Wednesday, December 2, 2009
PARE, SAFE TRIP HA? LAB U!
Ang unang araw ng Disyembre ay AIDS Awareness Day. Isa ako sa mga sumusuporta nito. Bakit? Kasi malandi rin ako tulad ng iba. Ha ha ha . Joke. Sa panahon ngayon na OK na talaga kung sino na lang ang pwede mong makapartner sa sex eh naku dapat palagi na tayong safe sa bawat laban. Di naman talaga bawal ang masarap na bagay na yan kaso dapat konting ingat lang di ba? Kaya sinadya kong balikan ang isang pelikula last December 1 na nakalimutan kong panoorin last year. Highly recommended kasi ito ng mga kakilala kong mga promiscuous at adventurous. May matututunan daw ako dito when it comes to safe sex at higit sa lahat kung hanap ko raw ay konting kilig eh meron daw dito. Hindi ako nag-expect ng mataas sa movie na ito kasi ang director nito na si Jay Alterejos ay ang gumawa rin ng kapapanood ko lang na basurang “Ang Laro ng Buhay ni Juan”. Pero laking gulat ko! Wow! This is a feel good movie with a shocking story na nagpangiti sa akin. Heto na ang Kambyo para sa 'yo. Pare, safe trip ha?
BUOD NG PELIKULA: Matagal nang gustong makita ni Macky ang dating kaibigan niyang si Philip. Kaya isang araw nag-decide siya na hagilapin na ito sa La Union kasama ang pinsan niyang si Manuel. Kasama rin nila sa biyahe ang malanding bading na si Xavier na nagdala pa ng hunk na si Aldo na napulot lang niya sa kalye. Sa kanilang paglalakbay, may mga sekretong mauungkat at may mga relasyong mabubuo na hind nila mamamalayan. Ang hindi nila alam matagal na pala silang minamanmanan ni Bebe.
This is a road trip- gay movie. 95% ng movie ay pinagbibidahan ng mga gay characters. Iba't ibang kabadingan ang maglalakybay at sama-samang tutuklas sa ligayang maiibibigay pa ng buhay. Simple lang ang story nito at higit sa lahat kahit sinong bading makaka-relate. Kanino ka makakarelate? Sa isang ladlad na bading na super active sa sex? O Sa closet gay na may asawa't anak na pero deep inside mahal pa rin pala niya ang lalakeng ka-bonding niya noong college pa sila? O sa closet gay rin na may girlfriend na mahal daw niya pero willing pala tumikim ng kapwa lalake at may matagal nang itinatagong pag-ibig sa kapwa Adan? O sa isang closet gay na may pagtingin pala sa isang ladlad na bading? O sa isang hunk na trip lang makipag-one night stand? Pagsamahin mo ang limang yan tiyak na riot ang mangyayari di ba? Pero hindi magulo ang Kambyo. Tulad ng isang matagal na biyahe na medyo nakakabagot at kapag paparating ka na sa pupuntahan mo eh medyo kapanapanabik na. Sa simula lang medyo boring ang Kambyo kasi puro daldalan kung anong meron sa buhay buhay nila pero habang tumatagal at nakikilala mo na ang mga characters sa kanilang paglalakbay eh hindi ka na makakawala pa sa pelikula. Nandoon yung pakikiligin ka sa naudlot na relasyon ng dalawang lalake at higit sa lahat tataas ang blood pressure mo doon sa isang eksena na nagpakaba sa akin. Watch out for the morning ruckus after their sex sa cottage. Hanep!. Kinabahan ako doon! Kahit common na sa ibang pelikula ang scene na yun eh nagulantang pa rin ako. Ha ha ha!
Pero ang Kambyo ay salitang kanto rin. Alam mo ba ibig sabihin nito? Kung may nakikita kang isang guy na ipinapasok ang kanyang isang kamay sa kanyang pantalon o short at parang may inayos siya doon sa loob yun ang tinatawag na Kambyo. Pero wala namang nagka-kambyo rito. Tunay na kambyo sa van ang makikita mo rito. Based din sa poster nila eh mapapaisip ka kaagad ng orgy di ba? Pero hindi ganyan ang Kambyo. Napabilib ako sa mga kuha ng director sa pagkuha ng mga sex scenes kasi hindi niya nababoy ang mga actors! Yung sex scene dito ng dalawang lalake eh talagang maganda ang pagkakakuha. Hindi siya exploitation kung tawagin. Pero steamy pa rin naman hindi lang brutal tulad sa Ang Lalake sa Parola at Ang Lihim ni Antonio. Most of the shots here ay maganda lalo na yung sa mga beach scenes at sa Paoay. Cool ang framing na pinapakita nila. Nakakaliw din ang music na ginamit kasi bumagay sa road trip nila. Nakakairita lang yung song na paulit-ulit na pinapatugtog at kinakanta ng isang character. Maganda sana ang song na yun kaso parang sirang-plakang paulit-ulit.
Surprising din ang acting ng ilang actors dito pero ang kapansin-pansin ay si Harold Macasero bilang Xavier.Natural ang pagkabading at matatawa ka sa mga punchlines niya tapos doon sa drama scene niya eh naku mas lalo akong bumilib sa kanya! Akalain mong si Antonio nandito rin pala bilang Manuel. Hindi gaanong challenging role niya pero nakakabilib ang pagiging natural niya. Kung nilait ko si Ray-an Dulay sa Ang Laro ng Buhay ni Juan eh dito hindi ko siya masyadong lalaitin. In fairness, bagay sa kanya ang role na Macky. Closet gay na nagkikimpi ng pag-ibig na malapit nang sumabog. Wooden pa rin ang acting niya pero na-convinced naman ako sa mga facial expressions niya na pinakita sa ilang piling eksena. Magaling talaga siya sa sex scene ha ha ha! Lalo na yung partner niya na si Johnron TaƱada bilang Philip. Bagay silang secret lovers. Yung salimpusa dito na si Gabz del Rosario parang wala lang pero cute siya yun lang.
Kambyo is a not really remarkable pero relatable. Nagustuhan ko talaga ang pagkasali ng HIV issue sa story. Nakakapukaw siya lalo na yung mga hindi mahilig sa safe sex. Higit sa lahat yung secret affair dito na talagang totoong-totoo at nangyayari sa tunay na buhay. Marami kasi akong kakilala na kahit married na sa babae na eh tuloy pa rin ang relasyon nila sa kapwa lalake, patago nga lang Nakakarelate ba ako sa Kambyo? Ha ha ha! Secret. Basta kinilig lang ako sa part nina Macky at Philip. May naaalala lang kasi ako. Gusto ko tuloy bumiyahe papuntang Nueva Ecija at sa Laguna may pupuntahan lang ako na kakilala ko dati. I'm pretty sure may asawa na ang kaibigan kong yun! Gago siya! Ha ha! Recommended ko ba sa lahat ito? Hindi ito sa mga homophobic siyempre baka ibalibag pa ang DVD player nila. Sa mga open-minded lang ito na mga tao mapa-gay o straight man even girls may enjoy this movie.
Ano pare? I-kambyo mo na yan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment