Wednesday, November 11, 2009

SA LIKOD NG MGA TALINGHAGA

ImageChef.com - Custom comment codes for MySpace, Hi5, Friendster and more

fe poster



Tatlong Pinoy films ang palabas this week na magiging kasabay ng inaabangang disaster movie na 2012. Una ay “Ang Tanging Pamilya” ng Star Cinema na wala akong balak panoorin pero kung may manlilibre eh baka papanoorin ko. Next ay ang Hellphone na walang kadating-dating sa akin. At ang ang huli ay ang Cinemalaya entry na “Ang Panggagahasa kay Fe” na palabas lang sa Indie Sine ng Galleria. Pero mas pinili ko itong kay Fe sa tatlo dahil alam ko hindi ko ito pagsisihan at hindi ako manghihinayang sa pera at oras. Isa lang ang masasabi ko sa pelikulang ito: lalabas ka sa sinehan na medyo tulala dahil sa mangha at aabutin ka ng magdamag kakaisip sa kakaibang panggagahasa na iyong makikita.

CHUVA NG PELIKULA: Dating nagtatrabaho si Fe sa Singapore ngunit dahil sa krisis ng buong mundo sa kasalukuyan eh napilitan na lang siya umuwi sa probinsiya at doon magtrabaho sa pagawaan ng mga rattan baskets. Isang araw may nakita si Fe sa harap ng bahay niya na isang basket na puno ng mga maiitim ba prutas. Una akala niya galing ito sa asawa niyang si Dante bilang sorry gift dahil sa pananakit nito sa kanya. Ngunit dahil sa sunod-sunod ng mga padala ng mga itim na prutas eh naloloka na si Fe kung sino nga ba ang nagbibigay ng mga ito? Selos na selos na rin si Dante dahil baka may palihim nga na nanliligaw kay Fe. Sino nga ba talaga ang nagbibigay ng mga prutas?

fe


Ang English subtitle nito ay “The Rapture of Fe”. Take note hindi “The Rape of Fe”. Doon pa lang sa poster eh pinapaisip na tayo di ba? Simple lang ang story nito kaso sobrang lalim ng mga imahe na pinapakita. Bawat eksena ay mga matalinghagang kahulugan na tiyak na iyong pag-iisipan. Tinalakay dito ay ang domestic abuse na nangyayari sa isang mag-asawa. Nakakadala kung paano pahirapan si Fe. Pero mas nakaka-praning ang pagsulpot ng mga mahiwagang itim na prutas sa harap ng bahay ni Fe. Una medyo nakakakilig kung paano nakuha ni Fe kasi naisip niya na sorry gift ito ng kanyang asawa pagkatapos siyang saktan kinagabigan. Pero habang lumilitaw na ang mga sunod sunod na prutas eh doon na ako kinilabutan! Then pumasok agad sa isip ko yung paniniwala ng mga matatanda sa probinsiya. Nililigawan nga siya ng kapre!!! Ito ang pinapakita ng pelikula pero sa tingin ko lang ha? Walang kapre naman eh. Gusto lang ni Fe makalaya sa rehas ng kadiliman kung saan siya nakakulong. Andaming sitwasyon dito kung bakit nga ba siya ginagahasa??? Isip, emosyon at pangkabuhayan ni Fe ay parang nilapastangan nga sa kanya. Nasa manonood na kasi kung ano ba ang interpretation niya sa mga nakikita niya sa pelikula.In short: habang nanonood ka ginagahasa din isip mo. Paglabas mo ginagahasa ka pa rin which is a good thing kasi lumabas na effective ang screenplay sa pagbuo ng story na pag-uusapan talaga. May isang character din dito yung utol ni Arturo na talagang isa ring palaisipan. Pero getz ko kung anong papel niya. Pero kahit medyo mabagal ang takbo ng story na halos maglalaban ang antok at pagnanasa ko eh succesful pa rin ang movie. Hanep ang ending huh??? Nabigla ako!!! Ay tapos na!!!

fe1

Visually, napakaganda ng pelikula. Di ko kilala si Alvin Yapan yung director nito pero fan na niya ako ngayon. May mga eksena siyang kuha kahit ordinaryo lang sa mga mata natin eh naipakita niya ang nakatagong kagandahan nito. For example, yung pag-wi-winnow ni Fe ng bigas ganda ng kuha doon, yung paglabas ng tubig sa poso eh kinilabutan ako doon ewan ko ba? Then yung pagbukas ni Fe sa doorknob na ewan ko ba bakit ako biglang natunaw kung paano kinunan yun, tapos yung love nest nina Fe hanep naman ang nakaisip sa ganda at ang huli ay yung ngiti ni Fe habang nakatitig sa puno na may mga nahuhulog na dahon. Itong eksenang ito ay medyo nasa bandang huli na at talagang makapanindig balahibo. Titig na titig ako sa punong yun at npaisip kung tama ba yung nakikita ko? May nakikita ba talaga ako doon? Parang may nakita nga ako eh. Bravo kay Yapan sa direction niya. Isa siyang makabagong Balagtas na gamit ay ang makapangyarihang camera. Isang musical score lang ang kapansin-pansin dito at tinawag ko itong “harana ng kapre”. Tunog siya ng gitara na parang umiiyak. Ay naku hindi na maalis sa isip ko ang harana! Paglabas ko nabaliw na nga ako kakaisip sa mga talinghaga heto pa ang harana na pilit akong inaakit.

fe2

Kung si Coco Martin ang tinaguriang Indie King, eh sino pa ba ang Indie Queen ng bansa??? Walang iba kundi si Irma Adlawan. Nagampanan ni Irma nang mahusay si Fe!!!! Dati sabi ko dapat si Che Ramos ang dapat na nanalo as Best Actress at hindi dapat si Ina Feleo. Well, si Irma pala dapat ang nanalo. Napaka-talented ni Irma!!! Kinikilabutan ako doon sa paghuhukay scene niya. Ako ang kinakabahan doon dahil masyadong makatotohanan ang acting niya! Nandito rin si Nonie Buencamino as her husband na talagang kaiinisan mo. Pero laking gulat ko dahil sa acting na pinakita ni TJ Trinidad Simple lang pero malakas ang dating.

fe3

Proud na proud ako dahil ipapalabas pala ito sa ibat-ibang film festivals abroad! I'm pretty sure papalakpakan ito doon! Pero ang ikinatatakot ko lang kung papalakpakan ba ito ng mga audience ng Ang Tanging Pamilya o papanoorin ba ito ng mga fans ni Aling Dionisia? Ha ha ha!!! Sad to say hindi po ito pelikula para sa lahat. Pili lang ang audience nito. Highly recommended ko uli ito sa mga indie film lovers. Hindi mga indie lovers na habol lang ay makapanood ng mga puwet ng mga lalake na nag-uumpugan sa kama. May isa palang mama na nanood sa sinehan kahapon na sana ginahasa na lang ng kapre. Ano ba naman siya? Super na umaalingawngaw ang hilik niya sa loob!!!! Naisip ko baka nanood lang ang mamang ito dahil na-curious sa panggagagahasa. Next time ikkwento ko naman yung story ko: Ang Panggagagahasa kay Jishcand”. LOL ! In the meantime, please watch this beautiful film!

free glitter text and family website at FamilyLobby.com

No comments: