Monday, August 11, 2008

MEGA-MOVING BUT MEGA BORING

CAREGIVER

caregiver

Nag-text sa akin si Inday na out na raw ang DVD ng Caregiver ni Mega Sharon Cuneta. So rent agad ako nito kasi akona lang yata ang hindi nakapanood sa milyon milyon na pumila sa movie na ito. Pero kahit alam ko na kumita talaga ito ng malaki. Lagpas P100M na raw hindi pa rin ako na-convinced na panoorin ito sa big screen. Si Inday lang kasi nagsasabi na maganda pero halos lahat ng mga nababasa ko sa forums eh may mga mixed reviews.

Interesting ang opening scene sa woods. Pero mukhang familiar ang scene na yun sa akin. Hawig ang scene sa “lost in the squatter area” ni Gina Pareño sa Kubrador yun nga lang sa woods naman ang kay Sharon. Kung napanood mo ang scene na yun sa Kubrador yun na yata ang pinakamagandang eksena na nakita ko sa mga pelikulang Pilipino so far. Pero since Caregiver ito pag-usapan na lang natin ang mega movie na ito.

The first 30 minutes ng film ay intro ng buhay ni Sarah (Sharon Cuneta) sa Pilipinas. Lilipad kasi siya papuntang London para maging isang Caregiver. Medyo boring nga ang mga eksena kahit maganda ang pagkakuha ni Chito Roño. Wala gusto ko lang agad makita na ang mga eksena sa London. Marami ng mga crying scenes sa Pilipinas kaso bakit hindi naman ako naiyak.Moving siya pero walang dating ang drama sa akin.

Ang mga eksena sa London ang distubing para sa akin. Hindi ko pinangarap maging isang caregiver o nurse. Nang mapanood ko ito eh lalo akong nalungkot sa mga paghihirap ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Ganun ba talaga ang buhay ng mga OFWs? Sad naman pala. Parang ayoko nang mag-abroad tuloy. Masyadong ma-pulitika ang pelikula na ito. Basta parang pinatataman ang pamahalaan natin.

pic1-22

Mega-actress talaga si Sharon. Gusto ko siya sa Crying Ladies at Madrasta pero dito sobrang kapani-paniwala talaga ang acting niya. Lalo na ang make-up niya na simple lang at natural. Deserving uli siya para sa Grandslam Best Actress.

Yung character ni Makisig Morales pampagulo lang sa istorya. Konti lang naman eksena nila Sharon pero bakit ganun na lang reaksiyon ni Mega sa parting ways nila. Medyo OA ang dating na pinilit na drama. Si John Estrada talaga kagulat-gulat kasi pam-Best Actor din ang performance. Yung iba naman display lang.

caregiverB

Magagaling naman silang lahat. Pero kapansin pansin yung young boy na anak ni Mega. Sorry di ko siya kilala pero parang Young Carlo Aquino ang dating niya sa pag-arte at face niya.

Di ko sinabi na panget ito. Masyado lang mahaba at walang saysay ang ibang eksena. Boring talaga minsan. Ano ba talaga gusto nilang mangyari? Ang sumulat pala nito ay si Chris Martinez. Kung familiar ka sa book at stage play niya na Last Order sa Penguin ay baka madisappoint ka kasi walang humor dito. Mega drama nga kaso magulo lang nang konti.

PIC3-22

Hindi rin naipakita ang kagandahan ng London naipakita lang ang kalungkutan at kahirapan ng mga kababayan natin sa London. Haayyy... depressing.

Buti naman may nakuha silang mga Briton na magaling umarte.

Maganda ang pagkagawa pelikula na ito kaso...ewan ba.

Pwede mo siyang hindi muna panoorin kung hindi mo pa ito napapanood.

Maghintay ka na lang sa next fight ni Pacquiao sa GMA-7.

I am pretty sure ito ang ipantatapat ng ABS-CBN.

RATING : 3 / 5 *

No comments: