Sunday, December 9, 2007

BATANES: HEAVENLY PARADISE

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang pag-ibig ba ay walang hangganan?
Sa pelikulang Batanes ko nahanap ang kasagutan sa tanong na yan.

Hindi ako maka-F4 kaya ko pinanood ito.
Hindi rin ako 100% Kapuso at pinilahan ko ito.
Ako ay isang Filipino na sumuporta sa isang pelikula na ang layunin ay ipakita sa mundo ang kagandahan ng isang lalawigan ng Pilipinas na nananatiling paraiso noon pa man at sana sa walang hanggan.

Alam ko hindi ito ginawa ng GMA & Ignite Films para tumabo ng malaki sa box office of course gusto nila mangyari ito. Pero habang pinapanood ko ang mga eksena ng pelikula , nakaka-in-love pala ang isla ng Batanes. Effective para sa akin ang love chemistry ni Iza sa una niyang leading man dito at lalo na kay Ken Chu.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Introducing dito ang isang actor na di ko nga masyado kilala. Siya si Joem Bascon.
Unang labas niya dito nagulat ako kasi akala ko si Piolo Pascual. Sabi ko hindi pwede dahil Star Cinema si Papa Piolo. Tapos sa mga susunod na scenes niya sa Batanes hanep talaga kasi parang pinagsamang Piolo & Sam Milby na naman ang dating niya. Pero ito ang nakakabilib kasi mahusay siyang actor. Nakikita ko sa kanya ang acting ni Yul Servo. Honestly pag naka-smile si Joem eh hawig niya rin si Yul.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Let’s talk about Iza. Di lang pang-international ang ganda ni Ms. Calzado kundi isa na siyang ganap na actress. Ang galing ni Iza sa lahat ng mga eksena niya rito. Lalo tuloy ako na-excite na mapanood siya sa isa pa niyang international film na “The Echo”. Medyo daring na rin ng konti si Iza.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Then there’s the Taiwanese heartthrob Ken Chu. Siguro kung isang die-hard F4 fan ka eh di ka mapakali kasi medyo sa middle pa ng film ang pasok niya. Siya ang aabangan mo I’m sure. Don’t worry di kayo bibiguin ni Ken. He’s a good actor pero di nga lang pang-Oscar. OK naman siya. Taiwanese language niya dito of course. Yup may subtitle naman.
FYI. Abg buong film ay may English subtitle. Pero kung nag-eexpect kayo ng magpakita siya ng abs at pecs niya? Sorry na lang kasi parang tumaba yata siya. Halata ang flabs niya kasi. Pero yung mga love scenes nila ni Iza the best ang mga kuha. Nakakakilig din.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

The supporting cast? Lahat sila magaling esp. Daria Ramirez, Bembol Rocco, Sid Lucero & Glaiza de Castro. Akala ko talaga may cameo si Angel Locsin dito. Magkahawig pala sila konti ni Glaiza. I adore Glaiza here. May supporting actors din dito na parang nadaanan lang ng camera tulad ni Julio Diaz, StarStruck Sole Survivor Mike Tan and Coco Martin aka The Masahista.


The story? I LOVE IT. Simple lang. Wala namang twists pero makatotohanan naman Hindi corny. Maganda ang mga linya pag pinag-uusapan nila ang dagat. Serious drama ito pero di naman nakakaiyak masyado Heartwarming lang. Basta ang isla ng Batanes ang tulay ng pag-big na walang hangganan.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Siyempre ang cinematography talaga ang nagpaganda sa film na ito. Kudos to Ramoncito Redoble as Director of Photography.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang gandang pagmasdan ng mga luntiang bangin ng Batanes, ang mga galit na hampas ng dagat sa dalampasigan at ang ginintuang pisngi ng dagat tuwing dapit hapon. Ang dagat ng Batanes ay parang isang Diyosa na maaring mong kausapin at ito’y tutugon rin.








Magaling ang mga director nito na sina Adolfo Alix Jr at Dave Hukom. Si Mr.Alix pala gumawa rin ng indie film na Donsol. I heard ito ang official entry ng Pilipinas sa Oscar’s Foreign Language category. Samantala ang musika naman ni Jesse Lucas ay talagang bagay na bagay sa mga eksena.

Natapos ang pelikula na may kirot sa puso ko. It’s a sad but promising ending.

Pero ang nagpaligaya sa akin ay ang ending credits kasi narinig ko ang themesong na kinanta ni Ms. Jolina Magdangal. Ang ganda ng themesong na “Hanggang sa Dulo” na sinulat pa ni Noel Cabangon na siyang lumikha ng isa sa mga classic OPMs na gustong gusto ko ang “Kanlungan”. Masarap pakinggan ang melody ng kanta ni Jolina parang “new age” tapos ang lyrics ay sinulat talaga para sa Batanes.

Ngayong malapit na ang MMFF, bale perfect appetizer talaga ang Batanes para sa festival. Natutuwa ako kasi gumawa uli ang GMA Films ng isang quality film na maihahambing mo sa Jose Rizal ,Muro Ami & Moments of Love.


My next vacation destination: BATANES papunta na ako diyan!

WATCH JOLINA'S MUSIC VIDEO

WATCH THE TRAILER

2 comments:

Webster Twelb said...

I have to disagree with you sa review mong ito.

Hindi nga clear kung pano nabuo ung love story..hindi ko nakita ung flair between ken chu and iza calzado..

i did like the first part..with joem bascon..grabe sobrang gwapo nya..

Anonymous said...

The hero in this movie looks like Kunal Khemu and Takenouchi Yutaka - that's 3 people who look alike!!!