Thursday, November 26, 2009
PRANING O NORMAL?
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Marahil itong Paranormal Activity na yata ang pinag-uusapang pelikula ng taon sa US bukod sa New Moon na over din ang hype. Ang budget nito ay parang katumbas lang yata ng tisnelas ni Paris Hilton pero ang kinita nito umabot na sa $100M. Hanep ano? Bakit nga ba siya kumita? Kasi ang hype ba naman super nakakatakot daw!!! As in nakakapangilabot ever!!! Sabi nga rin ng friend ko na nasa US eh nang pinanood niya ito noong opening night doon at sa pag-uwi niya ng bahay eh umabot na lang daw ng madaling araw eh hindi pa siya nakakatulog at bukas na bukas pa ang mga ilaw niya! Bakit? Kasi kinikilabutan pa rin daw siya sa takot at naiisip niya ang nangyayari sa pelikula na maaaring mangyari din sa kuwarto niya! Kwento pa lang niya eh halos ma-praning na ako kung papanoorin ko ba ito pag pinalabas ito sa Pinas! Shocks Oh My Gosh Anak ni Gus Abelagas! Sa wakas nandito na nga sa Pinas! Good thing night shift work ko kaya hindi kaagad ako natulog after na mapanood ko kahapon ! Pero sa totoo lang medyo kinakabahan na ako mamaya sa pagtulog kasi pinapatay ko pa naman ang ilaw sa room !
BUOD NG PELIKULA: Parang documentary churva lang ito ng mag-dyowa na sina Katie at Micah na gustong makita kung ano nga ba yung mga naririnig nilang mga kaluskos at mga ingay sa loob ng bahay pag natutulog na sila. Pagsapit nga ng gabi naka-ON na ang camera nila sa kuwarto habang natutulog sila. Pagdating ng madaling araw, mararamdaman na nila yung pintong kusang sumasara, yung mga footsteps na papaakyat sa kwarto nila at siyempre ang anino ni Aling Dionisia na tila nang-aakit sa kanila para enumen ang gatas. Drink yur Magnulia pres milk perst bagu matolog.
Kung familiar ka sa mega-hype na The Blair Witch Project eh ganito din ang style ng Paranormal Activity. Mala-documentary tapos hindi kilala ang mga bida. As usual walang kwento dito, maghihintay lang tayo kung anong mangyayari pag natutulog na sila as in medyo mabagal ang build-up ng suspense na nakagawian na natin sa mga horror movies. Iba ang approach ng horror dito! Hindi ka magsisigaw sa takot kundi isip at puso mo ang magsisigaw sa kaba! Special low-budget effects lang ang ginawa nila. Ewan ko lang ha kung madali kang matakot sa pintong biglang sumasara. Ganyan lang kasi halos ang makikita natin dito at ang mga footsteps na maririnig sa hagdanan. Nakaramdam ako ng takot kasi silang dalawa lang ang nakitira roon eh saan naman galing ang mga ingay na yun di ba? Doon effective ang scare factor ng pelikula kasi mapapaisip ka kung ano nga ba? Hindi naman nila ipinakita kung ano ito except sa anino na dumaan kaya talasan ang mga mata.
Hindi ito katulad ng Blair Witch na nakakabagot at nakakahilo. Ang maganda sa Paranormal eh sunod sunod ang pananakot sa bandang gitna. Napa-OMG ako roon sa Ouija board honestly, then yung paghila kay Katie sa dilim at higit sa lahat yung last scene! Take note ha wala kang makikita na kung anu-anong kababalaghan na mga zombies o kung ano pa man! Psychological horror ika nga! Dahan-dahan ang build up tapos ang finale eh talagang naku nakakagulat na basta kakaiba siya! Sa totoo lang luma na ang pelikulang ito! 2007 pa ito pero nagustuhan ni Spielberg kaya nag-suggest ang batikang director na baguhin ang original ending. Kaya ang mapapanood natin sa sinehan eh ang idea ni Steven! Good job direk kasi dramatic ang style mo! Mas nakakapangilabot compared sa original ending. Yeah pinanood ko rin ang original ending na available sa mga online videos at sa mga dibidi. Iba ang experience sa loob ng sinehan! Promise habang ginagawa ko itong review eh kinikilabutan pa rin ako. Magaling ang mga unknown actors kasi napapaniwala nila ang mga audience na parang totoo ang mga napapanood.
Pero sa totoo lang, sa dinami-dami ng mga nagsasabing sobrang nakakatakot daw ito eh marami rin ang nagrereklamong “anong nakakatakot naman doon?” Di ko sila masisi kung bakit ayaw nila ito. Kanya-kanyang taste talaga ang mga tao. Well, ganito na lang kung mahilig ka sa mga gorefest horror eh sure na hindi mo ito magugustuhan. Kung mahilig ka sa mga Asian crawling zombies na ala-Sadako naku hindi mo rin ito trip. Kung mahilig ka sa pagtitili ni Kris Aquino naku wag ka nang magsayang ng oras dito. Pero effective sa akin ang Paranormal Activity. Kakaiba ang horror nito kasi paglabas ko ng sinehan eh hindi pa rin nawawala ang takot ko. Lalo na siguro pag nasa kama na ako para matulog eh meron palang nakakatitig sa akin na hindi ko nakikita tapos kampon pala ito ng kadiliman! OMG what if ganito rin pala sa iyo? Imagine that! I'm still recommending this one. Yeah, it is one of the scariest movies of all time!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment