Nakapasok ka na ba ng gay bar? Nag-te- take home ka ba ng macho dancer? Nanonood ka ba palagi ng mga Pinoy gay films about macho dancers? Nagsasayaw ka ba sa dilim tulad ko? Joke! Ang pelikulang Boy ay tungkol kasi sa isang maluwalhating gabi ng isang macho dancer at ng isang binatang apo ni Kaka Balagtas na tila naghahanap ng kasagutan tungkol sa mga tanong sa sarili niya. Kung Oo ang sagot mga sa mga tanong ko, jackpot ka bro kasi makaka-relate ka sa movie na ito! Nang nalaman ko na banned pala sa Singapore ang film ni Auraeous Solito na ito ay naintriga agad ako. Ang sabi grabeee daw ang sex scene dito at talagang pabor daw sa homosexuality ang movie na ito! Hmmmm.. papasa rin kaya ito sa MTRCB? Well, based sa napanood ko naging open-minded naman ang mga tagakatay ng mga pelikula. Buo at maraming pasabog ang Boy. Hala! Halika't makitula at makisayaw sa dalawang Adan na nagniniig kasabay ng paglangoy ng mga isda sa akwaryum.
BUOD NG PELIKULA: Isang Pasko, binisita ni Boy ang isang gay bar. Gusto lang daw niyang makakita ng mga macho dancers na gumigiling sa stage. Nag-eenjoy si Boy sa kanyang mga nakikita pero nang lumabas si Aries ang Star of the Night ( sa payat niyang yun? ), eh parang langit ang naramdaman ni Boy. Love at first sight agad si Boy kay Aries. Gusto niyang i-take home agad si Aries kaso kulang ang dating ni Boy. Gagawin niya lahat maangkin lang si Aries na 18 years old din tulad niya at may alagang sawa daw na 7 � inches (sabi ng floor manager). Ibinenta niya ang collection niya ng mga comic books atbp para lang sa isang gabi ni Aries. Bisperas ng Bagong Taon, binalikan niya ang gay bar! Perfect timing kararating lang ni Aries, money down agad sabay uwi sa bahay! Sa gitna ng ingay ng mga torotot , mga nakakabinging putukan ng sinturon ni Hudas at ang mapaglarong watusi, maririnig din kaya ang...... boom!!!! nina Boy at Aries?
Napakasimple at napaka-ikli lang ng kwento ng Boy. Pero malalim at may pagka-sweet naman. Walang kontrabida, walang gulo at peaceful ang takbo ng story. Yun nga lang same setting pa rin tulad ng kay Maximo, makikita na naman ang nakakalungot na buhay iskwater. At dahil one night stand with fee nga ang nangyari di natin alam kung may happy ending ba ang ating mga bida. Pero nasa audience na kung ano ang gusto nilang mangyari. Kakaiba ito sa mga napanood ko na mga indie gay films. Yeah, nandoon nga ang kontrobersyal na sex scene ng dalawang lalake pero hanep naman ang execution!!! One of the best sex scenes I've ever seen! Erotic at full of art! Nandoon ang tinatawag na innocent sex. Bilib ako sa pagkakuha ni Solito sa eksenang yun. Ang gandang panoorin nila na nag-se-sex tapos may harang na aquarium. Mapaglaro ang mga isda sa akwaryum habang ginagawa nila ang sagradong bagay na yun! Sagrado daw oh? Basta hindi exploitative ang dating ng eksenang yun na pinagkaguluhan sa Singapore. Kaso may part pala na shaky ang camera ni Solito at nahilo ako doon talaga. Hindi ko rin nagustuhan yung part na nagmamadali si Boy sa pagsuot ng brief niya tapos nagtatakip pa ng kumot. Hello? Siya lang kaya mag-isa sa room? Kailangan pa ba nang full cover ng blanket sa pagbibihis?
Nakakatuwa ang mga tula ni Boy. Basta natatawa ako. Yung sweetness ni Boy at ni Aries eh nakakakilig din kahit papaano kahit panandalian lang. Magaan ang feeling kumbaga pag nakikita mong may nangyayaring ganun sa totoong buhay. Actually, totoo talaga ang ganun. Hindi imposible ang nangyayari dito sa Boy. Kapansin pansin rin ang pinag-aralang production design ng movie. Halata lalo na doon sa room ni Boy. Kung ganun lang room ko naku siguro sobrang relaxed ko everyday. I love the aquariums at saka yung color ng room. Bakit nga ba walang lock ang room ni Boy? Doon lang ako nagtataka kasi walang privacy. Ayun may nakakita tuloy sa kanila after mag-sex sila. Hands down pala sa music ni Isha na may pagka-Gustavo. Kung pamilyar ka sa music ng Brokeback Mountain, nakuha ni Isha ang iyak ng gitara. Masarap sa tenga.Napa-ibig ako. Ang ganda pa ng themesong ni Boy. Nakakaiyak ang lyrics bagay sa love story nina Boy at Aries.
Hindi ko kilala ang mga bidang artista rito. Yung gumanap na Boy na hanggang ngayon di ko pa rin ma-pronounce ang name niya eh OK lang naman siya. Since cute naman siya at may hawig konti kay Yayo Aguila at Matt aka Pedro Penduko, eh baka pwede siyang mag-showbiz. Ang sabi real poet daw talaga siya . Cool! Walang heavy drama scenes na nangyari dito na pwedeng ikapanalo niya ng award. Actually parang nag-memorized lang siya ng script. Tolerable lang naman ang acting niya kaso wala lang impact. Yung si Aries na tunay na macho dancer pala sa totoong buhay, eh magaling talaga sa kama! Ha ha ha! Actually, ang acting niya natural din. Yun nga lang wala ring kinang. Maganda ang chemistry nilang dalawa. Sweet nga sila eh. Basta two thumbs up doon sa aquarium scene. Siguro si Boy nahirapan na gawin yun at tingin ko naman kay Aries eh expert na sa mga ganun. Ha ha ha! Actually, familiar sa akin si Aries. Di ko lang matandaan saang palengke siya naging kargador. Joke! Peace Alex! Hands down sa giling mo at may ibubuga ka rin pala tulad ni Coco Martin. Kaya mo rin pala ang kaya ni Coco!
Kung nag-enjoy ka sa pelikula ni Solito na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, eh malamang magugustuhan mo rin ang Boy. Kakaiba si Boy kay Maximo. Medyo aggressive si Boy at walang takot na tuklasin kung anong dapat tuklasin sa buhay. Aprubado ang Boy sa mga gays na nagtatago pa rin sa aquarium este sa closet pala. Pelikula nila ito. Kumusta naman sa loob ng Galleria? As expected dinumog ng mga Adan na uhaw sa kapwa Adan. Di ko na lang i-kkwento ang iba pang detalye sa loob ng sinehan. Sa ngayon, makinig ka muna sa mga tula ni Boy at maki-aliw sa gumigiling katawan ni Aries sa dilim.
Sunday, October 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment