Thursday, October 29, 2009
NAKAKAIYAK, NAKAKAPANIKIP AT NAKAKAPANLILISIK
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Kapapalabas pa lang ng Hollywood remake ng Sigaw ni Direk Yam Laranas na The Echo two weeks ago eh ito naman ang new project niya na Patient X. Wow, may Laranas Film Fest this October! Siyempre bilang huge fan ni Yam kailangan first day pa lang todo support na ako! Naniniwala na tuloy ako na kailangan pa ng isang bagyo this week para ma-i-save na naman ni Richard si Cristine kung saan man siya stranded at this time kailangan helicopter na gamit niya. Ang Ondoy saving controversy at ang developan gimmick ay kulang pa para ma-i-save ang pelikulang ito! Gusto kong umiyak dahil sayang! Naninikip dibdib ko dahil sa big disappointment. Mas natakot pa ako sa mga mata ni Richard na nanlilisik from start to end. This is not the horror movie of the year sa kasamaang palad.
BUOD NG PELIKULA: Binalitaan si Dr. Lucas Esguerra ng kanyang kababata na umuwi kaagad sa kanilang probinsiya sapagkat nahuli na ng mga pulis ang pumatay sa kapatid niyang lalake dalawampung taon na ang nakalipas. Ngunit nasa ospital ang salarin at agad pinaalis lahat ng mga pasyente dahil delikado na ang ospital sa mga tao. Laking gulat ni Lucas na aswang pala ang pumatay sa brother niya. So tinawagan niya agad sina Zorro, Aguiluz at Captain Barbell para labanan ang mga aswang. Di raw available yung sugo at yung asero busy pa sa paggawa ng bahay para sa Full House.
Gusto mo bang magsisigaw this halloween? Gusto mo ba ng non-stop na tilian sa sinehan? Gusto mo ba ng mga makakapanindig balahibong kakatakutan? Hmmm... sad to say lahat ng mga iyan hindi mo mararanasan sa Patient X. Walang nakakapanabik na kuwento ang pelikulang ito. Walang twist. Walang thrill at suspense.. Walang gulat factor. Walang puso. Walang dating sa akin. Hu hu hu Direk Yam bakit ganito ang Patient X? Napakataas ng expectations ko sa movie na ito! Gusto ko talagang magsisigaw sa loob ng sinehan! Bakit hind man lang ako natinag? Yung character ni Richard na si Lucas bakit tanga siya? Akala ko pa naman doctor siya? Bakit ambait niya sa aswang kahit ito pa ang pumatay sa kapatid niya? Walang kasagutan sa mga tanong kung ano ba si Guada sa buhay ni Lucas talaga at parang gusto pang i-syota nito ang aswang?Bakit ganun ang mga aswang hind sila aggressive pumatay? Bakit nagtatago pa sila sa isang madilim na sulok kung hindi naman pala sila namamatay sa bala ng baril? Dapat sunggab kaagad! Dapat may habulan man lang! Wala lang naghihintay lang ang mga characters na papasukin sila ng mga aswang sa loob ng ospital at papatayin sila. Simula pa lang kasi nakakatawa na ang plot. Alam na nga nila na aswang ang nahuli nila eh bakit pa sa basement pa ng hospital ikinulong at inilikas pa ang mga pasyente na walang alam bakit nga ba sila agad-agad inilikas? Wala bang kulungan o kaya sa simbahan man lang itinali ang aswang?Naniniwala pala sila sa aswang so dapat naniniwala din sila sa Diyos! Mas importante pa pala ang aswang sa ospital kaysa sa mga pasyente? Bakit may mga sweet moments pala sila Lucas at ang aswang na si Guada? Romantic horror ba ito? Nagka-developan ba talaga sila last Ondoy? Gosh... the story sucks!
Halos lahat ng pawis ni Yam nilabas niya rito. Siya ang director, isa sa mga producers at writers, and of course kung saan siya nakilala: director of photography. Well, bilib pa rin ako sa mga kuha ni Yam kaso ewan ba bakit hind effective ang mga suspense scenes na ginawa niya rito. Maganda ang mga ilang eksena sa ulan. Ok naman ang execution sa mga gory scenes pero kulang lang sa dating na yung mapapasigaw ka ng Oh my God!!! Hindi mo na rin kailangang magtakip ng mga mata at magtitili ng “Di ko kayang panoorin yan!!!!” The aswangs are not that scary at all. R-13 pala ito so hindi pwede sa mga bata. Naku kahit nga siguro bata hindi matatakot dito. I'm sorry Yam hindi talaga ako natakot. Dalawa sa mga factors kung bakit effective ang horror film eh dahil sa sound at musical scoring pero parang walang naitulong ang mga ito sa suspense.
Sabi sa interview ni Christine Reyes: nilabas daw talaga ni Richard ang lahat lahat para sa challenging role na ito. Tama siya challenging nga ito for him! Nilabas ni Chard ang lahat! Nilabas niya lahat ng mga eyeballs niya!So kailangang palaging nanlilisik mga mata niya just to look scared! Chard ang pogi mo talaga pang-rom-com ka nga lang at fantaserye hearthrob. Nakakatawa acting mo Chard. Kumusta naman si Christine? Kuminang naman siya nang konti. Hindi naman OA ang actng. TJ Trinidad is just OK. Miriam Quiambao is promising for me.Pero natuwa ako at nakita ko si Mangatyanan Best Actress na si Che Ramos. Kahit small role lang ang sa kanya eh litaw naman ang acting niya. Doon sa last scene niya pwede naman sana maging suspenseful yun hindi man lang nilagayan ng spice kahit konti para magsisigaw ako.
Nakakaiyak ang Patient X hindi dahil madrama ito kundi dahil na-disappoint ako big time.Nakakapanikip ng dibdib dahil nasayangan ako sa project. Sana nag-produce na lang si Richard ng isang rom-com kasi doon siya magaling. Hindi ako nanood nito para matawa kundi matakot dapat. Baligtad eh. Kung ang aswang eh kinandado sa basement dahil delikado sa buhay ng mga tao. Well, pwede rin ba itong movie na ito ikandado rin nila kasi delikado mapanood ng mga tao baka ma-disappoint din sila. Sir Yam alam ko may project ka pang darating. Bawi ka na lang next time. Sana hindi mabasa ito ni Bisaya kasi lagot ako. Nelaet ko se Rechard eh.
Gusto mo ba talaga makapanood ng Best Aswang movie? Try mo Yanggaw. May nakapagsabi sa akin na out na raw DVD nito so you better check it out. Sa Yanggaw hindi ka lang makakaramdam ng takot kundi iiyak ka pa sa ganda ng kuwento.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment