Friday, December 26, 2008

SOARING HIGHER AT LEAST

free glitter text and family website at FamilyLobby.com dayoericcabahugchrisalaun2

Last June nasilayan natin si Urduja, isang bagong pag-asa sa Animation Industry ng ating bansa. Sa MMFF, meron namang Dayo. Sa totoo lang, mas maganda pa ito sa Urduja kaso konting taon na lang ang ating hihintayin at papunta na tayo sa gate ng Walt Disney Animations. Malay natin maligaw pa sa Pixar at Dreamworks. Lumilipad ang “Dayo” na may mataas na pangarap.

dayochrisalarconbubuylipn3

Isang batang ulila si Bubuy na nakatira sa lolo't lola niya. Isang araw inaalaska na naman siya ng mga bullies sa school na siyang dahilan kung bakit natangay ang kanyang lolo at lola ng mga engkanto sa ilalim ng lupa. Sa tulong ni Anna na isang manananggal at isang hip na tikbalang, sila ay papasok sa mundo ng Elementalia para sagipin ang kanyang lolo't lola,

Sa totoo lang kabado ako sa box office ng Dayo kahit nabigyan pa ito ng Rated A ng CEB. Mahilig na ang mga Pinoy sa CGI. Tradional animation naman eh luma na ito sa US. Di ba hindi kumita masyado ang Urduja, well, sana dayuin ito ng mga Pinoy. Ang masasabi ko sa animation ay big improvement! Magaling na mga Pinoy talaga! Kaya nang makipagsabayan.Ang sarap panoorin ang mga eksena sa Elementalia. Ang ganda ng mga kulay at buhay na buhay ang mga characters.

dayoericcabahugchrismarca1

Kaso nga lang, medyo kulang pa sa kuwento. Common ang story hindi nga lang familiar ang settings. Idagdag mo pa ang napakaraming commercial ads pero sige hayaan na makabawi man lang sila sa budget just in case hindi ito kikita masyado. Meron ilang elemento na ngayon lang natin nakita pero ang nakakatuwa eh ginawang modern ang mga engkanto. As in funny talaga.

dayoericcabahugchrismarei3

Sa voice casting naman, perfect si Nash Aguas as Bubuy. Si Katrina Legazpi naman ay charming pakinggan. I love her. Pero agae eksena talaga si Michael V!!! Walang kupas si Bitoy. Nandito si Pokwang, Gabe Mercado, Johnny Delgado na talaga namang magagaling rin. Pero ang pinaka-the-best sa Dayo ay ang musical score. As in panalo na ito! Original at talagang pinaghandaan. Idagdag mo pang ang madamdaming awit ni Lea Salonga na “Lipad”. Best Theme Song ito!
Makikipagpusta pa ako.

Wish ko lang talaga panoorin nyo ang Dayo. Sana naman magsawa na mga Pinoy sa mga comedy na paulit-ulit lang at mga pa-tweetums na romcoms. Dayo is an achievement na dapat ipagmalaki at higit sa lahat dapat panoorin.

Highly recommended!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: