Wednesday, November 18, 2009
MGA DEMONYO SA KANTO
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Nitong nakaraang 5th Cinema One Film Festival sa Gateway, isa sa mga pinarangalan ay ang batikang director na si Brillante Mendoza. Halos lahat ng mga pelikula niya ay pinalabas din as part ng festival. Since halos lahat ng mga indie films niya ay napanood ko na ! Itong Tirador pala niya eh hindi pa ako natatamaan.Since isa na naman pala sa mga bida si Papa Coco Martin at kasama pa si Magnifico pati na rin si Maximo, isa ako sa mga pumila para manood nito. Dapat talagang parangalan si Brillante! Hindi kayang sikmurain ng mga mainstream moviegoers itong Tirador pero kung kaya nilang tiiisin ang bawat bato na tatama galing sa Tirador eh tiyak mamumulat sila sa isang katotohanang pilit na iniiwasan. Sapol na sapol ang lahat sa kakaibang tirador ni Brillante!
BUOD NG PELIKULA: Isang sulyap sa buhay-iskwater ng mga snatchers, holdapers, drug pushers, dibidi sellers at iba pang mga ers na medyo alagad ata ni Lucifer. Lahat sila ay magkakakilala at magkakapitbahay sa isang mala-impiyernong lugar. Naniniwala rin sila sa himala ng poong Nazareno ng Quiapo. Sino sa kanila ang mya hawak ng mahiwagang tirador?
As usual wala na namang plot ng story itong pelikulang ito. Walang character development ang mga tauhan. Walang patutunguhan ang story. Walang twist at matatapos na lang di mo alam. Ganito talaga style ni Mendoza at sanay na sanay na ako sa kanya. Kung first time mong mapapanood itong Tirador ay naku maiingayan ka kaagad. Pinapakita ng Tirador ang buhay iskwater lalo na yung mga nakatira sa estero malapit sa Quiapo. Start pa lang ng film eh makakarinig ka na kaagad ng mga malulutong na mura! Kung hindi ka sanay sa ganito eh malamang culture shock ka kaagad! Ito ang nagustuhan ko sa Tirador kasi pinapakita kung ano ang totoo! Dito mo rin masasaksihan kung paano kumikilos ang mga snatchers, mga drug addicts, mga manggagantso, mga manloloko at iba pang kasamaan na nagliliwaliw sa Quiapo at sa lahat ng kanto! Walang moral lesson na mapupulot dito pero marami kang matututunan kung paano makakaiwas sa mga masasamang tao na nagbabadya kahit sa tabi lang ng kalsada. May mga pagkakataon na tatawa ka kahit serious ang tema nito. Laugh trip yung raid sa simula kasi kahit may nag-se-sex eh pilit na pinapatigil ang ginagawa nila. Nakakatawa ang dialogue ng babae! Isang malaking tirador yung pagkasabi niya! Then doon sa bandang gitna siya na naman uli ang magpapatawa o baka magpapaiyak. Ano nga ba gagawin mo kung ang iyong bagong gawang pustiso eh nahulog sa lababo nyo tapos derecho pa sa kanal patungong estero? Yan ang pinaka-highlight ng movie! Ang galing ng eksenang yun! The best!
Nagmukha nga itong documentary kasi parang totoong totoo ang mga pagkakuha ni Brillante. Walang fake sa mga acting. Bawat eksena pinag-aaralan niya paano maging perfect. Doon sa rumble scene kung saan involved si Papa Coco hanep talaga ang eksenang yun. Intense! Ang ganda rin ng galaw ng camera ni Brillante sa mga snatching scenes. Habulan ang mangyayari pero yung kuha hindi naman nakakahilo. Kung sa Serbis eh merong nakakahilong hagdanan, eh dito meron ding mga hagdanan scenes kaso sa mga squatter houses kinunan. Dito ako bumilib lalo kay Brillante kung paano niya kinunan ang mga hagdanan scenes. Ang galing niya talaga kumuha ng mga good shots! Magaling na director siya kasi ang mga acting na pinahugot niya sa mga artista rito ay talagang nakakabilib! Hindi sila OA! Basta nakakapanindig balahibo ang mga eksena sa iskwater. Medyo poverty porn nga ito pero nasa manonood na lang kung magpapadala siya. Hindi ko masyado gusto ang editing kasi bigla-bigla ang talon ng mga eksena. Medyo magulo na nga ang structure eh magulo pa ang time frame. Natuwa lang ako kasi nakapag-shooting pa sila sa meeting ng El Shaddai sa Luneta. Nandoon pala ang mga politicians na pwedeng nating i-tirador!
Sa lahat ng mga artista rito eh kay Nathan Lopez ako medyo kinilabutan. Hanep ang tortune scene niya! The best ang iyak! Si Jiro di gaano challenging ang role parang palakad-lakad lang. Si Papa Coco naman hindi rin bigatin ang acting pero kapansin-pansin pa rin naman. Si Kristofer King ang nakakabilib as the addict husband. Pero yung girl talaga na may pustiso ang pinalakpakan ko rito. Hindi ko makakalimutan ang mga pagmumura niya dahil sa nawalang pustiso sa kanal. Hindi ko nga lang siya kilala. I'm not sure kung artista ba siya?
May formula na talaga si Brillante pagdating sa mga pelikula niya. Kung hindi ka pa rin sanay sa mga gawa niya eh malamang gusto mo siyang batuhin ng bato gamit ang tirador. Ako naman ang ipambabato ko sa kanya eh mga bulaklak ng mababangong sampaguita. Para naman gumawa siya sa susunod ng mga mahalimuyak na pelikula na puno ng pag-ibig. Sobrang mga dark na ng mga pelikula niya na napapanood ko. Bilib na talaga ako kay Brillante. Kakaiba talaga mga gawa niya. Try nyo panoorin ito. Go with the flow lang. Basta sabi ko nga don't expect a feel-good story kasi wala! Panoorin nyo lang ang mga pinaggagawa ng mga demonyo sa Quiapo ! Pag napanood mo ito, ikaw mismo ang kukuha ng bato para gawing bala sa tirador.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment