Sunday, December 13, 2009
BUWAYA SA ITIM NA TUBIG
Image by Cool Text: Logo and Button Generator - Create Your Own
Naloka na ako kaka-Google sa pelikulang Predator na palabas ngayon sa mga sinehan! Eh ang lumalabas ba naman ay ang Alien vs Predator at saka si Arnold Schwarzenegger. Wala man lang akong nakitang Predator na tungkol sa mga buwaya!!! Paano ko naman ma-re-review ito kung wala akong mga pictures!!! Ay naku ang hilig talaga ng mga local distributors natin na baguhin ang mga original titles ng mga foreign films tulad nito. Itong Predator ek ek eh sikat na horror movie pala ito from Australia way back 2007 pa! The real title is Black Water!!! Natawa ako kasi eto ang cologne na gamit ko! Pero I prefer na Black Water na lang dapat ang title kasi mas effective na title ito kaysa sa baduy na Predator. Gusto mo bang magsisigaw sa loob ng sinehan ? Gusto mo ba talaga na matakot??? Naku lumusong ka na sa Black Water! Tiyak papatayin ka sa sindak!!!!
BUOD NG PELIKULA: Vacation time na nina Lee, Grace at Adam sa Australia. Enjoy sila sa pamamasyal sa crocodile farm. Nag-suggest si Adam na mag-fishing sila sa malayong swamp. Nag-hire sila ng guide at isang boat papunta sa liblib na mangrove. Pero di nila namalayan, may buwayang gutom at biglang itinaob ang bangka nila. Patay ang guide kaagad sa first attack. Now.... kailangang mag-isip ng tatlo paano nila matakasan ang buwayang nakalubog lang sa maitim na tubig at handang manlapa ng paa!!!! Kung ako sa kanila bigyan na nila ng tong!!!
Crocodile film eto kaya expect to see a real crocodile. Hindi ito yung mga buwaya sa daan na naka-uniform. Real crocodiles sa tubig na kumakain ng tao. Wala namang story rito kundi parang survival show lang ng tatlong tao na stranded sa isang mangrove dahil sa buwayang nagpataob ng bangka nila. Kung sabi nila nakakatakot ang Paranormal Activity eh di hamak na mas nakakatakot ito! Halos lahat na yata ng mga bad words eh naisigaw ko sa sinehan dahil sa buwisit na buwaya dito! Itong 3 tao dito eh nasa mga puno lang na nasa mangrove at nagmamasid sa maitim na tubig kung nandoon ba ang buwaya. They need to survive kasi nasa liblib na lugar sila at walang nakakaalam na nandoon sila. Nabasa ang celfone nila kaya no communications at all. Kahit magtitili pa sila for HELP!!! Walang makakarinig sa kanila. Kaya one solution: use the boat na tumaob sa tubig. Pero what if nandoon ang buwaya sa ilalim ng tubig? Di ko na sasabihin ang ibang details pero hanep sa suspense at horror ang pelikulang ito. Non-stop ang sigawan.
Yung scary cinematography ng pelikula eh kapansin-pansin talaga! Ang maganda sa Black Water eh ang spooky setting. Tubig pa lang nakakatakot na! Konting bubbles lang ng tubig eh nakakanerbiyos na eh lalo na pag gumalaw pa ito tapos sabay litaw ng ulo ng buwaya!Eh yung buwayang ginamit eh tunay pa! Hindi siya CGI o animation. Tunay talaga!!! Di ko alam kung paano nila kinunan ito kasama ang mga tao pero grabe ang mga eksena pag umaatake ang buwaya!!! Kabog ang dibdib ko! Nagsisigaw ako sa takot. Napapatayo ako sa upuan ko dahil nagsisigaw ako sa takot!! P^+@#( Ina may buwaya sa likod mo!!! Ayan na!!! Akyat na!!! Hindi ako OA totoo talaga na nagsisigaw ako dahil nakakataranta ang movie na ito!!! Walang binatbat ang paninindak ni Sadako at yung ibang Asian Horror Films!!!! Basta effective ang pananakot dito! Hats off din sa sound kasi talagang nakaka-suspense ang tunog!
Based on real events daw ito kaya ang acting ng mga artista eh real na real din! Love ko si Maeve Dermody as Lee dahil kitang-kita sa acting niya ang tunay na takot at siyempre ang determination na mabuhay pa! OK rin si Diana Glenn bilang Grace at si Andy Rodoreda bilang Adam. Medyo malalim lang talaga mga Australian accents nila. Pero the best talaga ang acting ng buwaya! Punyetang buwaya nakaka-heart attack siya!
Obviously maliit lang na budget ang nagasta rito sa Predator o Black Water kasi nasa mangrove lang halos lahat ng mga eksena. Pero kahit B-movie lang eh sulit naman ang binayad ko! Kung horror ang isang movie dapat matatakot tayo di ba? Don't worry saksakan ng suspense rito! Hindi ka lang magsisigaw habang nanonood eh paglabas mo matatakot ka nang magbangka sa lawa o kaya maligo sa mga mapuputik na ilog. Parang Jaws effect ba? Since luma na pala itong Predator o Black Water check nyo lang ang DVD kasi matagal na pala itong na-release. Black Water o Predator basta may buwaya sa cover yun na! I'm really recommending this one. Tawagin mo lahat ng mga barkda mo! Nood kayo sabay-sabay! Then tilian to the max na!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment