mabuti na lang at wala pa ring kupas
Hit pa rin ang mga banat at sa takilya'y di naman minamalas.


Tayo'y pinatawa at tayo'y pinaiyak
Kaya naman sa kanya lahat ay nagagayak
Kahit pa naghubad sa “100” di naman ako napa-yuck
Kasi naman Diyosa talaga siya ng halakhak

Lahat na yata nasubukan niya mapa-horror, musical , drama at iba pa
Kahit sa hosting astig pa rin siya pati stage gag eh niraraket din niya
Kaya laking tuwa ko sa pelikulang Bahay Kubo na kasama rin si Marya at Darna

Kasi: The Best Supporting Actress goes to Eugene Domingo! Bongga may award na siya!

Ako nagpapasalamat kay Bb. Joyce Bernal at Papa Piolo Pascual

Sa paggawa ng pelikulang Kimmy Dora na puno ng pagmamahal

Puno ng komedya, luha at hmmm... may kasama pang askal?

Kaya mga kababayan panoorin na ang nakakatawang kambal!


kimdora5

HIGHLY RECOMMENDED


free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: