Friday, December 26, 2008

MOTHER LILY'S CHRISTMAS GIFT

SHAKE RATTLE & ROLL X


wall2_1024 Bakit kaya ano tuwing Pasko nananakot si Mother Lily sa mga bata? Bakit pinagsasanib niya mga kapuso at mga kapamilya para makipagsigawan sa mga aswang, mga bangkay, mga multo at kung an-ano pang ka-ek-ekan na pwedeng tilian. Isa lang sagot diyan! Siyempre alam nyo na yan! Pansampung shake ko na ito, na rattle ba uli ako? Well I think I rolled with laughter yata?

As usual 3 episodes. Una ang Emergency ( hindi TV show ni Arnold Clavio), tungkol ito sa pag-atake ng mga aswang sa isang hospital.Pangalawa, ang Class Picture, tungkol sa pangmumulto ng isang di matahimik sa madre sa mga estudyante na nag-overnight sa kanilang university. Huli ang Nieves, isang comedy horror tungol sa isang engkanto slayer ng bayan.
srr_img2

image2.php

Isa-isahin natin, sa Emergency hindi ako natakot at wala rin akong narinig na sigaw ng bata sa loob ng sineha. Natakot lang ako kay Wendell kasi hindi na maganda ang body niya. Hindi na ba siya nag-wo-work -out? Siguro sawa na mga tao sa aswang kaya hindi na natakot sa emergency. Ito pang si Roxanne na kahoy umarte. Meron rin bang mga aswang na uhaw sa laman na hindi nang-a-atack sa mga hopeless victims??? Ha ha ha! Fav director ko rin si Mike Tuviera (TXT) kaso hindi siya mastadong impressive dito.

wall4_1024

Next, Class Picture. Eto talaga medyo nagulat ako at napasigaw. Pero once lang naman. Eh paano ka hindi magugulat eh walang ginawa ang mga young stars dito kundi magtitili. Sige tili!!!! Cute pala ni Kim Chiu ano? Si Gerald cute lang. Andaming artista di ko kilala ang iba. Pero kulang sa acting eh. Tanging si Jean Garcia lang ang mapupuri dito. Magaling si Topel Lee talaga sa paggawa ng horror film.

wall3_1280

Last, ay Nieves. Ha ha ha!!! Comedy trip ito. Sa totoo lang mas natawa pa ako dito kaysa sa Ang Tangin Ina Nyong Lahat. Doon pa lang sa love team ni Marian na hindi ko sasabihin ay halos nagpalakpakan ang mga tao sa sinehan! The best talaga. May twist pa silang nalalaman huh? Si Marian ang nagdala ng pelikula. Natural na natural ang performamce? Natural daw oh!!!! pero maganda ang cinematography at talagang enjoy ang mga hirit ni Nieves!!!! Parang naglalaro lang si Marian pero lovable siya as Nieves. I will watch this again kasi sa SM pag nakalimang pelikula ka na may free movie passes ka.

Recommended ko itong SSRX!!! Pero pwede mong tulugan ang Emergency kasi napaka-boring talaga. Class Picture mapapadilat ka! Pero paglabas ni Nieves riot na!!!! Ano naman kaya gimik nila next year??? Sana may Nieves na whole movie na!!!!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: