Friday, February 15, 2008

ANG KAMANDAG NI MARIMAR

MY BEST FRIEND'S GIRLFRIEND

Photobucket


WATCH THE TRAILER






Manonood sana ako ng Endo kanina kasi kung makapuri ang isang critic ng Click The City ay halos makipagpatayan na siya sa Indie film na ito.Todo promote at puri siya sa Endo. Binigayan niya ng 5 out of 5 stars ito tapos No.2 eto sa kanyang TOP 10 Films of 2007. So I decided to watch it in Megamall. Huh??? Wala na sa kanila? Ang aga namang ma-endo nito? Wow! My Best Friend's GF apat na sinehan sa Megamall. Since napanood ko na Spiderwick at wala pa akong balak sa Jumper kaya pinili ko ang movie nina Marian & Richard.

Excited rin ako kasi fan ako ni Marimar at last year napabilib ako ni Chard sa The Promise. Guapo niya doon kaso di ko na maalala partner niya sa pelikulang yun. Paki-remind nga ako ng name ng stuntwoman na yun.

Pag-start ng movie may mga fans na kinikilig na. Ang cute talaga ni Rich tapos si Marian bagay sa kanya ang role na poor girl at pretty pa rin siya.

Photobucket

Bale ang kwento nito ay gustong gamitin ni Evo (Richard) si Grace (Marian) na magpanggap bilang new GF niya para pag-selosin si Akiko (Ehra) na ex niya. Ang bestfriend ni Evo na si Mark ang nag-suggest na pagselosin si Akiko pero di alam ni Mark na ang gf niya na si Grace ang gagamitin ni Evo.
Maraming twists dito pero predictable pa rin.

Photobucket

Para sa akin cool ang story kahit predictable. Obvious naman na ginawa ito for Valentines para magpakilig ng masa at kumita ng pera. Wala silang intensiyon na humakot na awards kaya di ako nag-expect ng technical masterpiece ika nga.

Alam natin na 1st team up ito ng 2 pero grabe ang ganda ng chemistry nila. Natutuwa ako sa mga tao sa Megamall kasi malakas ang hiyawan. Pag funny ang eksena sabay sabay ang tawanan.

Photobucket

Love ko si Marian kasi bukod sa magaling siya sa drama eh pati comedy may hatak din siya. Si Richard guapo pa rin and he is improving na. Hindi pa siya magaling na actor pero alam ko one day mapapabilib din niya tayo.

Photobucket

Pinaka-the-best na eksena ay yung kulitan nila sa car tungkol sa driver's licence ni Evo. Kung nandoon lang kayo sa sinehan that time talagang matatawa kayo sa reaction ng mga tao! Bwa ha ha ha!!! Funny funny funny! Gusto ko rin yung winning moment ni Marian doon sa ballet concert. Mapapasigaw ka na Go Marimar aaaww!!!!! Sweet panoorin ang basa sa ulan! Haayyy..kilig! Pero ang first kiss nila ang nakakatunaw panoorin. I Love it halos malaglag ako sa upuan ko. Pero higit sa lahat alam ko ang mga barako ay nag-iinit kasi super sexy ni Marian sa kanyang 2-piece bikini sa beach!!! Hands down to the future #1 sexiest woman of FHM!!!!

Photobucket

Magaling din ang isang supporting actress dito yung kabigan niya na dancer na si Chiqui. Di ko siya kilala kaya hinintay ko ang credits. Siya pala si Chariz Solomon. Girl malayo ang mararating mo kasi ang galing mo! Di ko makalimutan ang “What's wrong bagoong? na linya mo. From now on expression ko na ito. Ha ha ha!Ang galing ng entrada niya natatawa ako talaga!

Last month pinanood ko ang One More Chance DVD ni Bea & JLC. Sabi nila todo iyakan daw ito. Huh? Di naman ako naiyak. Maganda ang script nila pero di ako maka-relate kasi story ito ng mga nag-li-live in kasi. Whereas itong My BF's GF eh kahit sino makaka-relate kaya naiyak ako doon sa hospital scene at sa bintana scene. Grabe talaga affected ako masyado.

Si Direk Marc ok talaga gumawa ng rom-com. The best pa rin ang Moments of Love niya pa sa akin lalo na ang Eternity.

Gusto ko ang remake ng Why can't It Be at All I Need. Bagay sa mga eksena.

Photobucket

Congrats sa GMA at Regal for this heartwarming blockbuster movie!!!

Kung gusto mo fun fun fun at love love love. Don't miss this!!!


RATING : 5 /5

No comments: