Thursday, August 21, 2008

NABUNDOL SI PIDOL , BOSSING GISING !

DOBOL TROBOL
(LET’S GET REDI TO RAMBOL)


IMG-5142
pics courtesy of direkbutse

Isa ako sa mga hindi excited sa pelikula na ito. Pero pinanood ko kasi nag-re-review nga ako ng mga movies at mantakin pinagsama kasi ang Hari ng Komedya at ang Hari ng Box Office tuwing Disyembre. Ang kulit rin ni Inday at ni Dodong panoorin ko daw muna para malaman nila na sulit daw ibabayad nila. Nakakalokah sila! Hindi ako fan ng dalawang Hari pero lumaki ako sa mga pelikula ni Pidol noong bata pa ako. Enjoy din ako sa Home Along da Riles niya noon. Kay Bossing naman lahat ng Enteng series niya ay yung una lang ang pinagbigyan ko the rest di ko na binigyan ng time alam ko naman kikita ang mga sequels niya. Pero enjoy ako pag-ho-host niya sa Eat Bulaga. Matagal hinintay ang tambalan ng dalawa. Anong nangyari sa Dobol Trobol? Isang malaking kaguluhan na magugustuhan lang ng mga die hard fans ng dalawa.

IMG-5159
pics courtesy of direkbutse

Obvious na ginawa ito para kumita lang ng datung. Dapat kasama nga si Marian Rivera dito eh.. aawww!!! Pero busy siya sa paglangoy sa dagat kasama si Fredo. Mabuti na lang hindi siya nakasama dito dahil sayang lang. Sa totoo lang kung mahilig ka sa mga quality foreign films wag mo nang panoorin ito. Mabibwisit ka lang. Di ko maintidihan kung bakit puro recycled jokes ang mga nakita ko rito. Pero natawa pa rin yung ibang nanonood. Fan talaga sila o sadyang madali lang silang makiliti. Bago pa ba sa kanila ang mga ito? Gusto ko na talagang mag-walk-out kaso kailangan kong tapusin ito. Ano ba yan? Luma na yan eh! Nakita ko na ang mga yan eh! Fine whatever kung ganito talaga gusto nila.

IMG-5187
pics courtesy of direkbutse

Nakakairita din yung Rizza Santos na yan! Bakit ba sinali pa eh hindi naman marunong mag-Tagalog? Ikulong uli siya sa bahay ni Kuya bigyan ng task na magbasa ng Eng-Fil dictionary for 100 days. Kung natutuwa ka kina Jose at Wally sa mga comedy bars eh malamang di ka ma-di-disappoint sa kanila dito. Patawa pa rin sila. Pero kung hate mo sila naku iwasan mo ito. Kung crush mo si Brazilian Diana ng EB, naku di siya pahuhuli sa pagpapa-cute.

May nalalaman pa silang espesyal epeks kunwari na ewan ba saan internet shop lang pinagawa.Joke! Corny effects pala ito. Comedy epeks na lang sana para makatipid yun bang natural na pampakiliti. Kaso wala pala sila nito. Ang reklamo ko lang eh panget ng resolution o color nito. Mukhang minadali talaga eh. WOW!! Nakakakuha pa ng Rated B ha??? Amazing naman!

Mataas pa rin respeto ko kina Pidol at Bossing kasi nandoon talaga talento nila kaso di nga lang nag-work sa story ng Dobol Trobol. Sa Facial expressions pa lang kasi Ok Fine natawa naman ako. Sobrang common na kasi ng mga jokes nila. Sobrang napaglipasan na. Hindi na talaga bago sa akin. Yung cheap epeks lang ang nagpabago kunyari. Nakakatakot kasi after 3 days ata eh naka-bargain na pala ito sa mga Dibidis dibidis. Dobol trobol talaga ito sa mga producers. Teka di ba sila Pidol at Bossing din nag-produced nito? May talent fee kaya sila? Well, good luck sana nga kumita sila. Tingin ko mas kumita pa si Manong Dibidi nito.

vicqp5

Sa mga die-hard fans: recommended ko ito malamang type nyo ito. Sa mga walang sawang pumila sa Enteng Kabisote series tuwing MMFF. Watch nyo rin ito kasi I'm sure ito talaga trip nyo! Pasensiya na sa mga fans kung harsh ako di ko talaga trip ito eh.

Sa iba diyan na curious: Hintayin nyo na lang sa TV ito. Ipapalabas din ito soon pagkatapos ng Kim San Soon. Ha ha ha!

RATING : 1.5 / 5 *

No comments: