MANAY PO 2: OVERLOAD
Medyo late ko na napanood itong Manay Po 2, super busy ako at wala talagang time.
Wala na akong time manood ng movies these days. Naubusan na ako ng budget honestly.
May free night off last Sunday kaya pinanood ko na itong Overload ng 3 gay brothers.
Opening pa lang ng movie medyo OA na para sa akin. Ewan ko bakit hindi ako natuwa doon?
Kung last time hataw sa patawa si Ms. Cherry Pie pero ngayon supporting na lang siya.
Pelikula pala ni Rufa Mae ito? Nakakatuwa si Rufa Mae siya talaga nagdala ng movie kaso di lang kapanipaniwala character niya. She's a great comedy actress talaga!
Polo Ravales- hmmm... wala lang. Sexy pero di gaanong challenging ang role unlike sa part 1.
John Prats – at least nakakatawa pa rin pero kulang na ang mga scenes.
Jiro Manio – medyo siya ang angat sa 3 kasi nagdadalaga na role niya parang si John Prats sa Part 1.
Kung sa Part 1 kwelang kwela ako kina Giselle Sanchez at IC Mendoza, dito wala na eh. Ang mga hirit ni Giselle hindi na effective. Si IC konti rin lang dialogue.
Ang kapansin pansin dito eh si Sid Lucero. Nakita ko na siya sa Batanes at nagustuhan ko siya doon.
Guapo ang hunk na ito tapos ang boses niya kakaiba. May pagkapaos pero sexy pakinggan.
Ni-researched ko talaga si Sid kung sino ba siya. Gulat ako anak pala ni Mark Gil ito?
Kaya pala may talent. Eigenmann pala siya!.
Nagustuhan ko ba story nito? Well, ok ang concept kasi hindi option ang adoption kundi artifical insemenation pinag-usapan para magkaroon ng anak ang gay couple na sila Polo at Sid.
May part na nakakatuwa pero most of the time corny na eh.
Marami ring mali lalo na sa story nila John at yung baguhang young actor na di ko man lang nakilala.
Maraming bakit bakit bakit paano paano bakit sa story nila. Di ko nagustuhan.
Basta OA ang ibang parts na ewan ko ba bakit di man lang pinansin ng direktor nito na si Joel Lamangan.
Ang nakakatuwa lang kasi walang ads sa movie. Himala! Halos lahat kasi ng mga movies ni Lamangan may commercial ads talaga na sinisingit na nakakairita. Dito wala akong napansin. Hmmm.. walang sponsor na nakuha yata?
Anyway, mag-eenjoy pa rin naman mga gays nito kasi may parts nga na nakakatawa pero hindi lang lahat effective. Halatang minadali ang movie na ito. Opinion ko lang ito.
I love the first movie at bumili pa ako ng DVD pero ito? Kahit renta di ko gagawin siguro.
RATING : 2.5 / 5*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment