Wednesday, November 11, 2009

PITO-PITONG BANGUNGOT

ImageChef.com - Custom comment codes for MySpace, Hi5, Friendster and more

i-love-dreamguyz-


Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na panoorin itong exploitation film ni Joel Lamangan na “I Love Dreamguyz”. Aksidente lang talaga! Pero mamaya ko na sasabihin bakit aksidente. Ewan ko ba bakit ito ang naisip nilang title? Dapat na title nito ay Nightmareguyz Love to Suck! O kaya Ang Panggagahasa ni Lamangan na lang!!!! Dyuskupo!!! Patawarin sana kung sino man ang sumulat at nagproduce nito!!! Inay ko po!!! Nagbalik na talaga ang mga pito-pito!!!

BUOD NA PELIKULA: Kwento lang ito ng mga limang lalake na balak magtrabaho sa Japan bilang dancers! Pero sa totoo lang male prostitutes naman daw!Habang hinihintay mga requirements nila bonding muna sila like practice together, beach together at sabungan together. Kaso nagkagulo dahil itong si Jake na may girlfriend eh na-in-love sa kasama niyang si Rico. Tapos yung nag-aasikaso sa kanila na baklang si Didi eh nasangkot sa isang scam! Tapos yung ibang characters eh naku wala na akong pakialam sa buhay nila!

i-love-dreamguyz-2

Saan ka makakakita ng nakakairitang bading na hindi naman mukhang bading pero mas bading na bading pa ang papa niya? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka makakakita ng OA na bading na nagpakamatay tapos kinabukasan sa ospital eh parang gumaling lang sa lagnat? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka makakakita ng tunay na lalake na may ka-live-in for 7 months na napakaganda at napaka-sexy na girlfriend pero isang kalabit ng isang lalake eh espadahan kaagad siya sa kapwa lalake?Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka makakakita ng mga lalakeng hindi naman mga bangag nasa matino namang pag-iisip eh sabay sabay na naghuhubad para maligo sa ilalim ng sikat ng araw sa isang public beach resort? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka makakakita ng mga NBI na inaaresto ang isang ring biktima ng pandaraya? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka makakita ng mga characters na kahit konting problema lang na pwedeng pag-usapan eh halos magpatayan na? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka ba makakakita ng isang Haponesa na mukha namang Amerikana na magpapakita sa boyfriend niya na may-asawa na pala tapos niyaya pa niya ang mga ito na mag-orgy? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka ba makakakita ng isang babae ng selos na selos sa bf niya dahil nagdududa siya na may ibang babae ito pero nang mahuli niya sa akto na lalake pala ang ka-affair nito aba eh OK lang sa kanya? Dito lang sa pwelikulang ito!
Saan ka ba makakakita ng dalawang lalake na nag-se-sex sa isang bakanteng room na open na open at pwedeng makita ng lahat ng mga tao sa beach resort? Dito lang sa pwelikulang ito!
Marami pa sana akong mga tanong kaso baka mapuno na space ko dito.

In short, ito'y isang basurang pelikula na sinulat ng isang writer na walang alam alam kung ano ang totoo sa buhay at kung ano ang realidad! Lahat ng mga yan ay ginawa ng award-winning director na si Joel Lamangan. As in wow! Pwede ba siya matanggal bilang member ng Director's Guild? Feeling ko para na siyang sinaniban ng mahalay na kaluluwa ni Cris Pablo!





Marahil natapos ang pelikulang within 7 days. Naku baka nga 3 days na-packed up na nila ang shooting. Obvious na obvious na minadali dahil halata sa lighting!!!! Inconsistent ang lighting sa lahat ng mga eksena. Yung eksena ng mga naked guys sa beach eh parang sa celphone lang kinunan!!! Itong si Lamangan basta kuha lang kuha ng mga eksena na hindi man lang pinag-aralan. Binuhos lang niya pawis niya sa mga sex scenes niya talagang kailangan erotic para sa mga kafatid ni Bebe Gandanghari. Oo andaming gay sex pero wala naman saysay. Espadahan kaagad basta magkatabi lang, laplapan agad mga lalake magkainitan lang. Feeling ko talaga ginagahasa na ni Lamangan ang mga young actors na ito. Kawawa naman ang mga ito! May nagpakita ng penis malambot naman. Paano magiging masaya si Bebe niyan? Kung sino man ang naglapat ng music dito eh gusto ko siyang palakpakan!!! Palakpakan ng sampal!!!! OA masyado music niya!!!! Hindi naman dramatic o mala-epic ang isang eksena tapos ang music niya eh mala-Lord of the Rings o kaya Jurassic Park ang theme. May isang scene si Didi rito na nagkkwento tungkol sa business niya na networking at nasa rooftop silang mga Nightmareguys na nakikinig sa kanya!!! Grabe yung music parang merong sagupaan ng mga Dinosaur at mga creatures ng middle Earth!!! Meron ding death scene pala dito na halos ikamatay ko sa kakatawa!!! Ito pa ang panget ng dubbing!!!! Huli ang mga bibig! Hindi pa akma ang mga sinasabi sa mga emotions nila!





Pag-uusapan pa ba natin ang mga acting nila? Sige na nga!!! Ako ang nahihiya kay Jao Mapa rito!!! Pilit ang acting bilang bading! Hindi niya carry. Pero doon sa gay sex naku bigay na bigay siya. Feel pa niya yata ang same sex laplapan eh! Ganun din si Marco Morales na bigay todo sa mga gay sex scenes! Marco kung magpapakita ka man lang ng dayunyur mo eh sana ginaya mo na lang sana si Coco Martin. Kahit nga ari ni Coco eh marunong ding umakting. Sayo walang buhay kasi eh! Bwa ha ha ha!!! Yung mga ibang mga male starlets dito di ko naman mga kilala at saka wala naman ginawa ang mga ito kundi maghubaran at magsigawan lang sa harap ng camera. Tanging si Nina Jose lang pwede kong bigyan ng passing grade ang acting kahit stupid ang role niya. Sayang nga lang hindi siya nag-all the way!



i-love-dreamguyz-4

Kung maraming mga image akong nakita na talagang ikinamangha ko sa pelikulang “Ang Panggagahasa kay Fe”, dito sa I Hate Nightmareguys eh mga image na hindi na dapat pag-isipan pa ang iyong masasaksihan! Mga image ng ari ng lalake, mga fake boobs ng babae at mga puwet ng lalake. Yan ang art ni Lamangan!!! Bakit nga ba ako nakapanood nito? Well ganito yun: after ko mapanood yung kay Fe sa Cinema 8 ng Galleria lumabas ko para mag-pa-stamp sa guard. Kain kasi muna ako at babalik pa ako kasi uulitin ko uli ang Fe. Pero laking gulat ko na Cinema 7 ang nakatatak sa palm ko!!!! Sino ba ang ayaw ng libre di ba? Kaso libreng basura naman pala ang napanood ko! Napakawalang kwenta!!!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: