Wednesday, December 26, 2007

MORE FERTILIZER PLEASE!!!

BAHAY KUBO



Bahay Kubo kahit munti ang mga artista dito’y pagkadami-dami
Ano ba talaga? Kwento nito’y sari sari.
Drama, musical o comedy?
Haaay… pito-pito ba ito Mother Lily?

Ito ang una kong pinanood kasi promising ang trailer.
Well, first half natawa naman ako.
Magaling ang tandem nina Maria at Eugene.
Ang classic na Maricel Soriano aka Maria sa first half kwela talaga.
Pero chick flick ito malamang ma-cocornihan o maiirita ang mga brusko.

Photobucket

Andaming artista pero ilan lang ang nabigyan ng kinang.
Para sa akin of course magaling si Maricel pero di gaanong challenging ang role niya.
Si Eugene naman same role & acting pa rin kung ano siya sa mga movies ni Ai-Ai. She’s really funny. Pero ang role ni Shaina ang nag-shine dito.
Hanep lumuha ang dalagang ito parang gripo ng luha ang mga mata at nakakabibilib ang acting niya. Si Marian Rivera OK naman kaso di lang gaano ka-tough mga eksena niya. Nilagay siya dito para magpa-kilig lalo na sa mga scenes with Mark Herras. Si Yasmien naman cute ang role niya. Love ko siya lalo na yung fight scene niya with Maricel. Shocking yun kasi.
Nandito pala si Julius Babao. Ok siya ha! Huh? Hindi si Julius yun? Si Rayver pala yun?
He he he!

Photobucket

Ano bang di ko nagustuhan?
Ang editing at takbo ng story. Basta minadali na lang. Balance nga ang comedy at drama kasi first half puro tawanan then next half sunod sunod na iyakan na pinilit lang talaga ang mga crying scenes. Siya iyak kayo hanggang magsawa kayo. Ano ba?
Super predictable ang ending nito na mega corny pa.

Ang di ko lang maintindihan eh bakit ba andaming product placements.
Nakakairita kaya SA DAMI NG SPONSORS. OA NA! Kahit walang manood nito eh malamang bawi na sila sa budget nila.



Di kasi maganda ang direction ni Joel Lamangan. Nagmamadali siya. Basta makakuha lang siya ng eksena. Ganun lang puwede na. Ewan ko ba?

Panget pa ang musical score. Walang kadating-dating sa mga eksena.

Ang post-ending ang nagpa-asar sa akin. Napasigaw talaga ako ng WTF!!!!!!
Huh??? Bahay Kubo musical???

Well, di ko alam kung recommended ko ito.
Well, for fun lang panoorin nyo.
Pero wag nyo na lang pansinin mga technical details.


WATCH THE TRAILER

RATING : 2.5 / 5 *

No comments: