Wednesday, December 26, 2007

RECYCLED HOPE

Photobucket

When I saw the trailer napa-wow ako kasi lumalaban na ang Pilipinas sa mga visual effects. Try ko kaya ito baka pwedeng ma-compare sa Transformers.

Photobucket

First 10 minutes. Bored na ako. Walk out na kaya ako?
Huwag sayang ang P130 na binayad ko.
Konting tiis pa baka maging interesting ang story.

Lumipas na ang 30 minutes. Wala pa rin. Bored pa rin ako.
Lalo pang naging magulo. Papasok ang isang eksena pero mapapatanong ka!
BAKIT? PAANO?
May mga punchlines pa mga Revilla sons! huh!? Siguro para mabigyan lang ng dialogues.Haayy… sampalin ko kaya sumulat nito ang corny kasi. Super cheesy mga hirit nila. Gusto kong batuhin ng popcorn ang screen.

May bakbakan na! Teka eh nakita ko na lahat sa trailer ito di ba?

Photobucket
Photobucket

Andaming mali nila. Pero ito mga napansin ko na natawa ako.
Maraming mga tinamaan na barrels with their so-so recycled guns. Pero di man lang gumalaw ang mga ito o nayupi. Basta doon lang nakatayo pa rin.
Tapos may isang scene ang little boy na ginamit niya ang isang bomb. Tinapon niya ito sa mga oxygen tanks so expect ko talaga huge explosion. Pero what the hell????
Shocked ako kasi ang isang fountain explosion lang. Yun bang fountain na sinisindihan tuwing New Year. Ganun lang. Gosh!!!
Then the funniest part ever eh yung fight ng mga robots ni Dingdong at Bobby Andrews.
Sabi ni Bobby: “Angelo wag natin idaan ang ating away gamit mga robots natin. Mano mano tayo suntukan na lang!” Ha ha ha!!!!! Gumawa pa kayo ng mga robots tapos suntukan na lang. Haaaayyy.. tipid pa sila ng mga stuntmen. Naubos na pala budget sa mga visual effects.

In fairness, pasado na visual effects pero di pa gaano ka-perfect. Siguro 5 festivals pa ang sasalihan ng Imus Productions mapapaganda na nila ito.
Sound effects??? Very poor.
Story? Terrible.
Direction? Ok naman mga kuha ni Mark Reyes kaso di niya lang napansin mga goofs.
Acting? Wala naglalaro lang sila.
Jennylyn? Cleavage lang pinagmamalaki.
Dingdong? Cute siya pero pa-tweetums lang ang role.

Photobucket

Akala ko recycled TRANSFORMERS ito pero STAR WARS wannabe pala.
Kudos sa mga producer sa pagggawa ng ambitious film na ito.
Bilib ako sa visual effects pero dahil di maganda ang story nakalimutan ko ang effort nila. Sayang lang.

WATCH THE TRAILER

RATING : 2.5 / 5 *

No comments: