Saturday, October 24, 2009
BLAH...BASURAH...BOKYAH!
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Alam nyo naman na indie lover ako at lately sunod sunod ang napapanood ko na mga magaganda sa indie sine ng Galleria eh na-curious ako bigla dito sa Ang Laro ng Buhay ni Juan. Ang director pa naman nito ay si Jose Altarejos na siya ring gumawa ng Ang Lalake sa Parola at Ang Lihim ni Antonio. Kung ang “parola” ay pwedeng pagtiyagaan at ang “lihim” naman ay medyo katakam-takam.Sad to say itong “laro” ay kasuklam-suklam. Isang napakawalang kwentang laro sa buhay ni Juan Tamad. Gising naman diyan!!!!
BUOD NG PELIKULA : Taga-Masbate si Juan (hmmm...sa dinami-dami ng probinsiya ng Pilipinas Masbate pa ang napili), at isa siyang live show performer pero kapwa lalake ang mga nakaka-sex niya sa harap ng mga gays. Pero parang nararamdaman ni Juan na parang mahirap pa rin siya. May ka-live-in siya na kapwa rin lalake pero jobless naman so lalo silang maghihirap. Kaya napatanong tuloy si Juan? Uuwi na ba ako ng Masbate o mananatili na lang ako dito sa Maynila habang pinapanood akong nag-mamasturbate?
First 30 minutes ng pelikula: BORING.Next 30 minutes: BORING again. Then tinapos na lang. Naubos ang first half na palakad lakad sa kawalan na walang kwentang panoorin. Nakakabagot! Then biglang nag-heavy drama na mapapatanong ka: bakit sila nag-iyakan at di man lang ako maka-relate? Yung central character natin na si Juan eh di ko alam kung kaaawaan ko ba siya? Ano ba naghihirap ba talaga siya? Bakit parang andami naman niyang pera? May mga umuutang pa nga sa kanya eh!Tapos di naman makatotohanan yung pag-li-live in nila ng kanyang bf na pag titingnan mo eh parang mahirap pa sila sa daga. May ganitong gay relationship ba sa Pinas? Tapos ang sabi nilang pambato daw dito ay yung mga sex scenes at nudity. Huh? Yun lang ba? Eh naku kung soft porn hanap mo eh baka magwala ka sa sinehan dahil exploitation lang ang naipakita. Yung “live show” na ginawa eh poorly executed at ang gulo ng set! Isang ekesena lang nagustuhan ko yung pamumulot ng biskwit sa sahig. Touching kasi. Pero yung pamumulot ng bigas sa kanal is a big blah!!!!! Huh?
Sa totoo lang sa dalawang pelikulang napanood ko na gawa ni Jose eh wala ka naman talagang makikitang good shots. Kahit average cinematography wala rin. Dito sa “laro”, akalain mo wala pa ring magandang kuha!!!! May isang sex scene sa live show dito na may similarity sa recent indie film na napanood ko na “Boy”. Kung sa Boy eh gumamit sila ng aquariium eh dito naman ginamit nila eh garapon at kandila. Ang result??? Nakakatawang basura! Kung sex lang habol mo dito manood ka na lang ng porn. Shaky pa ang camera from start to end. Nanginginig ang cameraman. Madilim ang lighting kahit may araw. Ang mga extra hindi kontrolado at nakatingin sila sa camera. Hindi ko rin nagustuhan yung ending nila na may pagka-anti-government. Pwede isantabi muna ang politika!!! Doon sa last part ipinakita ang tarpaulin ni PGMA na randam ang asenso tapos sila nagtutulak ng kariton dahil sa kahirapan. Ang nakakaasar lang kasi itong si Juan eh college graduate naman pero mas pinili pa niyang mag-live show! Like duh???
Kumusta naman ang acting nila? Huh? Acting ba yun? Napaka-OA ng mga artista rito. Yung bida eh walang kabuhay buhay. May mga crying scenes pa sila na hindi naman nakakaiyak kundi nakakatawa lang. Miscast itong si Ray An Dulay... kasi kung “live show performer” siya eh sana may kagandahan man lang sana ang katawan niya. Anlaki ng bilbil niya at walang korte ang katawan. Yung gumanap na bf niya eh sobrang OA rin pero in fairness mas brusko ang katawan. Siya na lang dapat doon sa live show.
Kung gagawa uli ng movie si Jose, siguro hindi muna ako manonood. Hintayin ko muna kung may strong word-of-mouth. Ang hilig niya sa title na may "Ang L" sa simula. Hmmm.. next movie niya hulaan ko "Ang Lihim ng Langaw na Isang Araw na sa Parola". Sayang ang binayad ko na P161. Para nga akong sumugal sa isang laro eh kaso lumabas akong talunan at bad trip!!! Natapos ang pelikula na wala akong naramdaman na sulit ang binayad ko talaga!!!Please save your money. Sayang ang pera ko sa pelikulang ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment