Saturday, December 27, 2008

CATER TO YOU

free glitter text and family website at FamilyLobby.com i.php

Last year inisnab ko talaga ang Katas ng Saudi ni Jose Javier Reyes kahit Rated A pa ito at humakot pa ng awards. Blame Jinggoy. I don’t like him at all. I just don’t wanna see him on the big screen. Pero I heard strong-word-of-mouth about Magkaibigan. I saw the trailer at medyo promising siya. OK I’ll try this one na nga! The experience? Well, it was really quiet inside and the movie has something. It’s simple but deep.

Matagal nang magkaibigan sina Atoy at Ruben. Bata pa sila mag-bestfriends na sila. Nagkaroon na sila mga asawa, mag-bestfriends pa rin sila. Pati mga anak nila naging mga inaanak na rin. Pati mga misis nila super close na rin. Pero nang malaman ni Atoy na siya ay may cancer, dito masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.

me.php

Ang pelikulang ito ni JJR ay napakasimple lang. Walang kagimik-gimik, walang visual effects at walang bonggang production designs. Dito sa Magkaibigan, pinapakita lang ang katotohanan ng mga emosyon. Ano ba ang mararamdaman pag alam mong may taning na ang iyong minamahal? Saan ka ba lulugar kung ang best friend mo ay nagpapaalam na? Handa ka bang iwanan ang iyong mga mahal sa buhay? Bilib ako sa script ni Reyes na halaw sa buhay ni Rudy Fernandez. Hindi mo talaga maiiwasan na habang pinapanood mo ito eh si Rudy ang nasa isip mo.

m1.php

Dahil nga walang special effects o magarang production designs. Medyo natawa lang ako sa mga set nila. ¾ ng movie eh nagutom ako. Yeah. From start hanggang sa pinaka-climax lahat ng eksena eh kumakain sila? It’s either breakfast, lunch, snack, dinner, family gathering, walang ginawa ang mga artista kundi kumain nang kumain siyempre habang umaakting. Ang swerte naman ng caterer at kumita sila. He he he.

ime.php

First time ko yatang humanga sa mga kuha ni JJR. Dati kasi mga pelikula niya puro ads pero dito medyo nabawasan na. I love the scene of Reuben and Atoy’s son sa hospital. It’s silhouette na super stunning. Kinilibutan ako doon. Nakakaantig shot pa lang. Yung music nila pabalik-balik nga lang. Same piano piece all over again.

ge.php

Kung acting pag-uusapan si Boyet na bet ko for Best Actor. Nakakadala siya! Hands down. Kumusta naman si Jinggoy? Well, natiis ko siyang panoorin. OK naman siya. Nakakatawa naman kaso walang facial expressions na matino. For Best Supporting Actress sana manalo si Maricel Laxa. Natural sa kanya ito. OK na sana si Dawn Zulueta eh. Nakulangan ako. Marami siyang dramatic scenes sana man lang may nakita akong tears. Wala eh.

Recommended ko ang Magkaibigan. Sa lahat ng movies ng MMFF, ito ang highly applauded ko. Wag nyo isipin na si Jinggoy pinanood nyo if ever di mo siya like. Isipin mo na lang si Tom Hanks siya. Ganun ginawa ko at ayun success na natapos ko ang film.

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: