ONE TRUE LOVE
Actually, last November 19 ko pa dapat pinanood itong One True Love ng GMA Filmskasi eto daw ang pinakaabangang love movie ng taon. Siyempre, bida ang FHM's Sexiest Womanof the Year na si Marian Rivera, E's 3rd Sexiest Man in the World na si Dingdong Dantes, at siyempreang isa sa mga hinahangaan kong actress ngayon, ang award-winning na si Iza Calzado. Marami ang nagsasabing"One True Flop" daw ito. Pero kung titingnan mo eh umabot na ito ng 5 weeks.Hindi naman siguro siya flop ano??? Pero hindi ko pa rin napapanood kahit nagtagal na. Movie buff ako pero di ko pa rin nasisilayan ang tambalang Sergio/Marimar at Dyesebel/Fredo sapinilakang tabing. Good thing eh Christmas Eve last night at wala akong work. Chance ko na ito bago mag-MMFFat alam ko last night na lang ng One True Love sa big screen. I took the chance and surprisingly mag-isa akonglumuluha sa dilim.
One year dating na sina Joy and Migz. One day nag-propose si Migz kay Joy sa isang mini-forest at pinangako niya sa dalaga sa harap ng isang matibay na puno" na habang nakatayong matibay ang punong yan ay ganyan din katibay ang pagmamahal ko sa iyo". Ngunit isang araw pagkatapos ng kanilang kasal, isang aksidente ang makapagbabago sa buhay ninaMigz at Joy. Tuluyang naglaho ang alaala ni Migz kay Joy at hindi na niya ito kilala. Tanging si Bela lamang na first love, first kiss at ex-gf ni Migz na bumalik galing Canada ang nakikilala niya. Paano na si Joy na kanyang asawa na tingin niya ay isang estranghera?
Ang tanging masasabi ko sa story eh magaling. Although, may loopholes kung susuriin dahil halata talaga at mapapailing ka kung bakit nagkaganoon, mapapatawad mo ito dahil ang premise ng pelikula ay talagang kaaya-aya kahit predictable. Maaring naisapelikula na ito dati at tungkol sa rin amnesia pero One True Love lang yata ang nagpaiyak sa akin. Ang ganda ng takbo ng story dahil hindi ako na-bored. OK ang character development dahil ma-fe-feel mo ang mga bida at kahit supporting roles ay nakakadala rin.
Hindi ako fan nina Dingdong at Marian pero dito sa One True Love, mukha yata akong na-convert. Hanep pala itong si Marimar, aaww!!! Pinaluha niya ako non-stop! Doon sa breakdown na pinapakita sa trailer, doon ako nadala at tuloy na tuloy na. Ang ganda ng facial expressions ni Marian nakakadala. Si Dingdong naman, nandoon pa rin yung "parang galit" na face always pero matindi na rinbumanat ang hunk na ito. Wala pa rin akong makitang flaw sa acting ni Iza. The best pa rin!!! Kahit walang dialogue,kahit mata langeh acting na!!!! Kudos sa tatlo. Pero meron akong naging new crush si Jennica Garcia. Kahit supporting role siya as Raya, sister ni Joy, pero tatatak siya sa isip ng mga tao. Mana siya sa kanyang mommy na si Jean Garcia. I can't wait na mabigyan siya ng lead role soon. Bilib ako sa acting niya.
Eto na ang mga ayaw ko. Poor direction ni Mac Alejandre. Yeah, obvious na minadali nang konti. Obvious na obvious ang kahabag-habag na color grading. Example, one scene ang ganda ng quality tapos next frame ampanget na biglang luma. Ang sagwa rin ng lighting sa ilang eksena dahil nagmukhang dugyot ang mga artista. Hindi man lang na-edit nang maayos. Hindi ako expert sa mga technicals ng film making pero dahil movie buff ako napapansin ko na ito palagi. Meron din goofs like yung mga eksena ni Migz kung saan may bandage siya sa start ng pelikula. Then time na may amnesia na siya living with Joy, may isang scene na naka-bandage na naman. Like what happened there? Sometimes, ang musical scoring eh redundant din. Buti na lang hindi paulit-ulit na pinapatugtog ang theme song na " The Last Time I Felt Like". I like that song pero tama na yung sa end credits na lang siya maririnig. Kahit uso sa mga Pinoy Films ang garapalang commercial ads , dito meron din naman pero hindi naman swapang tulad na iba.
Hindi muna kataasan ang maibibigay ko na rating dahil sinira ng technical aspects ng movie. OK na sana ang screenplay at superb acting ng tatlo eh. I'll wait for the DVD ng GMA Records. Alam ko early ng 2009 meron na ito. Sana maayos na ang picture quality para mabigyan ko na ng 5*. Dahil kay Marian, papanoorin ko na ang Desperadas 2 at Shake Rattle Roll X na entries niya sa MMFF.I strongly recommend this film. Wala na ito sa theatres next year pero rent o buy nyo ang DVD. Magugulat kayo at di nyo mamamalayan na dumadaloy na luha niyo. Pero I'm not recommending this film sa mga haters ng mga artista. Wag na lang. Grabe kasi tension ng network ngayon. Nakakabahala na!One True Love is indeed a hit. It hit my heart.
RATING : 3.5 / 5*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment