Thursday, November 26, 2009
ANG SABAW NG BINALASANG KARAHASAN
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
After manalo ito ng maraming awards sa katatapos lang na 5th Cinema One Originals Digital Movie Festival at nanalo pa si Osang ng Best Actress eh naku kailangan mapanood ko na ito! Good thing naipalabas kaagad sa Indie Sinie ng Galleria. Hmmm... sa totoo lang antagal kong pinag-isipan kung paano ko gawin ang aking review. Kung magsisimula ba ako sa gitna tapos babalik sa simula tapos sa bandang patapos na at saka tatapusin ko na teka balik pa pala ako sa simula. Nahilo ka? Kakaiba ang Wanted: Border. Indie film talaga! Di ko masabing original pero isa na naman itong obrang kamangha-mangha. Yun nga lang hindi para sa lahat ng madla.
BUOD NG PELIKULA: Bata pa lamang si Saleng eh pinagbibintangan na siyang aswang kahit hindi naman. Ngayong may edad na siya eh tila nagiging aswang na rin siya. Pasukin ang masalimuot na carenderia ni Mama Saleng at alamin kung anong sekreto sa mga ulam at sabaw niya. Mag-apply ka rin bilang boarder sa mga kwartong pinapaupahan niya malay mo makakatikim ka rin ng masarap na sabaw niya. Pero babala lang hindi lahat ng masarap eh masarap talaga. Malay mo laman pala ito ng mga taong pinatay niya? What????????????
Mag-isip ka ng favorite movie mo na maganda at hindi magulo ang kwento. Naisip mo na? So ipagpalagay natin na buo na ang film reel nito. Ang gagawin natin guguntingin natin ang film sa maraming pieces pero itabi kaagad natin ang ending. Then ilagay natin sa box at shake natin ang mga pinutol na mga films tapos bubunot tayo at pagtatagpiin uli natin ang mga piraso para mabuo uli ang film reel basta yung naka-reserved yun ang ikakabit sa huli. Getz mo? Ito ang style ng kwento ng Wanted: Border na katulad din ng Tambolista at 21 Grams. Shuffled ang kwento. Nauna ang gitna, then sinundan ng medyo nauna, then yung sa bandang dulo uli tapos sa simula na naman, then sa gitna na naman basta tagpi-tagpi ang kwento. Ang nakakagulat eh habang papatapos na siya eh effective pala ang style nito kasi unti-unting lumiliwanag ang lahat. Lalo na yung character ni Mama Saleng kung bakit siya nagiging mamamatay tao na parang pumapatay lang ng ipis. Maganda ang character development sa kanya pero kahit ganun siya kademonya hindi mo pa rin siya hate. Kahit yung mga random characters sa simula na akala mo mga walang kinalaman sa kuwento yun pala kasali pala at nagkaroon ng saysay ang lahat. Pero yun nga lang there are times na sa sobrang confusing at mabagal ang storytelling eh may pagka-boring nang konti. Nilalabanan ko nga antok ko honestly. Pero parang may mga naputol na film pieces na parang nakalimutang isama. Natapos ang pelikula pero andaming tanong na hindi nasagot. Namatay ba si ganito? Namatay ba talaga siya? Kasi kung patay na sila eh parang humihinga pa yata ang mga yun? This is a dark comedy rin pala kasi nagulat ako na natawa ako sa ilang eksena. Humalakhak ako promise! By the way, the film is mostly in Ilonggo pero may English subtitles naman.
Medyo nakulangan lang ako sa violence ng movie wish ko sana naging daring kaso baka ayaw payagan ng MTRCB. Although itong cannibalism eh medyo hawig nang konti sa Sweeney Todd kung saan yung mga pinapatay na mga tao eh ginawang meat pie ang mga laman nila. Dito sa Wanted: Border yung mga pinapatay na boarders eh ginagawang pansahog sa Special Soup at isinasama sa mga ulam ni Saleng. Di ba disturbing masyado? Don't worry hindi naman masyadong madugo tulad ng Sweeney Todd. Hindi siya visually violent kundi psychologically lang. Except doon sa malibog na stepfather na pinutulan ng ari at isinubo pa sa bunganga niya. It is a disturbing scene pero it makes sense naman. Itong si Ray Gibraltar magaling gumawa ng visual poetry kasi halos lahat ng mga eksena rito ganito ang style. Ang gaganda ng mga kuha niya lalo na pag may pusa. Kinikilabutan ako sa mga mata ng pusa. Lalo na ang cinematography na talagang dark na dark at nababagay talaga sa tema ng pelikula. Hands down sa music kasi ito kaagad mapapansin mo simula pa lang. Higit sa lahat yung editing ang the best kahit weird at nakakapraning.
Kung ayaw mo si Rosanna Roces dahil sa mga kontrobersiya na pinaggagawa niya dati eh malamang magugustuhan mo siya rito. Palaban ang acting ni Osang! Kahit hitsura niya kakaiba! Monster na monster! Goodbye bukaka na nga si Osang. Kung fan ka niya dahil nabasa siya sa dagat at natikman mo pa ang pinya niya dati eh sorry ka na lang kasi serious actress na si Osang dito. Pero yung pagiging flirt niya carry pa rin niya. Sana manalo si Osang ng mga awards uli para sa role niya dito. She's really deserving here!
Experimental ang indie film na ito. Gusto ko talaga siya i-recommend sa lahat at magmamakaawa pa na “please try nyo panoorin ang Wanted: Border” kasi kakaiba siya! Kaso baka sampalin nyo ako pag di nyo nagustuhan. Hindi talaga siya para sa lahat! Sa mga adventurous film lovers lang ito talaga. Wag nyo na ring pansinin kung mali ang ispeling ng “boarder”. May kabuluhan yan bakit ganyan. Kung may kakilala kang obese person na walang tigil sa kakakain, convince mo siya na panoorin ito eh malamang papayat na siya after seeing this. Hindi rin pala ito pwede sa mga manang at manong na alagad ng simbahan. Medyo off ang character ni Saleng na mamamatay tao pero may malaking paniniwala sa DiyosPero kung maging experimental din ang madlang people who knows magugutuhan din nila ang kakaibang sabaw ng pelikula. Ako may kakaibang sabaw din kaso hindi rin para sa lahat. Pili lang ang pwedeng makahigop. Ha ha ha!
PRANING O NORMAL?
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Marahil itong Paranormal Activity na yata ang pinag-uusapang pelikula ng taon sa US bukod sa New Moon na over din ang hype. Ang budget nito ay parang katumbas lang yata ng tisnelas ni Paris Hilton pero ang kinita nito umabot na sa $100M. Hanep ano? Bakit nga ba siya kumita? Kasi ang hype ba naman super nakakatakot daw!!! As in nakakapangilabot ever!!! Sabi nga rin ng friend ko na nasa US eh nang pinanood niya ito noong opening night doon at sa pag-uwi niya ng bahay eh umabot na lang daw ng madaling araw eh hindi pa siya nakakatulog at bukas na bukas pa ang mga ilaw niya! Bakit? Kasi kinikilabutan pa rin daw siya sa takot at naiisip niya ang nangyayari sa pelikula na maaaring mangyari din sa kuwarto niya! Kwento pa lang niya eh halos ma-praning na ako kung papanoorin ko ba ito pag pinalabas ito sa Pinas! Shocks Oh My Gosh Anak ni Gus Abelagas! Sa wakas nandito na nga sa Pinas! Good thing night shift work ko kaya hindi kaagad ako natulog after na mapanood ko kahapon ! Pero sa totoo lang medyo kinakabahan na ako mamaya sa pagtulog kasi pinapatay ko pa naman ang ilaw sa room !
BUOD NG PELIKULA: Parang documentary churva lang ito ng mag-dyowa na sina Katie at Micah na gustong makita kung ano nga ba yung mga naririnig nilang mga kaluskos at mga ingay sa loob ng bahay pag natutulog na sila. Pagsapit nga ng gabi naka-ON na ang camera nila sa kuwarto habang natutulog sila. Pagdating ng madaling araw, mararamdaman na nila yung pintong kusang sumasara, yung mga footsteps na papaakyat sa kwarto nila at siyempre ang anino ni Aling Dionisia na tila nang-aakit sa kanila para enumen ang gatas. Drink yur Magnulia pres milk perst bagu matolog.
Kung familiar ka sa mega-hype na The Blair Witch Project eh ganito din ang style ng Paranormal Activity. Mala-documentary tapos hindi kilala ang mga bida. As usual walang kwento dito, maghihintay lang tayo kung anong mangyayari pag natutulog na sila as in medyo mabagal ang build-up ng suspense na nakagawian na natin sa mga horror movies. Iba ang approach ng horror dito! Hindi ka magsisigaw sa takot kundi isip at puso mo ang magsisigaw sa kaba! Special low-budget effects lang ang ginawa nila. Ewan ko lang ha kung madali kang matakot sa pintong biglang sumasara. Ganyan lang kasi halos ang makikita natin dito at ang mga footsteps na maririnig sa hagdanan. Nakaramdam ako ng takot kasi silang dalawa lang ang nakitira roon eh saan naman galing ang mga ingay na yun di ba? Doon effective ang scare factor ng pelikula kasi mapapaisip ka kung ano nga ba? Hindi naman nila ipinakita kung ano ito except sa anino na dumaan kaya talasan ang mga mata.
Hindi ito katulad ng Blair Witch na nakakabagot at nakakahilo. Ang maganda sa Paranormal eh sunod sunod ang pananakot sa bandang gitna. Napa-OMG ako roon sa Ouija board honestly, then yung paghila kay Katie sa dilim at higit sa lahat yung last scene! Take note ha wala kang makikita na kung anu-anong kababalaghan na mga zombies o kung ano pa man! Psychological horror ika nga! Dahan-dahan ang build up tapos ang finale eh talagang naku nakakagulat na basta kakaiba siya! Sa totoo lang luma na ang pelikulang ito! 2007 pa ito pero nagustuhan ni Spielberg kaya nag-suggest ang batikang director na baguhin ang original ending. Kaya ang mapapanood natin sa sinehan eh ang idea ni Steven! Good job direk kasi dramatic ang style mo! Mas nakakapangilabot compared sa original ending. Yeah pinanood ko rin ang original ending na available sa mga online videos at sa mga dibidi. Iba ang experience sa loob ng sinehan! Promise habang ginagawa ko itong review eh kinikilabutan pa rin ako. Magaling ang mga unknown actors kasi napapaniwala nila ang mga audience na parang totoo ang mga napapanood.
Pero sa totoo lang, sa dinami-dami ng mga nagsasabing sobrang nakakatakot daw ito eh marami rin ang nagrereklamong “anong nakakatakot naman doon?” Di ko sila masisi kung bakit ayaw nila ito. Kanya-kanyang taste talaga ang mga tao. Well, ganito na lang kung mahilig ka sa mga gorefest horror eh sure na hindi mo ito magugustuhan. Kung mahilig ka sa mga Asian crawling zombies na ala-Sadako naku hindi mo rin ito trip. Kung mahilig ka sa pagtitili ni Kris Aquino naku wag ka nang magsayang ng oras dito. Pero effective sa akin ang Paranormal Activity. Kakaiba ang horror nito kasi paglabas ko ng sinehan eh hindi pa rin nawawala ang takot ko. Lalo na siguro pag nasa kama na ako para matulog eh meron palang nakakatitig sa akin na hindi ko nakikita tapos kampon pala ito ng kadiliman! OMG what if ganito rin pala sa iyo? Imagine that! I'm still recommending this one. Yeah, it is one of the scariest movies of all time!
Subscribe to:
Posts (Atom)