Sunday, December 30, 2007
LAUGH TRIP WHEN YOU SHAKE, RATTLE & ROLL
SHAKE – CHRISTMAS TREE
Well, masyadong pambata ang episode na ito. Ang matatakot lang naman eh mga 10 years old and below. When I was watching this episode may mga teens na nagsisigaw pero halatang mga KSP ang mga tili.So tumili na rin ako para asarin sila. Joke! Ha ha ha! In fairness, deserving talaga si Nash Aguas para sa Best Child Performer na award niya. Last year nanalo rin siya nito. Baguhan ang director nito na si Paul Daza nakikipagsabayan na rin siya. Siguro kung binigyan siya ng good script malamang mapapaganda niya ang episode na ito. Kasama rin dito sina Gina Alajar na at Boots Anson Roa na parehong pang-support lang, Lovi Poe na wala lang, John Lapuz & John Prats na nagpa-cute lang. Dahil nandito si Sweet expect nyo na na comedy horror ito. Too bad hindi ako masyado na shake sa episode na ito. Natawa nga ako eh.
RATTLE – BANGUNGOT
Itong episode na ito ang inabangan ko kasi si Mike Tuviera ang director. Isa siya sa mga fav young directors ko right now. Well, kakaiba ang script kasi parang bago. Di nakakatakot ang episode na ito na magsisigaw ka. Parang aftershock lang mararamdaman mo pagkatapos. Yun bang mapapaisip ka o ma-wo-worry what if sa iyo nga mangyari ang bangungot. Disturbing masyado ang ending na di mo makakalimutan ng ilang araw.
Effective ang acting ni Dennis Trillo, Pauleen Luna & Roxanne Guinoo dito. As usual creepy pa rin ang style ni Mike Tuviera. Gusto ko ang twist ng story kasi hindi predictable.Di naman ako na-rattle masyado pero OK ang episode na ito.
ROLL – ENGKANTO
Nakakasawa na ang ganitong story. Ilang pelikula na ba ang may ganitong tema? Di ko na mabilang. Ito ang panghuling episode kasi for sure ito ang panghakot ng audience para di muna mag-walk out in case na bored na sa 2 episodes na nauna. Teens ang target ng Engkanto at dito talaga sila makakakuha. Ang di ko lang maintindihan kasi nagtititili ang mga girls at “some teen gays” kahit di naman nakakatakot ang ilang eksena. Yun pala kinikilig lang sila kina Matt Evans, Mart Escudero, Melissa Ricks, Jewel Mische & Felix Roco. Alangan namang kiligin sila kay Jojo Alejar? Di naman ito kapanahunan ng That’s Entertainment. Ha ha ha! Ang galing ni Mother Lily kasi nagpagsama niya mga hottest teen stars na galing sa 2 big networks. Si Topel Lee ang director nito. Fresh from Ouija’s success di naman siya pumalya. OK maganda ang mga kuha niya. Creepy ang production design sa resort kaso di naman nakakatakot si Katrina Halili bilang engkanto Parang may gusto kang gawin sa kanya na iba pa. Ha ha ha! Kahit maganda kuha ni Direk di pa rin nakakatakot masyado sa mga adults. Wala lang. nakakatawa lang panoorin. Gusto ko lang tingnan mga Gothic costumes at make-up nila. Wala namang marunong umarte sa mga teenstars na ito. Sorry sa mga fans nila pero wala talagang emotions ang mga ito sa harap ng camera. Pero kung fan ka naman I’m sure makita mo lang sila sa big screen eh solved ka na. Yeah, na-roll ako sa kakatawa.
RATING : 2/5 *
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment