Wednesday, October 14, 2009

NAKAKAAWANG KINANG

free glitter text and family website at FamilyLobby.com SanglaanPoster


Naranasan mo na ba mang-sangla ng kaluluwa este mga alahas, celphone, laptop at iba pa ??? Natutuwa ako kasi may nakaisip ng ganitong pelikula tungkol sa sanglaan na talaga namang gawain na ng mga Pinoy pag oras na talaga ng kahirapan at wala si Manong Bombay para makapitan. Kung mahilig kang mag-sangla eh malamang makaka-relate ka sa pelikulang ito. Ma-drama itong Ang Sanglaan kaso minsan nakakabagot at at parang bang gusto mo nang mayamot.

BUOD NG PELIKULA: Si Amy ay isang appraiser ng isang pawnshop, Si Olivia naman ang may-ari nito ngunit na-petitioned na siya ng anak sa Amerika. Pamangkin naman niya si Amy. Si Kanor naman ang guard na matagal nang pinagkakatiwalaan at nakitira pa sa itaas ng pawnshop kasama ang asawang si Ising. Si David ay isang seaman na naghihitay ng tawag sa laot at pansamantalang nangungupahan ng isang room kasama nina Kanor sa taas. Siya ang crush ni Amy since high school. Ang mga buhay nila ay maaaring nakasalalay lahat sa sanglaan. Aalis kaya papuntang Tate si Olivia at iiwan nang tuluyan ang sanglaan? Sino kaya ang unang magsasangla at sino naman ang unang ma-re-remata?

sanglaan1

Sa totoo lang napilitan akong manood nito dahil na-curious ako kay Ina Feleo. Twice na kasi siyang nanalo ng Best Actress award sa Cinemalaya eh hindi ko pa rin siya napapanood sa sine. Pero reserved ko muna comments ko about her. Let's talk about the story first. Actually, ang bagal ng takbo ng kuwento. Walang ka-thrill thrill. Boring minsan. Walang twist. Ordinaryong drama at nagamit lang ang sanglaan sa kuwento. Basta pinapakita lang ang mga nagsasangla kasi napipilitan dahil gipit nga! So mapipilitan ka rin na maawa na rin sa kanila. Masyadong seryoso ang drama dito pero hindi naman nakakaiyak. Kahit apektado na ako sa mga nangyayari dahil nakaka-relate ako pero hindi naman tumulo luha ko. Tapos sa bandang huli medyo nakakatuwa kasi parang nabunutan ka ng tinik sa dibdib! Parang hay salamat natubos ko na rin alahas ko! Nasa audience pa rin kung ano gusto nilang ending. Parang bahala na kayo kung gusto nyo happy or sad. Sa lahat ng mga characters si Amy lang ang may character development kaya sa kanya mapupunta ang awa. Masyadong mapagmahal si Amy nakakalokah ang dalagang tulad niya. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin dahil naaawa ako sa kanya. Para siyang mahinhing baklang martir at gagawin ang lahat para sa kanyang all time crush kahit walang kapalit makatulong lang. Ouch...may mga Amy pa ba sa Pilipinas?

sanglaan

Di ako masyado bilib sa mga kuha ni Milo Sogueco. Naghahanap nga ako ng beautiful frames sa movie kaso parang bilang lang sa mga daliri ko. Pero nakuha niya ang emosyon ng movie. Doon siya naka-jackpot! Maaliwalas ang cinematography dito pero parang nakulangan pa rin ako. The best scene para sa akin ay yung date nila Amy at David. I love the slow mo effect at yung smoke na nakakabaliw panoorin!!! Yung music dito OK naman siya kaso overused kung minsan. Hindi naman ma-drama ang isang eksena eh pinapatungan ng nakakaiyak na scoring. Gusto nyo ba kaming paiyakin sa eksenang yun na hindi naman makabagbag damdamin? Nagustuhan ko pala ang opening credits kasi cool yung pagka-timing nito sa pagpapakita ng names ng mga artista, director, the person behind the music atbp.

untitled

Di ba sabi ko excited ako na makita si Ina Feleo dito? Alam nyo sa mga first scenes niya eh parang napatanong ako bigla kung siya ba talaga ang Best Actress? Bakit siya? Wala namang kabuhay-buhay eh! Walang ka-challenge challenge eh! Pero habang tumatagal at medyo nakakarelate na ako sa character ni Amy, unti-unti kong na-ge-gets bakit ganun ang acting ni Ina! Hands down to her! She portrays Amy impeccably! Doon ako nadala sa date nga nila ni David. Watching Ina's facial expression while putting sabaw sa bowl. OMG! Iba ang dating sa akin! Para akong tinamaan ng kidlat sa simpleng acting ni Ina. Walang mga hystericals si Ina dito basta simpleng acting lang at bagay kung ano talaga si Amy. Pero kung papiliin ako between her and Che Ramos sa Mangatyanan? I think si Che dapat ang winner! I like Tessie Tomas pero I think mas magaling siya sa comedy. Yung surprising actress sa Jay na si Flor Salangga eh ambivalent naman ako. Kasi more on hystericals siya tapos hindi naman pinapakita minsan boses lang ang maririnig mo. In fairness yung gumanap na guard na si Jess Evardone eh memorable para sa akin. Magaling siya huh! Nandito rin pala si Neil Ryan Sese. Di ko masisisi bakit siya ang badboy. He is a versatile indie actor naman. Yung kahawig ni Papa Piolo na si Joem Bascon eh wala naman masyadong ginawa kundi magpakilig kay Amy. Joem is really good looking pero not so challenging role ang nakuha niya.

sanglaan4

Sa sobrang excitement ko sa Sanglaan eh first day showing nito sa Galleria eh pinanood ko kaagad. Kaso hindi naman pala exciting ito masyado. It's still a watchable film para sa mga indie lovers pero hindi ko siya highly recommended para sa lahat. Acting lang kasi ang panlaban dito! Sa wakas nakilala ko na rin si Ina Feleo. So siya pala si Ina! Curious na tuloy ako sa Endo. Hindi ko pa rin napapanood ito. Pwede pakilabas na ang DVD ng Endo? Kung hanap mo heavy drama, hindi mo ito makikita sa Ang Sanglaan. Pero kung hanap mo heavy gold, punta ka sa tamang sanglaan baka may subasta sa kanila.

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: