Friday, December 26, 2008

RESURRECTED FAILED EPIC

free glitter text and family website at FamilyLobby.com baler_MRI_poster

Nang malaman ko na my entry si Direk Mark Meily sa MMFF this year ay agad akong na-excite. Then love epic drama pa raw ito. Kung natatandaan nyo unang salang pa lang ni Meily sa pad-direk ng Crying Ladies ay nanalo kaagad siya ng BEST DIRECTOR at naipadala sa Oscars ang film na ito. Sinundan niya uli ng dark comedy na La Visa Loca at ito'y pinuri rin. Ngayong taon, isang ambisyosong pelikula tungkol sa Baler ang kanyang sinubukan at hindi maipagkakaila na si Mark Meily ang isa sa pinakamagaling na director sa panahon ngayon kaso sinira lang ng script.

Taong 1898, bayan ng Baler. Si Feliza ay anak ng isang rebelde laban sa mga Kastila at siya'y umiibig sa isang sundalong naninilbihan sa mga Espanyol may dugong Filipino at Kastila na si Celso. Isang taon nilang nilihim ang kanilang pag-iibigan ngunit lahat ng ito'y masusubukan sa gitna ng digmaan.

baler10yv2

Dahil period drama ito, halos kalahati ng script ay sa Spanish at mapipilitang magbasa ang masang Pilipino na magbasa ng subtitles. Aaminin ko minsan boring talaga. Parang mabagal ang takbo. Parang gusto mo nang tapusin na. Pero hindi naman maikakaila na madadala ka sa pag-ibig nina Celso at Feliza. Kaso kulang lang.Maraming putukan pero walang kadating-dating. Halos pabalik pabalik lang ang mga eksena ng digmaan. Hindi man lang ako na-excite. Hindi man lang ako nahabag sa mga namatay na indio.

baler-32-copy

Pero kinilibutan ako sa cinematography ni Lee Meily. Wow as in ang galing. Ang gandang pagmasdan ang cinematography. Fav ko yung mga beach scenes ni Feliza at Celso lalo na sa paglubog na araw. Yung pagniniig ng mag-irog ay napaka-stylish tingnan. Pero higit akong na-inlove sa eksena kung saan binabasa ni Feliza ang liham ni Celso. Panalo talaga!

baler23iv9

Pagdating si acting hands down kay Echo! Siya ang perfect leading man dito. Sa case ni Anne Curtis, magaling siya kaso parang hindi bagay sa kanya ang role na dalagang Pilipina kasi tisay siya. Si Phillip Salvador naman eh halos nagsisigaw lang sa buong pelikula. Si Carlo Aquino ay medyo kapansi-pansin naman kaso konti lang ang dialogues. Di ko lang alam kung tama ang bigkas nina Ryan Eigenmann at Baron Geisler pag nag-e-Español sila pero tingin ko may chance sila for Best Supporting Actor.

n1483068406_30144762_7855

Ang di ko lang matanggap kasi hindi lang makatotohanan ang nangyayari sa matagal na pagkagutom ng mga sundalong Español sa loob ng simbahan. Hindi man lang sila namayat. Si Echo ay hunk pa rin kahit 11 months siyang gutom. Mga uniform lang nila ang nalagas. Yung alagang tuta ni Echo sa start ng movie ay cute na cute na puppy pero after 10 months di ba dapat aso na ito??? Kaso puppy pa rin eh. Hindi naman siya chihuahua eh.

Ang tanong naiyak ba ako? YES! Naluha ako kahit papaano pero hindi hagulhol.

Recommended ko pa rin ang Baler dahil makasaysayan ang pelikulang ito.Hindi naman ako super disappointed. Pumalakpak pa rin ako dahil kay Echo at sa cinematography. Pero ako lang talaga ang pumalakpak sa loob eh.

RATING : 3 /5 *

No comments: