Tuesday, November 17, 2009

SEKYU, SEKYU? ASAN NA ANG BATUTA MO?

CONDO Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own condo Nitong nakaraang araw medyo nabigla ako kasi iba na ang nangangapkap sa gate namin kung saan ako nag-wo-work. Wala na pala yung guard na kabiruan ko. Tawagin na lang natin siyang Boy Alitaptap. Imbes kasi na sa gilid niya ako kinakapkapan eh doon sa ano ako basta alam nyo na yun! Biruan lang namin yun pero di pa rin ako mapakali ano? Ha ha ha!!! Kaso wala na pala siya sa company namin. Bigla kong naaala na binigyan niya pala ako ng cel# niya na sinulat niya sa post-it at naalala ko tinago ko kaagad sa wallet ko yun! I txted him immediately kung anong nangyari sa kanya. Ang reply ba naman sa akin kung bakit siya nawala eh: Panoorin ko raw ang indie film na Condo kasi nandoon daw ang mga answers. Di ko alam na mahilig pala siya sa mga indie films? Hinanap ko kaagad ang Condo DVD at laking gulat ko pagkatapos ko mapanood. Ganun pala ang buhay- guwardiya??? BUOD NG PELIKULA: Kwento ito ni Benjie, isang guwapitong sekyu na bagong assigned sa isang condominium. Nag-request siya sa agency kung pwede stay-in na rin siya doon sa Condo. Walang buhay sa labas si Benjie kahit may day-off siya eh doon pa rin siya sa guard quarters nagpapahinga at talagang devoted siya bilang sekyu. Ngunit isang gabi habang nag-roroving eh biglang may nagpapakita na isang guard. Ito'y kanyang hinahabol ngunit bigla namang naglaho. Anong misteryo ang bumabalot sa guard na nagpapakita sa kanya gabi-gabi? Ito ba yung guard namin na kaya nawala sa work ko eh nag-artista na pala??? Naku nakakaloka ang mga alindog ng mga guwardiya!!!! condo1 Sa simula pa lang ng pelikulang ito eh aba bilib kaagad ako sa mga camera shots. Ang ganda ng movements na para bang lumulusot sa mga dingding. Medyo creepy ang dating pero cool naman panoorin. Tapos pumasok na ang bida natin na si Benjie na nakakahumaling ang kaguwapuhan. Sa guapo niyang yun bakit nagititiis siya bilang guard ano? Pwede naman siya sa mga mall o kaya mag-macho dancer na lang siya??? Pero kung mag-mamacho dancer siya eh wala tayong pelikulang Condo baka magiging Condom na ang pamagat di ba??? Ha ha ha!!!! First 30 minutes ng pelikula eh nakakaloka ano ba talaga ito??? Drama? Comedy? Sexy? O Horror???? Kasi may nagpapatawa at talagang natawa ako. Tapos may nag-se-sex din at medyo secret. Then moments later may nag-mumulto na ewan. Tapos may mga tumatawag pa sa guard na galing sa isang bakanteng unit. Tapos meron na namang sex scene. Tapos naghahabulan na naman ang guard at yung isang misteryosong guard. Tapos may drama na naman tungkol sa isang maid. Walang pinaka-plot ang Condo basta gusto lang niya ipakita kung ano ang buhay ng mga guards particularly yung buhay ni Benjie na kakaiba at misteryoso. Ayokong mag-spoil pero medyo naloka ako sa ending. Ganun? Mapapaisip ka talaga sa ending! As in ganun lang yun? Pero I like it! Symbol of hope ika nga! condo2 Pero kahit magulo ang flow ng story, eh the best naman ang film making! Imagine ha sa isang condominium lang sila nag-sho-shooting pero yung mga kuha ang gaganda na nakakatakot! Ang galing nilang gumawa ng spooky atmosphere. Kaya para sa akin horror ito kasi may suspense. Andaming suspense! As in andaming suspense. Hindi ka naman magsisigaw sa takot pero nandoon yung kaba. May isang eksena nga napatakip ako ng bibig. Kung sino man ang gumawa ng music at sound naku gusto kong bigyan ng trophy sa sobrang galing! Medyo may pagka-Serbis din ito ng konti dahil sa nakakahilong hagdanan don't worry minimal lang naman sa Condo ang hilo. condo3 So bida rito si Papa Coco Martin. Hindi siya nagpakita ng batutang lumalambot this time. Pero yung batutang hinahampas at palaging matigas eh nakikita naman. Ha ha ha! Pero pinakita niya ang walang katulad na acting na subtle pero may banat na parang binalibag ka ng batuta! Di pa rin ako convinced na guard siya dito kasi sa sobrang guapo ni Coco. Kunsabagay may mga guard naman talaga na pogi. Tulad ni Boy Alitaptap na nawala na kahawig konti ni Sam Milby at may katawan pa na tulad kay Papa Piolo. Kaya nga pinag-aagawan siya ng mga girl employees dito pero di ko alam bakit siya sa akin gustong makipagharutan? Yung ibang mga artista rito di ko sila mga kilala pero OK naman sila. Yung cameo lang ni Perla Bautista ang napansin ko na nakakabilib lalo na yung breakdown scene niya. condo4 Matapos kung panoorin ang Condo hindi ko pa rin na-getz kung bakit nag-resign ang guard namin dito. Yung pinakitang twist dito sa story yung sa bandang ending I'm not sure kung yun ba ang dahilan ni Boy Alitaptap ! So ano ba talaga I asked him? Then pinag-isipan ko talaga nang matagal. OK nalaman ko na. Kung guard ka pala habambuhay eh wala kang patutunguhan.Sa liit ng sweldo nila eh wala talagang asensong mapapala. Sa pelikulang Condo, naipakita kung bakit ang ilang guard ay medyo bulag sa katotohanan. Meron namang maganda at maliwanag na bukas na naghihintay para sa kanila kung lilinawan at bubuksan lamang ang mga mata nilang tila nag-bubulag-bulagan lang sa dilim. This film is a must see sa lahat ng mga roving guards. Kung may syota kang sekyu so i-rent mo na DVD at manood kayo. Kinabukasan baka mag-break na kayo pag nagising siya sa katotohanan. Ha ha ha! Sa lahat ng mga sekyu! Saludo ako sa inyo mga pare! free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: