Monday, November 19, 2007
POETIC ROMANCE
Love moves in mysterious ways ika nga.
Di mo talaga alam ang gagawin mo pag nandiyan na ang pana ni Kupido at bulls eyes pa sa puso mo!
Matalino ka nga pero nabobo ka naman pag puso na ang nagdidikta sa utak mo.
Nalilito kasi si Jane dito.Ano ba talaga?
Haayyy… love is a battlefield.
Eto kasi ang naging takbo ng buhay ng famous English author na si Jane Austen.
Honestly, di ko pa nababasa ang mga novels niya. Pero last year napanood ko ang
Pride & Prejudice sa pinilakang tabing. Lalim ng Tagalog ko this time ha ha ha!
Wala lang kasi hanep itong movie na “Becoming Jane”! Napakalalim ng script.
Grabe ang mga English words na ginamit sa screenplay. As in hawak hawak ko palagi si Mr. Webster just in case may word na maibigkas si Anne Hathaway na ngayon ko lang yata narinig??? Ang galing ni Anne kaso di siya pinaganda rito. Ginawa siyang losyang minsan. Simple lang ang ganda niya. Pero nakakabilib ang English accent niya di nga lang masyado deep tulad kay Keira Knightley. Baka di siya mapansin sa Oscars.
Kinikilig ako sa mga eksena niya with James McAvoy as Thomas Lefroy. Hawig siya ni Ryan Agoncillo pala.
Siya si Mr.Tumnus sa The Lion, The Witch & The Wardrobe. Remember him na?
Magaling siya dito! Promising actor ito! Pandrama ang attack niya. Di siya hot masyado na steamy sa kama ba? Pero nagpakita siya ng behind niya when they took a bath in the river kasama ang brother ni Jane. Hmmm…naked in the river with Jane’s brother. Mabilis yun kaya walang arrive. Di ka papawisan.
Ang ganda ng chemistry niya with Anne. Wow! As in they were talking in poetic humor kaya nagustuhan ko mga lines nila. Di ko nga lang memorized mga makalaglag t-back na mga lines niya. Pero ang ganda ng mga banat niya na pwede mo talagang sabihin sa papa o mama mo. I mean lovers ha? hindi parents.
Sa technical naman, hindi papahuli ang cinematography. Hanep sa ganda ng mga scenes. Parang Pride & Prejudice pa rin ang style. Nakaka-inlove tingnan ang photography ng film. Sinamahan pa ng music na talagang bagay sa bawat eksena. Higit sa lahat pinag-aralan din nila ang mga costume designs.
Walang visual effects dito. Magsasawa ka lang talaga sa word effects. He he he.
Gusto ko lang purihin ang acting ng mga supporting actresses. Ang galing ni Mrs. Weasley at Prof. McGonagall. Ooops.. naligaw yata mga Harry Potter characters? Yeah, nandito si Julie Walters & Dame Maggie Smith.
Di pa palabas ito sa atin pero matagal na ito sa UK last March pa.
Ewan ko lang may local distributor ito dito for theater release pero out na kasi ang DVD nito sa UK eh. Bootleg pa lang pala dito. I’m not promoting piracy ha? I have a friend who sells in Quiapo kasi. Wala lang pinapahiram niya ako para ma-review ko raw mga movies.
I’m sorry Papa Edu. Kasi naman kasi di pa palabas sa atin. Late na ako.
Mas maganda sa DVD kasi may subtitle. Mas maiintindihan mo na ang script na super lalim together with their deep British accents.
Warning: this is not a movie for everyone. Di siya popcorn movie ha baka ma-boring ka lang. Sa mga mahilig sa art films. Eto para sa inyo! “Becoming Jane” is one of the most beautiful films of 2007.
WATCH THE TRAILER
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment