Friday, December 26, 2008

DESPERATELY ANNOYING

DESPERADAS 2

wall2_1025

Last year, Desperadas ang naging fav ko. As in I fell in love sa movie dahil halos tawa ako ng tawa. Pero bakit ganun? Yeah, natawa naman ako this time pero smile lang. What went wrong? Pera lang ba habol nila? I was annoyed most of the time and i think desperate na silang humakot ng datung uli.

The 4 half-sisters are back. Si Patricia ay may bagong dyowa na sa piling ng isang galanteng buwaya este congressman. Si Isabella ay di pa rin makapag-commit kay Vito at may pinagkakaabalahang negosyo na. Si Stephanie ay napa-praning sa kaseselos sa kanyang asawa. Si Courtney ay mas pinili ang work career kaysa sa mother career. Ngunit lahat ay magbabago sa pagdating na kanilang half-sister na si Luga Luda.

desperadas-cast-002

Gaya ng sinabi ko ay disappointed ako. Ang gulo ng storya. Di ko alam kung saan ba patungo. Di ko man lang namalayan na tapos na pala? As in ganun lang? Ang unang Desperadas ay mala-Desperate Housewives. Itong pangalawa ay mala-Sex and the City naman. Pero wala sa kalingkingan dahil nakakalito ang takbo. Basta pasok lang pasok sa maisipan na joke at walang kwentang punchlines. Bakit biglang nakaka-asar ang ibang characters na rin? Bakit andaming commercial ads na sinisingit?

image.php

Minadali mo ba ito direk Joel? Bakit ganun ang color grading? Paiba-iba bawat segundo! Sumakit na naman ulo ko tuloy. Glossy sana fashion statement ng mga characters kaso hindi naman glossy ang movie mo. Basta kung makakuha siya ng eksena pwede na yan!!! Like huh? Isa lang naman movie mo this year sana nag-style ka man lang direk.

image2.php

I think sa cast lang sila bumawi lalo na kay Marian. OK siya rito pero hindi naman award-winning. Si Rufa Mae ganun pa rin ang acting pero nakaka-distract na masyado ang cleavage. Si Iza wow naman nagpapatawa na pala siya. Ok lang. Si Ruffa Gutierrez lang talaga ang ewan. Hmmm.. bakit nga ba sinali si Ogie dito? Dahil sa Angelina-craze? Duh... Ogie is a good comedian kaso napaka-vexatious ng character niya na Luga-Luda. Si Will Devaughn,well, parang nagbebenta lang ng katawan dito. Si Wendell, he's OK kaso kulang pa. Pwede ba wag nyo isali si Jay-R? Pakantahin nyo na lang sa SOP.

untitled2

Sometimes racist rin ang film. Wala na ang breast cancer awareness dito. I think fashion awareness yata pino-promote nila dito. Di naman siya boring kasi may nakakatawang eksena kaso iilan lang. All in all it's just bad. Hindi ko na siya recommended. Hintayin nyo na lang DVD.

RATING : 2 /5 *

No comments: