A VERY SPECIAL LOVE
Wala talaga akong balak na panoorin itong pinilit na love team ng Star Cinema. Hindi naman ako fan ni Sarah at John Lloyd. So nagsangla pa talaga sa pawnshop ang kapitbahay kong maid na si Inday kasi gusto niya raw magpasama sa MOA at ililibre pa rin daw niya ako ng pizza na ini-endorse ni JL. Doon daw kami manonood ng bagong pelikula ni Sarah sa Imax.Matagal na niyang pangarap makapanood sa IMAX. Naku sabi ko hindi naman pang-IMAX ang pelikulang “A Very Special Love”. Nalungkot talaga ang bruha ko kasi gusto pa naman niya makita ng malaki sa screen ang face nina Sarah at JL. Wala kaming choice kundi sa ordinary theater na lang pero sa MOA pa rin. Sinama na rin namin si Dodong kasi GF naman niya si Inday. Guide lang ako doon sa MOA baka kasi maligaw sila sa kaiikot at mapunta pa saan saan.
Ayan watch na kami. Excited super si Inday. Ano ba yan? Puno ang sinehan blockbuster pala ito! Ayoko pa naman ng punuan sa loob naiirita ako kasi kahit hindi nakakatawa maraming nagtatawanan. Tiniis ko na lang para sa mga kaibigan ko. Tutal libre naman. 15 minutes na kami sa loob pero gusto ko nang mag-walk-out. Hindi ko na kayang tapusin ito. Pero konting tiis na lang for my friends.
Ang corny ng istorya. Nakakapanghina. As usual isang mahirap na babae name niya Laida tapos nakapasok sa isang company na may masungit at guwapong boss name niya Miggy. As usual iisnabin si girl pero todo ngiti pa rin si girl kasi crush niya kasi. Todo pagtatanggol sa boss niya. Tapos napuno si Girl biglang layas . Then ma-re-realize ni boy na he need her. Asus ilang beses ko nang napanood itong eksena. Ano ito parang Ugly Betty ang style din? O siya siya. Tuloy pa rin ang pinilit na kilig. Mga pa-tweetums na scene. Nakakakilig ba? Siguro sa iba. Hindi naman bagay ang dalawa kasi.
Sa acting talagang lahat ng eksena dalang dala ni JL. Lalo na yung mga eksena niya sa family niya. . Kapamilya talaga siya. Iniisip niya na kapamilya ako dapat makapamilya din acting ko. Ganun talaga! He he Joke lang. JL is a very good actor. Si Sarah..hmmmm... baka magalit mga fans niya pag sinabi ko totoo. Ok magaling siyang kumanta. Yun lang.
Nakakabilib ang mga supporting roles pero nangibabaw sa lahat ang acting ni Irma Adlawan. Madalas kong napapanood si Irma sa mga Indie films at naging fan ako sa” Mga Pusang Gala”. Ang galing niya doon. Bakit nga ba nasali si Joross dito? Mag-Extra Joss kaya muna siya wala kasi siyang energy sa lahat ng mga eksena niya.
Habang nag-ngingitngit na ako sa inis kasi nga ang ingay sa loob dahil nagtatawanan nga sila. Aba sila Inday at Dodong naghaharutan rin sa kilig. Naku mas kinilig pa ako sa kanila kaysa pinapanood ko sa sine. Naloka ako sa dalawa. Naghihiyaw si Inday sa tuwa. Grabbee talaga si Inday enjoy niya ang movie ng idol niya. Aba naiyak din si Inday sa dibdib ni Dodong doon sa isang drama scene daw. Ewan ko ba kung matatawag kong drama yun. Basta style style lang. Kakagatin naman pala ng masa ito!
Bakit ba si Molina na lang palagi director ng mga rom-com daw ng Star Cinema? Wala na ba iba? Overrated naman gawa niya.
Hay salamat natapos na rin at pinapatugtog na ang themesong na “A Very Special Love”. Magaling talaga na singer si Sarah. Si Inday LSS na rin sa themesong. Feel na feel niyang kantahin. Request niya i-download ko raw agad sa Limewire an g kanta kasi maganda raw talaga. Ha ha ha! Kaloka siya!
Bakit ba A Very Special Love? Hindi naman special masyado? Naku bahala na kayo kung gusto niyong mapanood nito! Basta based sa experience ko nabuwisit ako. Pero feel na feel naman nila Inday at Dodong ano? Kung fan ka ka siguro mag-eenjoy ka nito!
I’m sorry kung harsh ako masyado. Opinion ko lang ito.
RATING : 2 / 5*- ni Jishcand
RATING: 5 /5* - ni Inday at Dodong
No comments:
Post a Comment