MY MONSTER MOM
Last Sunday ko pa napanood itong My Monster Mom ewan ko ba akit di ko kaagad ni-review. Anyway, showing pa naman siya so share ko lang views ko about the movie. Gawa ito ng multi-awarded director na si Joey Javier Reyes. Kung nagustuhan mo mga dark comedies niya eh maaaring type mo rin ito.
Story ito ni Esme iang Cebuana na ginampanan ni Annabelle Rama na may 3 anak sa iba't ibang lalaki. Di ba parang hindi akma sa kultura ng Pinoy pero maraming ganyan dito. Hindi daw siya siya pokpok. Naku ilang beses ko yatang narining ang word na ito sa bunganga ni Rama. Madali lang daw siyang ma-in-love sa mga lalake. So pokpok nga di ba? Ewan ko ba? Start ng movie may cameo role si Richard Gutierrez. Pampakilig sa mga bagets siguro. Si Rhian Ramos ang young Inday na medyoconvincing naman except di lang sanay mag-Cebuano.
Then after 27 years lumabas ang character ni Rama na walang tigil sa kanyang machine gun mouth.Ganun kasi siya sa nakikita natin sa mga interviews niya kaya di siya gaanong nahirapan. Natural lang sa kanya ang acting ng isang bungangerang ina ng 2 anak na lalake. Si Ruffa ay ang kanyang anak na pinaampon sa Amerika. Nagbalik dito para ayusin ang mga papeles regarding her adoption.
Hmmm...nakakatawa ba? Ilang eksena ang nakakatawa pero hindi yung tipong hahalakhak ka at sasakit tiyan mo. Slight lang kasi halos nakita na natin ang mga ito sa trailer eh. May mga nadagdag na mga patawang eksena pero di gaanong may dating sa akin at sa iilang tao na nakasabay ko sa last full show sa Megamall. I was really expecting too much sa film na ito kaso parang nakulangan ako.
Merong iilan na nakakairita para sa akin dito. Over para sa akin ang mga pa-slang-slang ni Ruffa ng kanyang “kow” at akow”. Gosh! Grabbeee na siya. Wala di ko feel character niya dito. Mas gusto ko pa siya sa Desperadas. Si Iwa Moto pang-asar ang acting. Nagpakita lang ng cleavage na kailangan ng push-uo bra. Yung baklang kumare ni Rama na si Direk Khryss Adalia ang gumanap. Sana ngumuya muna siya ng maraming luya kasi namamaos boses niya. Hindi ko maintindihan pinagsasabi niya eh marami pa naman siyang dialogues. Bakit nga ba siya namaos? Hmmmm.. may sumabit sa throat niya? Ha ha ha! Change the topic!
Ang di ko lang ma-gets bakit ginawa ni Direk Joey ang eksenang yun??? Scene nila Ruffa at Bubbles Paraiso sa isang resto. They are having conversation pero bakit lumalayo ang camera sa kanila at finocused doon sa mga extra na kumakain sa kabilang table??? Sobrang lapit ng camera sa mga extra na parang sila ang bida sa scene na yun? Huh? Ano ba? Yun natawa ako doon kasi ewan anong gimik yun???
Naasar ako kasi di gaanong marami ang punchlines ni Eugene Domingo. Bakit ganun siya pa naman ang inaabangan ko rin dito? Si Chariz Solomon na napansin ang acting sa My Bestfriend's Girlfriend eh walang ginawa dito kundi maglinis at magtimpla lang ng kape. Sinayang lang ang talent.
All in all. OK lang naman ang movie na ito. Maaasar ka lang kung di mo type si Rama na super ingay at pakialamera masyado rito. Kaya nga Monster Mom di ba?
Oh by the way, nandito pala ang 4 na Gutierrez. Si Papa Eddie, si Bisaya, si Rofa at si Richarge na nabanggit ko na. So family movie nila ito? Busy si Raymond sa Pinoy Idol kaya di nakasama sa script.
Sana man lang maka-survive ang movie na ito sa mga kalabang Hollywod movies na monster masyado sa box office. Sana nga kumita talaga siya para sa industriya nila.
RATING : 2.5 / 5*
No comments:
Post a Comment