Ano ba ang mangayayri pag pinagsama ang limang cover girls ng FHM pati na rin MAXIM! Siyempre, aasahan natin sexy movie di ba? Maraming nagsasabi na pantapat daw ito sa Desperadas. Pero hindi naman sila desperate masyado. Ito ang pampitong entry na pinanood ko. Well, enjoy naman kahit panandalian lang. Parang quickie lang.
Si Jasmine ay isang hammer girl (tunog na martilyo alam nyo na) na lilipad sana papuntang Macau kasama ang isang mayamang Intsik ngunit ang bf niyang congressman ay nangungulit na makipagkita sa kanya. Si Angela ay isang conservative na dalaga na pilit na dalhin sa langit ni Diegona isang sikat na artista. Si Pons na hunk na busy sa isang advertisng agency ay torn between two sexy girls. Si Nestor na isang make-up artist ay nababaliw na sa kanyang papa na turing lang pala sa kanya ay tatay. Si George na isang lesbiana na magpapakamatay dahil hiniwalayan ni Elvie.Sa isang gabi, lahat sila ay magtatagpo ang landas sa isang motel. Magkakagulo ba?
Habang pinapanood ko ito naalala ko ang jOLOGS ng Star Cinema. Eto lang medyo kasi adult-themed. Sabi ko nga quickie ang laughtrip. Nakakatawa naman in fairness pero not too much. Medyo nakita na kasi sa trailer ang mga nga funny moments. Bale kung anong lang yung minor details ang makikita natin uli. Siyempre, mga kaseksihan ng mga chickas din. Isama mo na si Jon Avila at Paolo Contis na matatapang. Ang mga maganda sa One Night Only ay dark comedy ito. Hindi siya ka-cheapan na mababaw. Dark comedy talaga. Alam ko talaga na hind ako hahalakhak at tama na yung naaliw ako. Nabigayan ng justice ang premise. Cool siya kasi magaling ang direction ni Jose Javier Reyes talaga. Isama mo na ang nifty editing ng movie.
Performances? Si Chokoleit ang nakakagulat. May ibubuga pala ang bading na ito. Paolo Contis and Allesandra de Rossi parehong award-winning actors. Excellent talaga!!! Memorable sila sa kama! Basta laugh trip. First time ko yatang humanga kay Joross natural lang sa kanya. Yung apat pang sexy girls na sina Jennylyn, Diana, Valerie and Katrina. Equal lang. Naguguluhan lang ako sa acting ni Katrina. Ano ba yun? Nairita ako sa mga crying scenes niya. Fine naghubad naman siya pwede na. Si Jon nagpa-cute lang naman siya. Pero OK pareho lang sila ni Katrina. Si Manilyn hmmm.. great pero ambivalent ako.
One Night Only is better than Desperadas and much cooler than Ang Tanging Ina N’yong Lahat kaso nga lang for matured audience only. R-13 naman ito so hindi naman siya disgusting sa mga teens. Kung homophobic ka? Stay away from this film. Kung manang ka lalo ka na mag-rosaryo ka na lang. I like this film kaso panandalian nga lang.
No comments:
Post a Comment