Salamat naman at nagpahinga si Enteng this Christmas. Naku apat na taon yata siyang nakipagbakbakan sa mga engkanto. This year, nag-decide na mag-reunion ang Iskul Bukol gang. Pero reunion nga ba nangyari? Eh ang nakita ko lang eh second rate trying hard copy cat ni Indiana Jones. Ganito na lang ba palagi bossing???
After 20 years ma-chugi sa ere ang Iskul Bukol. Si Vic Ungasis ay isang archaeologist na. Ang magkapatid na sina Tito at Joey Escalera ay mayayaman na. Hinahanap ni Vic ang peseta na nagtataglay ng kapangyarihan. Siya ay nakapunta pa ng Cambodia para makakuha ng clues at sa iba’t ibang panig ng ating bansa na may malalayong kabundukan na isang txt lang kahit taga Metro Manila at agad mapupuntahan sa isang iglap lang. Ngunit, mapapahamak kaya si Vic pag nanghimasok ang kalokohan ng mga Escaleras?
nakita mo na ang trailer ay yun na yun. Pelikula pa ba tawag nito? As in GP pa huh??? General Patronage pero andaming patayan!!! Sino ba nag-review nito??? As in pinapakita ang malupit na barilan at saksakan? Tama ba naman yun? Parang pinaghalong Indiana Jones at Pirates of the Carribean ang mga cheap stunts. Di ko nga naintindihan ang gusto nilang iparating dahil magulo ang story. May reunion naman kasama pa nga si Sharon Cuneta, may sayawan at kantahan pa. Reunion na pagka-ikli ikli na kahit fan ng Iskul Bukol ay hindi masisiyahan.
Meron naman silang visual effects at production designs kaso napaka-cheap tingnan. Isipin mo nagpunta pa sila sa napakagandang Angkor Wat sa Cambodia pero gosh naman ang mga shots??? Sana man lang pinaghandaan ang cinematography. Sayang lang ang mga kuha doon kasi parang kumuha lang sila Vic doon ng picture at walang kinalaman sa story. Sa totoo lang parang Enteng Kabisote pa rin ito. Well, may mga jokes pa rin naman na nakakatawa. Based sa mga reactions ng audience eh tumawa naman sila sa mga jokes na hindi ako natawa. Yung character ni Carlene Aguilar na basta na lang naglaho sa story. Akala ko may build up pa na mangyayari eh.
Andaming artista pero dinadaanan lang ng camera. May mga konting lines na yeah whatever, opo, yeah basta may linya lang. As usual mayabang pa rin character ni Vic. Kung ano si Enteng ganun din si Vic Ungasis. Lumaki ako na pinapanood ang tandem nina Tito, Vic & Joey. Natutuwa ako sa kanila pero this is just a bad project! Poor material! Pinanood ko lang ito dahil gusto ko lanng makita ang eksfosyur ni Yaya Patani. As expected dinaanan lang din ng camera.
Wish ko lang na gumawa naman ang matino si Vic. Well, eto naman talaga target nila to rake money. Care ba nila sa quality films as long as may audience na pumapasok. Sama magising man lang ang ilang Pinoys kung ano dapat panoorin. Skip nyo na ito. Sayang lang pera. Ibili nyo na lang ng food.
No comments:
Post a Comment