Wednesday, October 14, 2009
SINUSUNDAN BA AKO NG BAHA???
I'm not gonna post a movie review and everythin'. Gosh nahahawa na ako kay Tara ng Survivor Philippines : Palau and everythin'. This blog is about my homecoming two weeks ago. Pagkatapos manalanta ni Ondoy sa ating bansa last September 26 eh napilitan akong mag-evacuate immediately sa Mandaluyong na malapit sa work place ko. I'm still adjusting right now kasi di ako sanay sa new room ko. May mga kasama ako at hindi rin ako sanay na may katabi sa pagtulog. I'm so glad day shift sila at night shift naman ako. Natatakot ako pag nag-shifting na yung isa eh malamang makakatabi ko na siya. Naku nakakatakot!!! Malikot ako sa kama! But I'm not gonna be talkin about it and everythin'. Kumusta na ba ang Pasig after two weeks pagkatapos ng Typhoon Ondoy?
Sa harap ito ng Pasig City Hall.
Sa Pasig Mega Market ito.
Mga bangkero sa Pasig Palengke
Ang lalim pa ano?
Umalis ako last Monday Septemer 29, yung baha sa compound namin sa Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan eh hanggang hita na, pagbalik ko still the same eh parang nadagdagan pa nga eh dahil bumisita kamakailan si Pepeng. Itong dalawang ito siguro magkasama sa inuman at pinag-tripan ang mga Pinoy! Before reaching our house, dumadaan muna ako ng Pasig Palengke, kung dati eh mabibingi sa ingay ng mga tindera ng gulay and everythin' at ang mga tadtad ng mga itak sa meat section na gamit ng mga matador na half-naked pero malalaki ang mga tiyan, at siyempre ang mga kargador na super ganda ng mga abs kahit hindi naman nag-ggym na pawis na pawis sa ilalim ng sikat ng araw. Lahat ng mga iyan eh wala na sa Palengke, nakakabinging katahimikan at lubog sa baha ang bagong Pasig City Mega Market! Nakakalungkot dumaan doon. Kung dati paglabas mo ng palengke eh nakaabang na ang mga trycycle drivers this time ang tatawag sa iyo ay mga bangkero na!!! Kahit anong improvised na pwedeng masakyan basta lulutang lang pwede na! Kung may air-mattress ka naku instant pera agad yan. Ito ang nasakyan ko pag-uwi. Natuwa lang kasi ako sa bangkero kasi pinipilit talaga ako na sumakay sa bangka niya. Ayoko kasi sa kanya kasi naman skimpy short ang suot na bakat ang ano niya at medyo hawig ni Gerald Anderson ang loko. Hindi ako mapakali kasi. Pero ride na rin ako. Bwa ha ha ha!Habang itinutulak niya ako ako at ako nama'y relax lang na nakaupo sa isang plastic chair na tinali sa gitna ng air-mattress, nakakaawa pala silang mga bangkero. Araw-araw nilang ginagawa ito buong maghapon minsan aabot pa ng gabi para maghatid ng tao, yung tubig baha ambaho na. Andaming basurang lumulutang. Nakapaa lang sila habang nilulusong ang baha. I think 2 kilometers yata ang ride na yun worth P50. Hindi ko na siya kinausap pero habang tumitingin ako sa kanya eh sunog na sunog na siya at medyo payat na siya. Narating din namin ang first pit stop at ayun napagod na siya. Then kumuha na naman ako ng another ride papunta sa place ko. Another P50 na naman yun, this time nasa bike na ako na may plastic chair sa gitna na itinutulak ng dalawang teenagers. Pagbalik ko pauwi na sa Mandaluyong, kumuha na ako ng special ride worth P150 pesos. This time apat na tao na ang nagtutulak ng air-mattress. Ang nakakatuwa lang doon sa isa eh brief lang ang suot. OMG!!!! Di ko alam kung matatawa ako o maaawa ba?
Basketball court ng barkada ko.
Natuwa lang ako sa batang ito na ginawang
swimming pool ang baha
Isa mga taga-hila ko na naka-paa lang. sabi niya may sugat na raw siya.
Actually kabaong yang nasa unahan ko. Ililibing nila yang patay.
Guess what??? Hindi pa ako nakakauwi sa amin right now pero may update naman ako from my mother everyday. Thanks GOD gumagawa pala ng paraan ang Government ng Pasig! I heard pinapasipsip na nila ang tubig baha. Ang sabi mababaw na raw ang baha sa amin. Baka within this week or next week tuluyan nang mawala ang tubig baha sa Pasig!!!! Yes makakauwi na ako!!!! I missed my PC na!!! Araw-araw na lang ako sa cafe palagi!!!!
Heto pala naisip ko after Ondoy: Last November 5, 1991, First year high school pa lang ako sa Ormoc eh binaha kami doon dahil kay Typhoon Uring. Remember it? I survived that deadly flood.
Then after 9 years, nasa Pasig na ako working here in Mega Manila. Early November of 2000, nagkaroon din ng baha at it lasted for a month in Pasig!!!!
Guess what after 9 years uli!!!! Itong si Ondoy ang gumimbal!!!! Lubog na naman ang Pasig?
Kaya napatanong ako: SINUSUNDAN BA AKO NG BAHA????
LORD, please wag naman. Nagkataon lang po ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment