DONSOL
Lasy year pa ako naghahanap ng DVD o kaya VCD ng Donsol simula noong malaman ko na ito pala ang official entry ng Philippines sa Foreign Language Category sa Oscars. Alam ko humakot din ito ng mga awards sa iba't ibang International Screenings. Kaso wala talaga sa Video City at ibang video outlets.. Ilang beses ko na silang kinukulit. Wala daw talaga. Paano yan di ko man lang alam kung ano itong meron sa “Donsol” at bakit maraming awards na nakuha.
Gawa ito ni Adolf Alix Jr. Siya ang auteur ng Batanes at DayBreak. Napanood ko itong dalawa at pareho kong nagustuhan kahit medyo may holes sa script. Kaya Donsol na lang talaga kulang ko. Wala na akong choice kundi kausapin ang kaibigan ko na mahilig mag-shopping sa Quiapo. Alam mo na Dibidi Dibidi! Baka sakaling may makita lang siya doon na pirata kasi curious lang talaga ako. Matiyaga talaga siya maghanap doon at guess what after 6 months na paghahanap may nakita siya!!! Natuwa naman ako. P10 lang ha? Kasi walang casing at yun bang ukay ukay lang sa kalye. Ha ha ha! Desperado na talaga at yun kinagat namin. Curious din kasi siya kasi pareho namin itong di napanood sa sinehan. Papa Edu pasensiya na ha bumili kami ng Dibidi!
So pinanood ko na nga. Pero tinext ko muna si Inday at Dodong bago ko sinalang sa player ko. I txtd them kung busy sila at may panoorin sana akong Tagalog movie yung Donsol. Wala silang idea nito sabi ko lang humakot ito ng maraming awards at Indie film siya. Well, tapos na raw sa paglalaba si Inday at si Dodong naman mamaya pa niya susunduin ang amo niya sa office.
10 minutes pa lang medyo nalokah na si Inday. Hindi naman daw yata ito nakakakilig. Sabi ko maghintay ka baka mamaya pa yan. 35 minutes na lumipas super serious pa rin ang film ni Alix. May ilang humor sa ilang dialogues pero hindi maka-relate si Inday. Naguguluhan siya kung saan tutungo ang story nito. Honestly, ako ganun din ang reaction ko. Slow ang start ng film papuntang gitna na ewan ano ba gusto nilang palabasin. What is goin' on ba? Ok Art film talaga!
Tungkol kasi ito sa mga divers (BIO) na tumutulong bilang guide ng mga turista sa Donsol kapag peak season na ng pagbisita ng mga butanding aka whale sharks. Ito ang trabaho ni Daniel (Sid Lucero), ito ang ikinabubuhay niya at masaya sa ganito. Nagbago ang takbo ng buhay sa pagbisita muli ng batang biyuda na si Teresa ginampanan ni Angel Aquino sa Donsol.
Well, ang hirap maka-attach sa mga characters dito lalo na kung masayahin ka tulad ni Inday at Dodong. Pero ang masasabi ko lang ay ang gagaling ng mga artista rito from the lead and supporting actors pati na rin mga cameos nina Mark Gil at Bembol Rocco. Si Sid Lucero talaga ang nagdala ng pelikula. Ang galing niya talaga. Kayang-kaya niya ang Bicolano accent. Kahit nognog siya dito cute pa rin.Sino pala make-up artist niya at grabe naman sa kapal ang make-up at sunog sunog masyado. Sayang hindi siya masyado nag-daring kahit maraming underwater scenes. Hunk itong si Sid ah! Bilib na bilib ako sa underwater breakdown scene niya. Nadala ako doon. Ganda ng pagkagawa.
Si Angel naman ay talagang nagampanan niya ang lungkot at pighati ng character niya. Kaya pala nanalo siyang Best Actress.Wala kang magawa kundi maawa sa kanya. Makulit ang character ni Cherie Gil dito bilang kaibigan ni Angel. Si Jaclyn Jose as usual ay talagang batikan na. Meron ding hindi masyadong kilalang extra. Si Tetay yung bading. Patawa siya rito. Mantakin mo kahit mataba at baklang di kagandahan pintatulan ng isang British. Nawindang ako sa kanya! Nakakatawa minsan mga hirit niya.
Pero kahit nandito si Tetay masyadong serious at malungkot pa rin ang film na ito. Kaya binabalaan ko ang mga mahihilig sa pa-tweetums na hindi nyo pelikula ito. Baka mabuwisit ka lang. Pero nagagandahan naman ako pero hindi ko siya ni-re-recommend para sa lahat. Ang target nito ay ang mga Indie Lovers at mga nature lovers. Mysterious kasi masyado ang screenplay. Yun bang pag-iisipan mo talaga. From a lazy start tapos lazy pa rin afterwards tapos biglang nagising ka tapos babagsakan ka ng lungkot! Hanep ano? Original talaga! Yung music na ginamit cool ang dating kasi ethnic na ethnic. Hindi kasi natapos ng nag-pirata ang end credits kaya di ko nalaman. Ha ha ha! Pero based sa tunog parang si Joey Ayala yata gumawa.
Higit sa lahat magaganda talaga mga kuha ni Alix. Hindi ako disappointed. Basta art na art talaga. Bilib ako sa mga underwater scenes ng mga butanding at mga divers kaso hindi lang masyadong clearwater ang dagat sa Donsol. Nakaka-relax lang panoorin ang mga bading este butanding pala.. Maganda rin ang ilang backdrops ng mga eksena lalo na yung sa falls at pag sunset.
Ang maganda dito ay na-promote ang turismo ng Donsol at hindi yung pag-promote mga gahaman na advertisements sa mga pelikula na kumikita sa takilya. Hmmppp.
Natuwa ako at napanood ko na ito at last! Teka ano ba ang nangyari kina Inday at Dodong? Well, nakatulog si Dodong sa sofa buti hindi naghubad ng short kasi naka-brief lang kasi pag natutulog ito samantalang si Inday ay naging busy sa kanyang unlimited txtng. In short, di nila na-enjoy ito. Panonoorin na lang daw uli nila sina Sarah at JL sa Linggo. Ililibre daw nila uli ako! Waaaahhhhhhhhhh!!!!
Pag nagkapera ako... pupunta talaga ako sa Donsol!
RATING : 3.5 / 5 *
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment